Kabanata 37 "PUWEDE bang linawain mo ang sinasabi mo ha, Henry?" Asar kong giit. Napipikon na ako sa inaakto ni Henry. Gusto kong isiping pinaprank lang niya ako, pero hindi ganung tipo nang tao si Henry. At unfair para sa akin na ako dapat ang galit sa kanya pero siya itong mas galit pa sa akin ngayon. Mapanuyang ngisi ang sumilay sa labi nito. "Wala ka ring pinagkaiba sa lahat." tiim bagang sumbat nito saka ako tinalikuran. Kita ko ang naguguluhan rin ang mga kasama namin sa bahay na mukhang narinig ang pagtaas ng boses nito. Pero hindi ko na pinansin 'yon. Sumunod ako kay Henry. Naabutan ko siyang nagbibihis na. "Henry, mag-usap naman tayo...." natikom ko ang bibig ko nang masamang tingin ang ibinaling sa akin ni Henry. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dala nang nagyeyelo

