Kabanata 36 "SINO DAW nagbigay sa kanya nang singsing?" sa wakas ay nagawa kong itanong kay Venus nang iwan na kami ni Karen matapos nitong makuha ang take out nito. "Ha..naku, ano ka ba, Hannah? Baka nagbibiro lang si Karen. Ignore mo na lang siya. O kaya baka dati pa binigay ni Henry ang ring." Saglit itong tila natigilan at tinitigan ako. "Kaya pala pamilyar sa akin ang singsing mo." anitong ikinatitig ko sa singsing ko. Binigyan ba ako ni Henry nang singsing na katulad kay Karen? Naguguluhang napatitig ako kay Venus. "Sabihin mo alam ba ni Karen na kasal na kami ni Henry?" tila wala sa sariling tanong ko. "Ahmm...sa tingin ko hindi. Nagbilin sa akin si Henry na huwag munang sabihin kahit kanino na nag-asawa na siya. Kami lang ni Amer ang nakaka-alam kaya ayaw ko ring magsabi kay Ka

