Nabigla ako nang makitang marami pala silang naghihintay sa hapag-kainan. Akala ko ang hari lang ang makikita ko. Pero hindi. Bukod sa apat na prinsipeng nakilala namin kanina at sa prinsesa ay may may sampu pang kasama ang hari na naghihintay sa harap ng hapag. Ganoon katalas ang mga mata ko kaya nabilang ko kaagad silang lahat. Wala akong makitang reyna kaya naisip ko ay patay na siguro siya. Ang sipag naman ng hari at nagkaroon siya ng higit pa sa isang dosenang anak. Sigurado akong mga prinsipe at prinsesa sila. Tumayo silang lahat nang makalapit na kami sa mesa. Kahit ang hari na nakaupo sa kabisera ay tumayo rin. Bakante ang kabilang kabisera at sa tingin ko ay iyon ang pwesto ko. Yumuko sila sa akin at sabay-sabay na bumati. "Isang maligayang pagdating sa Kaharian ng Resteri, Mah

