Ano naman kayang problema ng haring ito? Mukhang masaya pa nga siya sa pagiging tanyag niya kuno dahil siya ang may pinakamaraming anak na puro panganay. Gusto ko sanang matawa at magbiro pero alam kung hindi iyon tama sa pagkakatapng ito. Dahil hindi ko nakikitang ngumiti man lang ang mga prinsipe at prinsesang naririto na kasama ko. Naisip ko kung ganito naman pala karami ang mga anak niya bakit wala man lang akong makita kahit isang reyna? May kinalaman kaya iyon sa problemang kinakaharap nila? O may kinalaman iyon sa hindi nakikitang harang sa tarangkahan? "Magpakilala na kayo, mga minamahal kong anak," sabi ni Haring Erezo. Muntik na akong mapasimangot. Sabi niya siya ang magpapakilala. Baka siguro nakalimutan niya na ang pangalan ng mga anak niya sa sobrang dami nila. O hindi nam

