Sinaulo ko muna ang mga sasabihin bago tumayo at hinanda ang sarili sa gagawin. Huminga ako nang malalim bago kinuha ang punyal mula kay Rima. Isang hingang malalim pa ang ginawa ko bago sinugatan ang sariling palad. Nararamdaman ko ang hapdi at kinuha naman kaagad ni Rima ang punyal. Binuka ko ang palad na sinugatan ko at nakitang umaagos na ang dugo mula roon. Nagpalitaw kaagad ako ng apoy at inisip kong humahalo iyon sa dugo ko. "Zedu le arbuz mimito ken penele... zedu le arbuz mimito ken penele... zedu le arbuz mimito ken penele." Pinalitaw ko kaagad iyon sa ere at pinormang bilog, "Ezpirim agrim tuzim... ezpirim agrim tuzim... ezpirim agrim tuzim." Unti-unti nagliwanag nag gitna ng bilog at parang bigla iyong naging salamin dahil nakikita ko ang repleksyon ko. "Agrum..." Lumiwan

