Nakita ko ang nakaraan ni Prinsesa Siyhara mismo sa katawan niya kahit na kaluluwa naman ni Prinsesa Asharr ang nasa katawan niya. Kaya naisip kong makikita ko ang nakaraan ni Prinsesa Asharr sa mismong katawan niya. P'wede ko namang tanungin na lang si Prinsesa Asharr pero mas magandang makita ko mismo ang mga nangyari. Tahimik kaming naghihintay kay Prinsesa Siyhara na nasa katawan ni Prinsesa Asharr. Hindi pa rin nagigising sina Rayah at Nehimya. Pero siniguro naman nilang may nagbabantay sa kanila at mag-aasikaso kung sakaling magising na sila. "Narito na si Prinsesa Asharr," pagbabalita ng isang tagapagsilbi. Sabay naming nilingon ang bagong dating na si Prinsesa Asharr at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makitang puti lahat ang kanyang mga mata. At ang balat ng mukha niya ay

