Chapter 108 - Selos

1807 Words

Nagbago ulit ang paligid at nasa loob ako ng isang kwarto. Nasa tabi ko si Prinsesa Siyhara habang kaharap ang kanyang ina. Hawak siya nito sa magkabilang balikat niya at nakatingin nang seryoso sa kanya. Mukhang may pinag-uusapan silang mahalaga. Napansin kong malaki na si Prinsesa Siyhara at sa palagay ko ay dalaga na siya sa panahong ito. Si Estra naman na noong una kong nakita ay napakasimple lang, pero ngayon ay magarbo na masyado ang kasuotan niya at may mga kolorete na rin sa mukha niya. Mukhang ginawa niya ang lahat para lang hindi siya iwan ng hari at kasali na roon ang pagpapaganda. "Makinig ka, anak," sabi ni Estra sa anak niyang kanina pa nakatingin sa kanya na para bang naghihintay sa kung ano mang iuutos niya sa kanya, "Gagawin ko ang lahat para ikaw ang susunod sa trono n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD