Chapter 107 - Maling Desisyon

1549 Words

"Habulin mo ako, Ina!" "Humanda ka sa akin kapag nahuli kita! Ikukulong kita sa aking mga bisig at paliliguan ng mga halik!" Mag-inang masayang naghahabulan sa gitna ng hardin ang bumungad sa akin nang makapasok na ako sa nakaraan ni Prinsesa Siyhara. Nasa tabi ko naman si Haring Erezo na pinapanood lang ang kanyang mag-ina. Kahit hindi ko siya lingunin ay nararamdaman ko pa rin ang kalungkutan niya. "Ama!" sigaw ng batang prinsesa. "Hindi ka pa naman ganoon katanda para hindi makatakbo nang matulin!" Narinig kong tumawa ang hari. Ang batang prinsesa ay ibang-iba sa kung ano siya sa kasalukuyan. Ang nakikita kong bata ngayon ay abot hanggang langit ang kanyang kasiyahan. Malayo sa malanyebeng pag-uugali ng prinsesang nakilala ko. Ganoon naman siguro kapag sinubok ka ng tadhana. Magba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD