Chapter 106 - Prinsesa Siyhara

1024 Words

Ilang segundo na akong nakabalik galing sa nakaraan. Nakapikit lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng nararamdaman ko. Siguro dahil sa sangkot na naman si Samaria? Kailan ko pa kaya siya makakaharap ulit? Bakit hindi ko pa siya napatay nang maglaban kami? Baka dahil sa hindi pa ako ganoon kalakas o baka naman dahil sa masyado pang malawak ang nasakop ng kasamaan ni Samaria? Saka ko pa lang napansin na nasa akin na pala lahat ng atensyon nila. Tumukhim ako para kalmahin ang isipan ko. Naging masyado nang malalim ang pag-iisip ko nitong mga nakaraang araw. Baka maapektuhan nito ang kung ano ang dapat kong isipin, iyon ay ang misyon kong ibalik sa kaayusan ang buong Azaram. Saka ko na poproblemahin ang tungkol sa sarili ko. Uunahin ko na muna ang dapat na unahin at alam kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD