Nakaluhod ako sa sahig at kanina pa nakatingin sa wala ng buhay na si Reyna Hirya. Samantalang kanina pa tumatawa si Samaria. Hindi pa rin gumagalaw ang lahat. Kahit si Rayah na kayang itigil ang oras ay hindi rin gumagalaw. "Napakasama mo!" sigaw ko kay Samaria. "Oo naman, nagmana ka sa akin," sagot niya na nagpalito sa akin. "A-Anong sinasabi mo?" nagtataka kong tanong na nakatingin na sa kanya. "H'wag kang mainip, dahil malalaman mo rin ang lahat, Raffaza." Raffaza? Biglang sumakit ang ulo ko at napahawak na ako roon. Parang may kung anong pilit na pumapasok pero may malaking nakaharang kaya hindi iyon makapasok-pasok. "Walang hiya talaga ang Likha na iyon." Narinig kong sabi ni Samaria. "Nilagyan niya ng harang ang isipan mo para wala kang maalala. Ay mali, para pala hindi mo ma

