Napamulat ng mga mata si Raffaza nang tawagin siya ng kanyang Ina. "Raffaza," tawag muli ni Aloma sa kanyang nag-iisang anak na lalake. Dali-daling lumipad sa kalangitan si Raffaza dahil nakaligtaan niyang taon pala ng bisyesto sa araw na iyon. Pagdating niya sa buwan ay naroroon na si Samaria. "Kahit kailan talaga, lagi mo na lamang kaming pinaghihintay," pagtataray ni Samaria. "Kumusta, mahal kong kapatid?" tanong ni Fyura at inakbayan pa si Raffaza. "Masyado ka talagang mainipin, Samaria," sabi naman ni Likha na tinarayan lamang ni Samaria. "Nawili akong makipaglaro sa mga bituin," sagot ni Raffaza at nginitian lamang silang lahat. "May mahalaga ba kayong sasabihin, Ina?" "Pinatapon sa Azaram si Rexiya," pagbabalita ni Aloma na siyang nagpagulat sa kanyang mga anak lalo na kay Ra

