Nakatingin lang si Raffaza sa kawalan habang pinagmamasdan ang pagningning ng bawat bituin. "Ano? Hindi ka ba gagawa ng paraan para makaganti kay Likha?" biglang tanong ni Samaria sa kanya. Tamad niya lang itong nilingon bago binalik sa kawalan ang kanyang atensyon. Nasaktan din siya sa nangyari. Ngunit ano pa nga bang magagawa nila. Nakunan din siya kaya para sa kanya ay patas lang sila. Ngunit para sa kapatid niyang si Samaria ay hindi-hindi nito matatanggap na ganoon na lamang. "May alam akong paraan." Sa sinabong iyon ni Samaria ay tuluyan nang nalipat sa kanya ang atensyon ni Raffaza. "Anong paraan?" "Mabubuhay ka bilang prinsipe at hahanapin mo ang senteri." Huminga nang malalim si Raffaza bago iniwas ang tingin kay Samaria. "Salamat na lang." Alam niya kasing napakaimposible.

