Narito na kami sa labas ng palasyo at kagaya nang una kong tapak dito ay napuno ang buong paligid ng mga iba't-ibang nilalang. May dala kaming pagkain, tubig, pilak at ginto na nagsisilbing pera nila rito, mga gamot na magagamit namin kapag nasugatan kami, mga iba't-ibang potion katulad ng lason, mga likidong may halong mahika, mayroon ding mg hindi pangkaraniwang gamit na may mga mahika rin at kung anu-ano pa. Plano ko rin na habang naglalakbay ay aralin ang mga kapangyarihan ko— apoy, mahika, magpalit ng anyo, at makakita ng nakaraan ng isang nilalang. Hindi na ako nagkaroon ng panahon para magsanay kaya bahala na. Para tuloy akong estudyante na may examination pero hindi nakapag-aral. Pero mas mabigat lang sa sitwasyon ko dahil wala talaga akong alam sa pakikipaglaban. Siniguro nam

