Puminta ang sari-saring emosyon sa mukha ni Lawrence s pagitan ng malayang pagkukwento ni Contessa. Galit si Lawrence. Nakakuyom ang kamao niyong nakapatong sa mesa. “Hindi pa rin pala siya nagbabago.” Tiim ang mga bagang ng kaharap habang nakakuyom ang mga kamao na nakapatong sa mesa ng isang restaurant na pinagdalhan nito sa kanya. Pero nang makitang naiiyak na naman siya. Inabot nito ang tissue sa holder at iniabot sa kanya. Simula kanina nang maupo sila, ilang piraso na ng tissue ang naubos niya. “Tahan na, Contessa.” Panay ang pag-alo ni Lawrence sa kanya kasabay ng marahang paghagod ng kamay nito sa likod niya. Mabuti na lang at si Lawrence ang kasama niya ngayon. Nagawa niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob nang walang takot na huhusgahan siya nito. Pinahid niya ang mga luha

