bc

The Chosen One

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
fated
opposites attract
second chance
goodgirl
self-improved
drama
twisted
lighthearted
betrayal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Alexandra Kate Segovia Solano is a romantic lover who wishes nothing but to have a perfect relationship. She needs no one but a man who is honest enough with her. Iyong kahit na alam ng lalaki na magagalit siya sa ginawa niyang bagay, still, he will tell the truth as a sign of love and loyalty. She wants a man who loves her so much and willing to risk everything for her sake.

But then again, happy ending is just a plain word that is overrated. Believing in it is like trying to drown yourself in the middle of an ocean. Happy ending? Uso pa ba 'yon? Sa panahon kasi ngayon, bihira ka ng makakahanap ng matinong lalaki. Iyong mahal na mahal ka at ikaw lang ang tanging babae sa buhay niya bukod sa kaniyang pamilya. At kung meron man, hindi naman deserving. Worse, hindi mo deserve ang taong iyon.

Moreover, totoo nga ba ang kasabihang 'The more you hate, the more you love.'? Paano kung bawat paghinga ng taong iyon ay kinaiinisan mo?

Nevertheless, ang pag-ibig ay parang magnanakaw. Basta basta ka na lamang susugurin nang walang pagsabi-sabi. This man, who is the son of arrogance, never fails to show off himself. Pero imbes na mainis sa lalaki, maiinis siya sa kaniyang sarili dahil alam niyang unti-unti na siyang nahuhulog sa bitag. Na hindi niya kayang tanggapin ang pagkatalo sa laro.

When tough times invade, how will they survive? Paano kung ang inaakalang happy ending ay mauuwi sa wala? She loves someone so much, somebody loves her so much too. At dadating sa punto na kailangan niyang mamili. Kanino siya magiging masaya? Sino ba ang hihiranging THE CHOSEN ONE?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Simula "Kyaaaaaaaaaaa!" Tili ni Quennie. Napasapo agad kami sa aming tainga habang magkasalubong ang mga kilay. We never expected na titili si Quennie sa gitna ng kaniyang pagc-cellphone. "May program daw mamaya!" Nagagalak niyang pahayag, todo balandra sa ngipin at gusto pa yatang ihampas ang telepono sa mesa. Tumaas ang isa kong kilay. So what kung may program mamaya? "Eh ano naman ngayon?" Kyla asked and frowned. "Baliw ba kayo?! Malamang! Kakanta 'yung Great Elite!" Umirap siya. "Oh?" Nakanguso kong tugon. She rolled her eyes once again at maarteng hinawi ang buhok niya. Nasa canteen kami ngayon. Wala kaming klase kaya naisipan naming tumambay muna dito. "Tss. Mga panira talaga kayo! Si ano!" Angil niya at bumusangot muli. Kumunot ang noo ko. Eh ano naman kung kakanta ang bandang Great Elite? May mapapala ba ako? Nagpokerface siya at exaggerate na kinuha ang pagkain sa mesa. "Epal kayo! Kakanta daw sila Vincent! At saka 'yung kuya mo bhebhe ko!" Umirap muli siya. Bumuntong hininga ako. Seriously? I don't give a damn about that. Hindi ako 'yong tipo ng babaeng nagkakandarapa para sa mga idolo nila. Idols? Tao lang din naman sila. Why do I have to admire or praise them exaggerately? At para saan pa kung hindi rin naman nila ako kilala or mapapansin? I'm just fooling myself if that so. "Fine! Kung ayaw niyong manuod, manunuod ako!" Padabog niyang sabi sabay gulong ng kulay kape niyang mga mata. She stood up while frequently rolling her eyes in disgust. Tinignan ko naman si Kyla. Nagkibit balikat lang siya at nagcellphone na rin. "Oy kasi!" Angil niya. Para siyang batang hindi pinagbigyan ng candy. "Kahit samahan niyo nalang ako!" She frowned. "Sige na nga! Tara na!" Suko ni Kyla at umirap sabay tayo. Nilagay niya iyong cellphone sa bulsa ng palda niya. Nagkibit balikat nalang din ako saka tumayo. "Sa gymnasium ba?" Tanong kong wala sa sarili habang pinagpagan ang skirt. "Malamang! May iba pa ba?" Madiin niyang sabi. Ngumiwi ako saka sumunod sa kanila nang nagsimula na silang maglakad palabas. Pinapalibutan ng mga estudyante ang bawat gilid ng gymnasium. Karamihan ay babae kasi siyempre, nandoon sila Kuya Thomas at si Vincent. Tss. Si Vincent lang naman. Ang kilalang pafall dito sa school. Maraming babae at mga bakla ang kinikilig sa kaniya. But me? I hate him. He uses his charms to entice girls. Maraming nagwawala sa tuwing nagpeperform siya sa stage. After naming makipagsiksikan ay nakarating din kami finally sa harap. How? Kasama ko lang naman sila Kyla at Quennie. Si Kyla na ang taas ng tingin ng mga tao sa kaniya. At si Quennie na bully. Dati pa talagang bully 'yan. Ni hindi ko na nga matandaan kung bakit kami nagkakilala. Hawak kamay... Hawak kamay... Hawak kamay... "We love you Vincent!" Sigaw ng grupo ng babaeng humahanga sa kanya. Siya si Vincent Montalban. He's a white man. Guwapo na, talented pa! Bihira lang ang katulad niya. Pero kagaya din ng ibang ordinaryong lalaki... PA-FALL SIYA. PAASA. HEARTBREAKER. Who wouldn't be? Guwapo siya. Mayaman. Talented. Maraming nagkakagusto sa kanya. Sino bang hindi magiging paasa at pa-fall?! Sino ba ang hindi when every girl's attention ay nakukuha niya kahit hindi niya iyon hinihingi o pinaghihirapan? Eh kung iyong hindi nga kaguwapuhan ay maraming nagkakagusto, siya pa kaya na full package na? "Okay everyone. This last song is dedicated to a girl." Nakangiti niyang pahayag. Nasa stage siya ngayon. As usual, kapag may program ang school, kumakanta ang banda niya. Dalawa silang vocalist. Siya at si Mari. Kasama din nila ang basketball player na kapatid ni Kyla na si Kuya Thomas. He cleared his throat at inayos ang mic. Itinapat niya ito sa ilalim ng baba niya. Nakaupo siya habang yakap-yakap ang gitara. "Again... this last song is dedicated to a girl. The only girl of my life." Pahayag niya habang nakangiti. Bumalandra iyong mapuputi niyang ngipin at halos mawala ang kulay ng kaniyang mata. "Aaaaaaaaaaaa!" "We love you, Vincent! Kyaaaaa!" Tumili muli ang mga babae. Para silang uod na binabad sa asin. Sobrang galawgaw kung kiligin. May mga bandera pa sila at winawagayway iyon sa hangin habang tumalon-talon. Hindi na bago sa amin kung may nali-link na babae sa kanya. Just like I said, guwapo siya. Sikat. Mayaman. "Every girl's dream guy". Almost perfect. Pero sabi nila, "almost is never enough". Hindi rin! Kasi kung ganoon, edi sana walang humahanga sa kaniya ngayon. Wala sanang babaeng magkakandarapa mapansin lang niya. Kahit nga saan siya magpunta, baka habol habol siya ng kaniyang mga tagasuporta. Maraming beses ko na rin namang nasaksihan na may nagpapapapicture sa kaniya. Pero hindi siya iba sa mga sikat na taong guwapo at talagang hinahangaan ng marami. He is a fuckboy. Well, iyon ay naririnig ko lang. And... there was a time na nasaksihan ko siyang nakikipaglaplapan sa babae. Panay ang rinig ko sa ungol ng babae. Maybe aside from being kissed by Vincent, siguro ay pinaglalaruan din ang kaniyang kayaman. Err? That's gross! I don't know kung mandidiri ba ako't masuka sa nasaksihan ko or kiligin. Like duh?! Ako talaga kiligin? Siyempre nakakadiri iyon! Sa dinami rami ba naman ng puwedeng gawing kissing area, sa banyo pa? Baka may nangyari sa kanila. Umiling ako para maglaho ang lahat ng sumasagi sa utak ko. Masyado ng madumi ang aking isip. Kailangan ko na talagang umattend ng high mass just to cleanse my mind. Kailangan ko na ring mag-shower ng holy water. Ugh! Bakit kailangan kong masaksihan iyon? "Ayan na! Ayan na!" Rinig kong bulalas ni Quennie kaya tuluyang gumuho ang iniisip ko. She's frequently shaking my shoulders. Hinawi ko ito dahil halos ma-out balance ako dahil sa ginagawa niya. Akala ko ay magagalit siya pero hindi pala. Buong atensyon niya ay sa harap habang nakangiti. Katabi niya si Kyla na panay ang pagc-cellphone. Bumaling ako sa harap at naabutan ko si Vincent na ngayo'y maayos ang pag-upo habang yakap yakap ang gitara. His eyes were closed. Sinimulan na niyang kalabitin ang kanyang gitara. Si Mari naman ay umupo sa gilid niya. Pero hindi dikit. Medyo malayo nga ang pagitan nila. Minamasdan kita Goosebump! Nakakapanindig balahibo ang boses niya. Para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Malamig. Relaxing. Nang hindi mo alam... Ang lamig ng boses niya. Mabagal ang kaniyang pagkanta at talagang dinadama ang bawat linyang lumalabas mula sa kaniyang labi. Ang lahat ay napatameme. Ganoon talaga lagi sa tuwing kumakanta siya. No doubt na maraming nahuhumaling sa kaniya. Bukod sa mabait niyang mukha, nakakabighani ang kaniyang boses. Para kang dinadala sa alipaap. Sobrang lamig at punong puno ng emosyon. Pinapangarap kong ikaw ay akin Kung sakaling magmahal siya ng totoo, siguro ang swerte ng babaeng mamahalin niya. Nasa kaniya na ang lahat. Boyfriend material kumbaga. Mapupulang labi At matinkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit... My heart skipped a beat. May kakaiba sa kaniyang boses na puwedeng kumontrol sa t***k ng puso mo. Para bang anghel ang kumakanta. As in... sobrang sarap pakinggan. Hindi nakakasawa kahit na ilang beses niya pang kantahin iyon. Huwag ka lang titingin Sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik. Ramdam na ramdam niya ang kaniyang linya. It's like he was the one who originally sang the song and composed it by himself. At iyong bawat pagkanta niya ay parang kinakausap ang puso mo. It hits your heart so hard kaya siguro ay naaalog ito. At sa sobrang dami at lakas ng tama, that might be the time na tuluyan na itong mahuhulog. Tuluyan ka ng mahulog sa kaniya... sa kaniyang bitag. Sa iyong ngiti Ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sa'yo Ang awit ng aking puso Sana'y mapansin mo rin Ang lihim kong Pagtingin... Instumental... "We love you, Vincent! Woooooo!" I gritted my teeth in anger. They are crazy! Do they have to f*****g shout Vincent's f*****g name? "I love you too!" Usal niya sa mic at humalakhak ng mahina dito. "Kyaaaaaaaaaa!" Napasapo ako sa aking tainga. f**k! Mababasag na yata ang eardrums ko! Bakit ba kasi ako.nandito? Bakit ba kasi kailangan kong mapunta dito? This is just a burden for myself. Kaya ayoko ng mga concert concert eh! Pero siguro liban na lamang sa tour ng sikat na musicians at hinahanggan ko ng sobra. Minamahal kita Ng hindi mo alam Habang tumatagal ay mas gumaganda sa pandinig ko ang boses niya. It's heaven-like feeling. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Gusto kong paniwalain ang sarili kong ako 'yung kinakantahan niya. Gusto kong utuhin ang sarili ko sa bawat linya ng kantang binibigkas niya. I don't know why. It feels like I'm having a syndrome of his voice. Para bang droga ang kaniyang boses, nakakaadik. Na habang tumatagal, mas lalong tumitindi iyong kagustuhan mong marinig ito. Exaggerate, right? Well, I know I'm not the only one na nakakaramdam ng ganito. Huwag ka sanang magagalit Tinamaan yata Talaga ang aking puso Na dati akala ko'y manhid If he sings a song which could express his feelings, much better pa siguro. A boy like him is unbelievable kung sakaling sasabihin niyang may natitipuhan siyang babae. Siguro ang swerte ng babaeng mahal niya. 'Di parin makalapit Inuunahan ng kaba Sa aking dibdib. God, I think I'm starting to lose my mind. I'm thinking of impossible things for us. Sino lang ba naman ako? Isang ordinaryong estudyante. Sa iyong ngiti Akoy nahuhumaling Mas lumamig ang kanyang boses dahil mabagal niya itong kinanta. Damang dama niya talaga 'yung mensahe ng kanta na para bang siya talaga 'yung original singer at composer. "We love you, Vincent! Woooo!" Sigaw muli ng mga tagahanga niya. Seriously? Hindi sila nasasaktan sa ginagawa nila? I mean, masakit sa lalamunan kapag sumisigaw or tumitili. I tried it before nang minsan akong nakaexperienced ng live concert ng isang sikat na singer. Nakangiti si Vincent habang nakapikit at dinadama ang bawat pagkanta niya. At sa tuwing ikaw ay lalapit Ang mundo koy tumitigil Ang pangalan mo Sinisigaw ng puso Does my heart scream your name too? God, Kate! Maganda lang ang boses niya! Oo guwapo siya pero... pigilan mo ang sarili mo! You can't fall in love with the heartbreaker. He's bad! Too bad for the good girl like you. Sana'y madama mo rin ang lihim kong pagtingin Sa iyong ngiti Ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sa'yo Ang awit ng aking puso Sana'y mapansin mo rin Ang lihim kong Pagtingin... Ang lihim kong pagtingin... Dahan dahan niyang inimulat ang kanyang mga mata habang nakangiti pa din. I found it cute. Wake up, Kate! Alam mo pa ba ang iniisip mo?! "We love you, Vincent!" Sigaw muli ng mga walang hiyang fans niya. Isang beses pa! Isa pa talaga! Naiinis na ako, ha?! I rolled my eyes in disgust at marahas na pinagkrus ang mga braso. Nakakainis! Kung puwede ko ngalang sanang sabunutan lahat ng sumisigaw, gagawin ko matahimik lang sila. Rinig kong may humalakhak sa mic. Ang sexy ng boses. Parang nang-aakit. Kanino kaya iyon? "I really love seeing you so mad, my girl. But I love it more when I'm the reason of it." May tumawa muli pero mahina lang. Napatingin ako ng diretso sa kanya. Ako ba ang tinutukoy niya? Biggest impossible thing! Imposible na ako. Siguro marami ring naiinis sa tuwing may sumisigaw sa pangalan niya. At bakit naman hindi? Ang sakit kaya sa tainga! Hindi siya nakatingin sa akin. Sa ibang gawi siya nakatingin habang nakangiti. Napansin ko ang tangos ng kaniyang ilong. Para sa akin ay iyon na ang pinakamagandang ilong na nakita ko. Para bang ilong ng isang artista. Tama. Tama Kate. Hindi nga ikaw 'yung tinutukoy niya. Huwag assuming te, ne? Hinampas hampas ni Quennie ang braso ko kaya napadaing ako sa sakit noon. "Aray naman!" Angil ko at hinawi ang kanyang kamay. "Grabe talaga! Ang ganda ng boses niya! Para siyang anghel na bumaba mula sa langit para haranahin tayo." Aniya sa nahihiwagaang boses. Kulang nalang ay literal na magkaroon ng lumilipad na puso at may fireworks sa background niya. Palihim akong umirap. Masakit iyong braso ko. Ramdam kong namimintig ito sa sakit. My skin's so sensitive. Konting sagi lang ay kumikirot na ang laman nito. "Oy peks nakatingin sa'yo!" Biglang sigaw ni Kyla. My heart suddenly palpitate at para bang nanlamig ang buo kong katawan. Daglian akong napatingin sa gawi ni Vincent in hopeful face. Wala na siya sa stage. Aba teka! Dahan dahan kong binalingan si Kyla with gritted teeth. Does she think na nakakatawa iyong ginawa niya? "Naloko ba kita?" Pang-aasar niya habang nakatawa. Hindi nakakatawa ha? "Sorry peks. Gusto ko lang naman malaman kung anong reaksyon mo kapag sinabi ko 'yon." Aniya saka tumawa muli siya. Nag-iwas ako ng tingin. I felt disgraced about it. Hindi kaya ay halata na ako? "May gusto ka na nga sa kanya, peks. Ayiii." Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko. "Whatever!" Galit kong sabi at marahas na hinawi ang kamay niya. Nakakainis! Sekreto ko lang na may gusto ako kay Vincent! Bakit ngayon nalaman na nila Kyla? Masyado na ba akong halata? I'm afraid na baka masyado na akong halata. Paano nalang kung halatang halata talaga ako? Edi... end of the world na?! "Paano ba naman kasi? Masyadong halata!" Ani Quennie sa mapang-asar na boses. Tinignan ko siya ng diretso sa nakakunot na noo. Parang kelan lang ay nagwawala siya dahil sa kilig then out of the blue, she said na halata na ako? What a shame! "Bakit?" Nangingiti niyang tanong. Painosente pa ang bruha. "Ang ganda kasi ng boses niya, then guwapo pa-" sabi ko na agad ding pinutol ni Quennie. "Paasa naman." Umirap siya. Biglang nagbago iyong timpla ng boses niya. "Pa-fall." Dagdag ni Kyla. "Heartbreaker." Dugtong ni Quennie. "Timer." "Chickboy." "Fuckboy." "Playboy." "Maniac." "p*****t-" "Stop it!" Putol ko sa kanila habang nakabalandra ang palad sa harap at nakapikit. Dumilat muli ako at tinignan silang dalawa. "Alam ko. Pero teka... iisa lang naman ibig sabihin ng mga sinasabi niyo a?" Angil ko. Ganoon na ba talaga ang tingin nila kay Vincent na halos lahat ng synonym words ng "playboy" ay nabanggit? Tumalikod ako sa kanila at nagsimulang maglakad palabas ng gym. Ramdam kong sumusunod din sila sa akin. "Alam ko namang totoo lahat ng sinasabi niyo." Usal ko at tumigil sa paglalakad para harapin sila. "Hindi ako bobo o tanga. I can even prove it to you." "By what?" Takhang tanong ni Kyla. Bumuntong hininga ako. Hirap pala makipagtalo sa kanila. "I saw him yesterday na may kalap-lapang babae-" naputol muli ang pagsasalita ko dahil may sumingit. "Ewww." Ngumiwi si Quennie na tila nandidiri talaga. "See? Naaktuhan mo palang may kaganunan tapos ngayon, may gusto ka pa din sa kanya? Yuck!" Nanginig siya ng konti sabay ngiwi. Iyong mukha niya ay parang nakakita ng malapot na dumi sa sobrang pandidiri. Bumuntong hininga muli ako. Hindi ko alam kung kailangan ko bang ipagtanggol ang sarili ko or kailangan ko bang ipaglaban si Vincent sa kanila. Wala naman akong magagawa. "Love is blind", ikanga. Saka... it's not about his flaws anymore. What matters in me is kaya niya akong pasayahin even if it's just through song. Na kaya niyang gisingin ang natutulog kong diwa. "Ewan ko sa'yo, peks. Maghanap ka nalang ng iba." "Oo nga! Nandiyan naman si Kiann!" "Luh? Si Kiann talaga? As in 'yung jowa ni Arizabeth? No way! Hindi ako mangaagaw!" Umirap ako. Gawin ba naman akong kabit?! What a pathetic thing! "Ah basta! Gusto niyo man si Vincent para sa akin or hindi... hindi na 'yun importante. Basta, crush ko siya. Hinahangaan. I can even make him fall in love with me if I want to." Umismid ako bago tumalikod at nauna ng maglakad muli. Hindi ko na napansing sumusunod sila sa akin. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako room. Pagkapasok ko ay nakita ko si Mari na kinakalabit ang strings ng gitara. Sabi nila, masungit daw itong babaeng 'to. Siguro minsan lang kasi sa tuwing nakikita ko siya kasama sila Janela at Jasmine, okay naman siya. Siguro kapag may dalaw lang talaga. Tumikhim ako kaya napabaling siya sa akin. Ngumisi ako sa kanya pero nihead to foot niya lang ako bago bumaling muli sa gitara niya. Nakaupo siya sa bintana, not totally sa bintana. 'Yung semento na karugtong ng bintana. Naka-hang 'yung mga paa niya sa baba. Umupo ako sa upuan. Kaming dalawa palang ang nandito. Mga kinse minuto pa siguro bago ang simula ng klase kaya konti palang ang nagsidatingan. Kinalabit niya ang kanyang gitara at pumikit. Mari is one of the members ng Great Elite. Isa lang siyang grupo ng mga musikero na tumutugtog tuwing may programa. There I was again tonight Forcing laughter, faking smiles Same old tired lonely place. Her voice is smoothing, cool and relaxing. Bagay na bagay sa kaniyang boses ang kinakanta niya. She isn't that popular much. Para lang din siyang normal na estudyante ng University of Rizal System o mas kilalang URS. Walls of insincerity Shifting eyes in vacancy Vanished when I saw your face All I can say is it was Enchanting to meet you Your eyes whispered "have we met" Across the moon your silhouette Starts to make its way to me The playful conversation starts Counter all your quick remarks like Passing notes in secrecy Inimulat niya ang kanyang mata at huminto sa pagkanta. Kumikislap ang kanyang mata dahil namamasa ito. Anong meron sa kanta? Hindi naman siya nakakaiyak. Kung tutuusin, nakakakilig siya at masarap sa tainga pakinggan. Hindi kaya tears of joy 'yun? Nabulabog kami nang dumating sila Kyla at Quennie. Para silang sinong siga sa school kung makapagbukas ng pinto. "Don't you know how to knock on the door?" Pagtataray ni Mari. My lips parted as my eyes widened a bit. O.m.g. meron ba siya ngayon? Tumayo ako at ngumisi sa kaniya. "Sorry... hindi nila sinasadya 'yon." Nagpeace sign ako sa hangin habang nakangisi sa kanya. Umirap lamang siya at bumaba saka umupo sa upuan niya. Bumaling ako sa dalawa with my disappointed look. Nagkibit balikat lang sila at naglakad papunta sa gawi ko. Umupo sila sa magkabilaan kong side habang nakangiwi kay Mari. "Ano ba kayo? Bakit niyo ginawa 'yon?" Pabulong kong tanong sa kanilang dalawa habang pasimpleng tumitingin sa gawi ni Mari na ngayo'y nags-strum ng gitara. "Eh ano naman kung ginawa namin 'yon?" Pagtataray ni Quennie sabay irap. Umiling ako. "Porket ka-banda niya lang sila kuya, ganun na siya kung umasta?" Umirap si Kyla. Tinignan ko muli si Mari. Hindi ko alam kung bakit malungkot ang mga mata niya. At mas lalong hindi ko alam kung bakit nalulungkot din akong makita siyang nalulungkot. Mahaba ang kanyang buhok. Hindi siya kaputian, hindi rin kaitiman. Sakto lang. Then, she has chubby cheeks. Not totally na chubby. Slight lang. 'Yung mga mata niya, kulay dark brown. 'Yung mata niya minsan, lalo na pagmagsusungit, parang sa agila. "Yaan niyo na siya." Sabi ko nang bumaling sa kanila. "Siguro meron." "Baka brokenhearted." Pahayag ni Quennie sabay irap. Tinignan ko muli ang gawi ni Mari. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang nakita kong nagpunas siya ng kanyang pisngi. Siguro broken nga siya. Bakit kaya? I thought she's in love? Kung sa bagay, not all inloved people are happy. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya lang. Dapat may thrill, may iyakan, may sakitan. Nabulabog kami nang may bumukas muli ng pinto. When I shifted my attention to it, nakita ko si Vincent and his company. Para akong mauubusan ng hangin. The way he laughed was damn perfect. The way he walked was damn flawless as well. 'Yung adams apple niya, ang cute. Gumagalaw. Weird right? Nagtama ang aming paningin. Una akong nag iwas dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. I don't know why. But maybe because in the first place, dapat mahiya ako sa kaniya. I just said "hello" to him pero tinalikuran niya lang ako. I was like... what a shame! I was embarrassed a bit dahil god! Tinalikuran niya lang naman ako! Pasimple akong binabangga ng mga braso ng dalawa. Gumalaw ako para matigil sila. Masyado silang halata. Baka isipin ni Vincent na baliw na baliw ako sa kanya which is slightly true. Slight lang. I'm not like the other girls na halos mamatay na sa kilig at pagkabaliw sa kanya. Nakita kong tumayo si Mari at naglakad sa gawi nila Vincent. Kasama ni Vincent si Angelo at Prince. Tumikhim ako. Speaking of Prince, he-he. Gusto kong kantyawan si Kyla. Gusto kong sumigaw na "Hoy peks! 'Yung jowa mo nandito na!" Tas sabay tawa ng malakas. Magdadalawang buwan na sila Kyla and Prince. Si Prince na volleyball player at 'yung kapatid naman niyang si Ricci, basketball player. "Kaya naman pala nananahimik."  Panunuya ko kay Kyla ng nakangisi. "Shut up, peks! Nakakahiya." Bulong niya din at pasimple akong kinurot sa kamay. Ngumisi ako sa kaniya. Namumula na kasi ang pisngi niya. Si Quennie naman ay nakapoker face lang. Quennie's bully ever since na nagkakilala kami. We were friends mula ng maggrade seven kami. Lahat ng estudyante, mapababae man o lalaki, ay binubully niya. She even threatened some of them. Kaya nang nalaman kong may nanliligaw sa kaniya, aba himala! But they always fail. I don't know kung naduduwag ba or ayaw lang talaga ni Quennie. There's something more than it. Dunno. Nagsisidatingan na din 'yung mga iba naming kaklase. Bigla naman akong napalingon sa gawi ni Vincent at laking gulat ko na lamang na nagtama ang aming mga paningin. Para bang kanina niya pa ako pinapanood. Dahil sa hiya, nagiwas ako ng tingin. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa. Bakit siya ganun makatingin? Hindi ba siya aware na nagwawala ang mga mananap sa tiyan ko? God, I wanna get out from this room. This is too much to bear! Bakit ba magkaklase kami ngayon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook