Episode 2

3595 Words
"Epistemology is the study of the nature and scope of knowledge and justified belief. It analyzes the nature of knowledge and how it relates to similar notions such as truth, belief and justification. It also deals with the means of production of knowledge, as well as skepticism about different knowledge claims. It is essentially about issues having to do with the creation and dissemination of knowledge in particular areas of inquiry." Talak lang ng talak ang guro. Honestly, wala akong naiintindihan. It's either hindi ako nakikinig or hindi ako interesado which is the same lang. Pure english din kasi. I'm not into it. "Epistemology asks questions like: "What is knowledge?", "How is knowledge acquired?", "What do people know?", "What are the necessary and sufficient conditions of knowledge?", "What is its structure, and what are its limits?", "What makes justified beliefs justified?", "How we are to understand the concept of justification?", "Is justification internal or external to one's own mind? The kind of knowledge usually discussed in Epistemology is propositional knowledge, "knowledge-that" as opposed to "knowledge-how"." Pero alam kong hindi lang 'yun ang reason ko. Sino bang makakapagconcentrate gayong nandito lang naman si Vincent! Hindi naman ito ang unang beses na magkaklase kami pero ngayon, iba na. Feeling ko first time ko siyang naging kaklase and for heaven's sake! May kakaiba akong nararamdaman para sa kaniya ngayon. "What Is Knowledge?" Biglaang tanong ni Mrs. Feliciano na sinagot na niya din. "According to the website, knowledge is the awareness and understanding of particular aspects of reality. It is the clear, lucid information gained through the process of reason applied to reality. The traditional approach is that knowledge requires three necessary and sufficient conditions, so that knowledge can then be defined as "justified true belief"." Kung bakit ba kasi marunong siya maggitara? Kung bakit ba kasi binibiyayaan siya ng magandang boses? At kung bakit ba kasi siya guwapo? "Based on my experiences..." hindi ako nakinig kay Mrs. Feliciano. Based on what she's saying, paniguradong galing sa libro or isang sikat na website ang lahat ng mga dinadada niya. Siguro kapag may free time ako saka na lang ako magbabasa muli. Pero kung kailangan talaga dahil may quiz or something, mapipilitan akong mag review or should I say, magsurf sa internet. "Ms. Solano!" Nagising ang diwa ko sa galit na tawag sa akin ni Mrs. Feliciano. Para bang huminto ang pagikot ng mundo ko. Everyone's attention is on me. Lumawak ang mga mata ko. Goodness, Kate! Kung bakit kasi hindi ka nakikinig! Kung bakit kasi lutang ka na naman. Epekto ba 'yan ng pagkakaroon mo ng crush kay Vincent? Ngayon palang, sinasabi ko na sa'yo, tigilan mo na 'yan! Tapusin mo na ang hindi mo pa nasisimulan! Lumunok ako at halos isa-isahin ko lahat ng mga kaklase ko. They are all looking at me na para bang isa akong kriminal. Oh my god, Kate! Ayusin mo 'yang buhay mo! Krimen na pala ngayon ang paghanga kay Vincent? "M-Mrs. Feliciano?" Nauutal at kinakabahan kong sambit sa kaniya. Kasing laki ng mga mata ng mga owls ang kaniya. Her forehead furrowed in annoyance or frustration. Her hands are on her waists. Nakasalamin siya pero kitang kita ko kung gaano kalaki ang mga mata niya. Kitang kita ko kung paano kumulubot ang kaniyang noo. Lumunok muli ako. Nahihiya ako. I don't really like this kind of scene. Pero sino nga bang gustong mapahiya? Lalo na ngayo'y kaklase ko pa si Vincent- jusko naman! Pati ba naman ngayon ay si Vincent parin inaalala ko?! Napapahamak ako dahil sa kaniya. Hindi ba ako aware?! "Kanina pa ako dada ng dada dito sa harap at kanina mo pa ako binabastos! Kung wala kang balak na makinig, the door is close. You can open it and get lost!" Galit niyang singhal. Pinagdikit ko ang mga labi ko. Ayaw ko namang maging masama. I wanna reply all her words pero hindi ko gagawin 'yun. Edukada ako. At mawawalan ito ng saysay kung sasagutin ko ang taong nasa harap ko. I can reason out anyway, pero pipigilan ko na lamang ang sarili ko. I don't want to be rude. Hindi ako ganun pinalaki ng mga magulang ko. And besides, it was my fault after all. "I-I'm sorry, Mrs. Feliciano." tanging nasabi ko. Gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon din kaso parang imposible naman 'yun. Wala naman kasing bunganga ang lupa. May butas or holes lang ito, pero kagagawan 'yun ng mga tao or natural phenomena. Jusko Science! Huwag muna ngayon please! "She's just spacing out, Mrs. Feliciano. Baka naman po ay may problema siya." Mari butted in na ikinagulat ko. "And so what, Ms. Diaz? Hindi ko kailangan ng rason niya. I don't tolerate any excuse." Madiing turan niya kay Mari. I somehow felt guilty. Nadamay pa tuloy si Mari. But I guess kasalanan niya 'yun. Hindi ko naman kasi sinabing ipagtanggol niya ako. But anyway, thankful parin naman ako sa ginawa niya. "Eh paano ba naman ho kasi makikinig si Ms. Segovia, Mrs. Feliciano?" They also call me Segovia. Minsan naman Solano. "Do you think we're listening to your senseless and lame practical discussion? You were just discussing about your experiences for heaven's sake! Sinasayang mo lang ang perang pinambayad namin sa school na 'to... We don't give a s**t about your life. Direktahin mo nalang kami kaysa ang daming pasikot-sikot. You're wrecking our minds." Vincent butted in as well saka umirap. Halata sa boses niya ang pagkainis. Oh my god! Ano na ang nangyayari? Ako lang naman ang pinapagalitan ah? Dapat hindi na sila nangingialam. Patawarin sana ako ng lahat. Hindi lang talaga ako makakapagconcentrate dahil kay Vincent. I am spacing out all the time dahil iniisip ko siya. Epekto na ba ito ng paghanga ko sa kaniya? Iyong ibang babae din ba ay ganoon din? Na lagi siyang iniisip? "Ayeii. He's your knight in shining armor." Pangaasar ni Quennie habang marahang inuuntog ang braso niya sa akin. Should I thank them? Or maiinis at magagalit lang ako sa kanila dahil mas pinapalala lang nila ang sitwasyon? Napalingon ako kay Vincent na ngayo'y pinaglalaruan ang ballpen gamit ang mga daliri niya. He was staring at me firmly, like I'm his prey, habang nakadekwatro. Ganun na ba talaga nila ako laging tignan? Minsan nacu-curious tuloy ako kung ano ako sa tingin nila. Kung tao pa ba ako or pagkain dahil parang gusto nila akong lamunin. Hindi na umimik si Mrs. Feliciano pagkatapos maghayag ng saloobin si Vincent. Oh my god! Parang mababaliw na yata ako sa nangyayari. Nahihibang na ba sila? Bumaliktad na ba ang mundo? Tell me! Mrs. Feliciano stormed out without leaving any words. I can sense the frustrations in her system. Kung ako 'yun at binabastos ako ng mga estudyante, siguro ganoon lang din ako umasta. Iiyak nalang ako at hinding hindi na muling magpapakita. Napabuntong hininga ako. Ang dami ng nangyayari sa araw na 'to. Ni hindi na mabilang ng mga daliri ko sa kamay. "It's okay, peks. Huwag mo ng intindihin si Mrs. Feliciano. Ganun talaga 'yun. Masanay ka na." Alo sa akin ni Kyla habang hinagud-hagod ang likod ko. Napabuga nalang ako ng hangin. Wala na kasi akong maintindihan. Occupied masyado ang utak ko. Ginugulo  ito ng aking puso. So what was it all about? Am I in love to Vincent or humahanga lang? "Sa susunod kasi, matuto kang makinig. Look what you've done, Ms. Solano. Sinira mo ang discussion ni Mrs. Feliciano. What if next meeting ay magpapaquiz siya? Tss." Biglang sabi ng isang lalaki. Kilala ko siya eh. Siya si... sino nga ba 'yun? "Em naman, huwag ka ngang ganiyan. Napagalitan na nga eh." Saway ni Mari sa malambing na boses. Teka, tama ba ang narinig ko? Malambing? So it means... siya si Angelo?! "Totoo naman ah? Kung nakinig lang siya kanina, edi sana hindi nagwalk out si Mrs. Feliciano." Paliwanag niya. Bakas sa boses at mukha ang pagkadismaya. "Sino ba 'yang lalaking 'yan? Bakit ang yabang?" Takhang tanong na pabulong ni Kyla. "Hoy kapre! Umayos ka ha? Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo! Subukan mong magsalita ulit ng hindi maganda tungkol kay Kate, malilintikan ka sa'kin!" Galit na sigaw ni Quennie. God I really hate this! Oo na kasalanan ko na! Kasalanan ko dahil hindi ako nakinig. Kasalanan ko dahil... dahil iniisip ko si Vincent sa mga oras na dapat ay nakikinig lang ako kay Mrs. Feliciano. "Quennie!" Saway ni Kyla. "Oh?" Mataray niyang bulalas sabay harap kay Kyla at nagiwas ng tingin through irap. Huminga ako ng malalim at lumunok ng sariling laway bago tumayo. Okay. Kaya ko 'to. If I have to humble myself in front of them because of what I've done, it's okay with me. Tumikhim ako at inisa-isa silang tinignan. I saw Vincent na ngayo'y nakakunot ang noo at tila nagtataka. "I'm sorry if ever na nadistract ko ang discussion. I'm sorry." Sabi ko bago lumabas ng silid. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa akin. Hindi ko na inabala ang sarili kong lingunan pa sila. Dumiretso ako sa banyo habang pinipigilan ang sariling huwag umiyak pero hindi ko kaya. I was hurt. Tinatapakan nila ang pagkatao ko. Sino bang hindi masasaktan? Na kahit mga manhid ay tiyak akong iiyak din kahit magpustahan pa tayo. Pagkarating ko sa cr ay pumasok ako sa bakanteng cubicle. Good thing at wala akong estudyanteng nakikita since class hour palang naman ngayon. Doon na ako nagbuhos ng sama ng loob. Wala akong pakialam kung may makakarinig man sa bawat hikbing kumakawala mula sa akin. Wala akong pakialam kung humagulhol man ako sa pagiyak kaharap ang inidoro. All I wanna do is to cry. Gusto kong ilabas ang lahat. Kasi kapag ita-try kong ipunin ang lahat ng 'to, sa huli, ako lang din ang masasaktan. At baka madamay pa silang lahat. "Kate?" "Peks?" Rinig kong sambit nila. Sinundan pala nila ako. Hindi ko inaasahan lalo na't sa oras na 'to ay pumasok na si Mr. Valdevino sa room namin. Siya naman ay General Math teacher. Tinakpan ko ng maigi ang bibig ko habang pinipigilan ang sariling huwag humikbi. Ang sakit lang. Kahit wala namang kwenta 'yun ay iniiyakan ko parin. Ganito ako eh. Mababaw man kung mababaw, masakit parin ito. Kung puwede ko ngalang utusan ang luha kong huwag tumulo, gagawin ko eh. Pero kusa itong tumulo. May sarili silang machines or utak na maguutos sa kanila kung kailan sila bubuhos at kailan hindi. "Peeeeeeeks! Huwag ka munang magbigtiiii! Huhuhu. Mamahalin ka pa ni Vincent!" Exaggerate at sarkastikong sabi ni Kyla. "Hoy Kate! Huwag ka ng umiyak! Sige ka... ikaw din papangit." Singit naman ni Quennie. Himinga ako ng malalim at pinahupa ang aking nararamdaman. Narealize kong hindi dapat ako umiiyak. Nakakatawa lang isipin. Bakit nga ba ako umiiyak? Napakaiyakin ko naman. Pinunasan ko na ang aking mga pisngi saka huminga muli ng malalim. Lumabas na ako mula sa cubicle. Their eyes suddenly got widened nang nakita nila ako. Bakas sa kanilang mukha na nagulat sila sa aking ginawa. "Peks!" "Kate!" Bulalas nila saka lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka biglang umalis?" Sunod sunod na tanong ni Kyla nang nakakalas sila mula sa akin. "At bakit ka umiyak?" Dagdag na tanong ni Quennie. Nakatitig lang sila sa akin nang nakakunot ang noo. Samantalang ako ay palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi ako umimik. Hindi ko na rin sinagot ang mga tanong nila bagkus lumapit ako sa sink at naghilamos. Good thing at malinis naman ito saka may libreng tissue at sabon din. "Ano ba talaga nangyari, Kate? Nakakagulat naman kasi... bigla bigla ka nalang nagwalk out. Got hurt or butthurt?" Sinamaan ko ng tingin si Quennie. Kung ano-ano na naman kasi lumalabas mula sa bibig niya. "Bakit?" Natatawa at painosente niyang tanong. "Tss." I hissed saka inirapan siya. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. My face is messy brought by some tears on it. "It's okay, peks. Sa susunod kasi, huwag kang magpahalata na hindi ka nakikinig kay Mrs. Feliciano. I know boring siya but you know, she's still our teacher." Bumuntong hininga si Kyla at nagmake face. "Oh siya! Tara na. Baka hinahanap na tayo ni Mr. Valdevino." Singit ni Quennie at nauna ng maglakad palabas ng cr. Sumunod naman si Kyla. Gumilid lang ang pisngi ko at maya maya ay sinundan ko na din sila. Pagkarating namin sa room ay wala si Mr. Valdevino. Siguro ay tinamad siyang magdiscuss ngayon or may ginagawa. Malay ko ba sa kaniya. Nandito parin sila Vincent at 'yung isang tukmol na sinungitan ako. Tss. Akala mo naman sino. Porket may itsura. Hmm! Sangagin ko mukha niya e! Nahagip ng paningin ko si Vincent. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at itinapon ang paningin sa kahit saan. Ano bang trip niya? Why is he smiling at me? Ganun ba talaga siya sa lahat? Pero hindi naman yata. The last time I checked, sinungitan niya lang ako. I was introducing myself to him pero binalewala niya lang ako. He faced his back to me saka naglakad palayo. Bastos kausap! Bigla namang nagbell para sa recess time. "Guys tara na!" Nagagalak na anyaya ni Quennie. Nakatayo na siya sa harap namin. Bumusangot ako. Wala akong ganang pumunta sa kahit saan puwera sa garden. May magandang tanawin doon. Masarap tambayan ng mga malulungkot na puso. "Kayo nalang muna. Ayokong umalis. Hindi pa naman ako nagugutom." Pagod kong sabi habang nakatunganga sa kawalan. "Okay, peks. Sure ka bang okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Kyla. I clenched my jaw saka tinignan siya ng diretso. Her eyes were blue. Alam kong concerned lang sila sa akin. Siyempre mga kaibigan ko sila. "I'm fine, peks. 'Wag mo na akong alalahanin." Sabi ko at nagiwas ng tingin muli. Pasimple akong napahinga ng malalim. Hindi ko sinadyang mapatingin sa gawi ni Vincent. Still, nakaismid lang siya sa akin. Tila natutuwa sa kung anuman ang nararamdaman ko ngayon. Muli ko naman siyang inirapan. Epal ng mukha nito. So arrogant. Nalaman niya lang na crush ko siya, akala niya naman nanalo siya sa lotto. Pero teka... nalaman niyang crush ko siya?! Kung sabagay, halata na guro ako kahit noon pa. Kaya nga nagawa kong magpakilala sa kaniya eh tapos balewala lang pala! "Fine. Oh sige. Kung sakaling gugutumin ka, bibili nalang ako ng pagkain para sa'yo." Ani Kyla. Tumango lang ako at ngumiti ng pilit. Hindi nagtagal ay umalis na sila. Bumuntong hininga ako pagkatapos. Napatingin ako sa gawi ni Vincent. Wala na bang bago? Kanina pa ba niya ako pinapanood? Hindi naman sana ako tv, pero kung makatitig parang may binabalak sa akin. He was looking at me intently. So damn serious pero may nakaukit na ismid sa gilid ng kaniyang labi. Umirap ako sabay tayo. Ayoko dito sa room. Nakakabanas 'yung mga taong nandito lalo na si Vincent. I hate his smirks. Porket guwapo, akala niya makukuha niya lahat ng babaeng gusto niya? Don't me. Ibahin niya ako. Hinding hindi ako magpapabitag sa kaniya. I just like him, not love. There's a big difference between the two. Pumunta ako sa garden. As expected, mahangin, maaliwalas at malinis saka mabango. Wala namang gaanong pumupunta dito dahil siguro ibang place ang trip nila. Umupo ako sa berdeng d**o. Fresh na fresh ito. Inaalagaan kasi ng maayos. Dinidiligan ito tuwing umaga at hapon. May mga pines na makikita dito. Sumasayaw sila sa hangin. Tila kumakanta din gawa ng tunog ng kanilang mga dahon. I was stunned when I heard a guitar's sound. Strumming lang ang ginagawa ng kung sinumang nilalang 'yun. You with the sad eyes Literal na hindi ako huminga. Like oh...my...god... Don't be discouraged, oh I realize His voice is so angelic. Gosh! Nagwawala bigla ang puso ko. Ang lakas lakas ng pintig nito. Parang naging speaker ito. I can feel it. 'Yung bawat pagpintig ng puso ko na para bang tambol na nastuck sa leeg ko. It's hard to take courage Lumunok ako nang umupo sa tabi ko si Vincent. Hindi ko agad siya tinignan. Nanatiling nasa baba ang aking tingin. Should I look at him? Naaaaah. Nakakahiya. Nanghihina din ang katawan ko. In a world full of people You can lose sight of it all The darkness inside you Can make you feel so small "Huwag ka ng malungkot." Aniya. Napakagat ako sa pangibaba kong labi. Sumasakit na din ang likod at leeg ko dahil sa position ko ngayon. Jusko! Feeling ko namumula ako ngayon. "Hey..." halos pabulong niyang sambit. Dahan dahan akong tumingala at tinapon ang tingin sa kaniya. His eyes are glowing while wearing his killer smiles. He has perfect white teeth. He has downturned eyes. Maitim at pantay ang kaniyang mga kilay. May maliit na dimple na nafoform sa gilid ng labi niya tuwing magsasalita siya lalo na't nakangiti. Nakaindian seat siya habang yakap yakap ang gitara. "Huwag mo na kasing intindihin ang eksena kanina. Dapat hindi mo siniseryoso para hindi ka masaktan." Nakangiti at marahan niyang sabi. Nakatitig lang ako sa ngiti at labi niya. Ang guwapo nga pala talaga nito. Kung may mga salitang bagay na ipangngalan sa kaniya or itawag, bagay sa kaniya ang 'unmitigated", "perfect" and "flawless". Humalakhak siya at sinimulang magstrum. Show me a smile then Don't be unhappy I was just staring at him habang kumakanta siya. Paminsan minsan ay napapapikit siya. Hindi talaga mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Iyong kulay ng mata niya ay halos mawala na naman. Can't remember when I last saw you laughing This world makes you crazy And you've taken all you can bear Just, call me up 'Cause I will always be there Gusto ng sumabog ng puso ko. Nakakainlove ang boses niya. Sobra. Na halos mamatay na ako sa kilig pero siyempre, hindi ko pinapakita 'yun. Nakakahiya at baka mas lalong lumobo ulo nito. And I see your true colors Shining through I see your true colors And that's why I love you Nakapikit siya habang kumakanta. Dinadama na naman yata niya ang lyrics which is hindi na bago. Lagi naman eh. So don't be afraid Bumagal ang kaniyang pagkanta. Mas lalong lumamig ang kaniyang boses. Nakakatindig balahibo. To let them show Your true colors True colors are beautiful Napatitig ako sa kaniya. Parang anghel na bumaba sa langit ang nilalang na nasa harap ko. His skin is fair. Malinis ang kaniyang buhok. Maaliwalas ang mukha. His lips were like apple. Everything of him is perfect. Malinis siya sa kaniyang katawan. Walang gusot gusot sa kaniyang uniporme. Dahan dahan siyang namulat. Agad niyang pinako ang kaniyang maladagat na mga mata sa akin at ngumiti. I bit my lower lip saka nagiwas ng tingin. My heart is palpitating. Parang gustong lumabas nito. And also, may nagwawala sa loob ng tiyan ko. Hindi naman sana ako gutom pero bakit ko nararamdaman ito? I see your through colors Shining through I see your true colors And that's why I love you... I looked down saka tumingin muli sa kaniya. Why is he doing this to me? Does he want me to fall in love with him? Natatakot ako. Alam ko kasing kilala siya sa pagiging playboy at timer. Ayokong mahulog sa mga bitag niya. I don't want to fall in love with this man. Pero sino ba ako para gustuhin niyang mahulog sa kaniya? Hindi ako karapatdapat sa kaniya. And besides, why am I even giving thing its meaning gayong wala naman dapat. Maybe I'm just overthinking. So don't be afraid to let them show Your true colors True colors are beautiful Like a rainbow Ooh ooh ooh like a rainbow. Humalakhak siya bigla. Kumunot naman ang noo dahil sa ginawa niya. "Don't be sad na. Smile ka lang. Cheer up." Nakangisi niyang sabi. I faked a smile at nagiwas muli ng tingin. Halos hindi na ako makahinga. Am I hallucinating for pete's sake?! Vincent Montalban is talking to me? Nah. Unbelievable! "Okay. Kung hindi ka pa talaga okay, sana naman ay gumaan ang pakiramdam mo kahit papaano nang kinantahan kita." "Hindi ko naman kasi sinabing kantahan mo 'ko." Malamig kong turan sa kaniya. Tama. Hindi ko naman kasi hiniling na kantahan niya ako. I'm just wondering kung bakit siya nandito. Wala ba siyang girlfriend? Or baka naman isa ako sa pinupunterya niya. I mean, isa ako sa mga listahang magiging target niya. Well, if that's the case... I should be wiser. Hindi dapat ako magpapabitag sa kaniya. I should think a plan. 'Yung planong siya mismo ang mahuhulog sa sarili niyang patibong. Aahhh. What am I thinking? Bakit ba ako nagiisip ng hindi maganda tungkol sa kaniya? I know he's just concerned sa akin! 'Yon lang 'yon at wala ng iba pa! God, Kate! Hindi tama ang iniisip mo! "But I want to. And seeing you happy makes me happy as well." "Thanks." Matabang kong sabi. Nagbell na ulit, means tapos na ang palabas. Back to reality na naman. "Tara na. Baka mapapagalitan pa tayo ni Mrs. Mondragon. Alam mo namang kasing ugali niya ang dragon. Bagay sa kaniya ang kaniyang apelyido." Aniya habang tumatawa ng mahina at tumayo na. Pinagpagan niya ang kaniyang dark blue slacks saka naglahad ng palad sa harap ng mukha ko. Nagalinlangan ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya. Pero sige na nga. Wala naman sigurong malisya. Ako lang naman 'tong nagbibigay ng meaning sa mga ginagawa niya eh. Inabot ko ang kaniyang kamay pero agad ko din itong binitawan nang nakatayo na ako. Pinagpagan ko ang aking palda na kasing kulay ng kaniyang slacks. "Tara na?" Nakangiti niyang anyaya. Tumango ako saka ngumiti at naglakad na kami pabalik ng classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD