Naglalakad kami ngayon papunta sa building three. Doon kasi ang room namin.
Habang naglalakad kami ay walang umiimik sa amin. Awkward nga eh kasi feeling ko nasa "center of attraction" kami or anumang tawag diyan. Ang ayoko pa naman sa lahat ay naeexpose sa public.
Vincent is popular kaya ang mga nakakasama niya sa araw araw ay kinikilala ng mga tagahanga niya. Sometimes, his fans spread false informations, rumors or bashes. Siguro ay wala lang silang magawa or ayaw nila sa babaeng nakakasama niya. Kasi siyempre, bilang tagahanga, kahit na maging alalay or security guard niya lang ay papangarapin mong maging. Na minsan hinihiling nila na sana sila nalang 'yung laging kasama ng iniidolo nila mapapangit man o hindi.
"Ahm..." si Vincent.
Nilingon ko siya kasi nac-curious ako. Ang guwapo niya kahit side view niya lang. Talaga nga namang biniyayaan ng magandang mukha itong si Vincent.
"Puwedeng..." siya.
Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin. Para kasing nahihiya siya na hindi mo maintindihan. 'Di ba sanay siya sa mga ganito? Bakit siya ngayon nahihiya? Bakit hindi niya ako kayang diretsuhin?
Ayoko namang magassume na may gusto siya sa'kin kaya nahihiya siyang kausapin ako kasi in the first place, kung nahihiya man siya sa akin, saan siya kumuha ng lakas na loob para puntahan ako sa garden kanina? Pero pwede naman kasing nadaanan niya lang ako. Hays... ang gulo naman. Ayoko naman kasing magassume na sinundan niya ako kanina hanggang garden. Saka... infairness, kinantahan niya ako. Ang ganda ng boses niya. Bigla ngang umurong 'yung mga luha ko eh.
"Spill it, Vince." Malamig kong utos.
Pero siyempre, kunwari lang 'yun. Ayoko namang lumaki ang ulo niya if ever man na mag-assume siya. He is known to be a playboy. Lahat ng babaeng gusto niya at gusto siya, talagang lumalaki ang ulo niya sa mga motibong binibigay nila or even attentions.
"Can I drive you home later?"
Opps! Ano daw?
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakaawkward smile siya habang nakahawak sa batok.
"P-puwede ba?" Tanong niya ulit.
Kung kakagatin ko ang pain niya... siguro magkakaroon siya ng lakas na loob na ipagpatuloy ang kaniyang plano.
Eh kasi naman... kahit guwapo 'to, hindi ito mapagkatiwalaan. Ilang babae na ba ang nahatid niya sa kani-kanilang bahay? I'm pretty sure na it's not his first time to ask a girl if he can take her home.
"Pero kung ayaw mo... it's okay. Maybe I can ask you to let me drive you home in the other day." Aniya habang nakangiti.
Hindi ako umimik. Gusto ko sanang um-oo kaso natatakot ako. Ayoko naman kasing isipin niya na easy to get ako. Of course I ain't! Saka... may sundo ako eh. At wala akong load para magtext kay manong na huwag nalang niya akong sunduin kasi may maghahatid sa'kin sa bahay.
"Ahm... tama. Siguro next time nalang. Saka, may lakad kami mamaya ng mga kaibigan ko." Ngumiti ako ng pilit at nagiwas ng tingin saka naglakad muli.
"Okay. Sana sa susunod, hindi ka na maka-hindi sa akin. But if ever na magbago isip mo, I'm always free."
Huminto muli ako sa paglalakad at tinignan siya ng diretso habang magkasalubong ang mga kilay.
Naiinis ako sa kaniya! Bakit niya ba ito ginagawa? For past time? Or what?
"Why are you doing this to me? Why are you acting this way? Don't you have any girlfriend? Kasi as far as I know, timer kang lalaking ka. Na halos araw-araw, iba iba ang mga babaing nakakasama mo. Na halos araw-araw naririnig kong may tatlo kang girlfriends. Why? Why are you sticking on me? Isa ba ako sa mga babaeng pinagpupustahan niyo?" Diretso kong sabi.
Sometimes straight to the point ako magsalita. Ayoko ng maraming pasikot sikot hanggang sa kung saan mapupunta ang usapan tapos hanggang sa mawala ka at makalimutan mo na ang gusto mong sabihin.
Ngumisi siya ng nakakaloko. Mas lalo lamang akong nainis sa inaasta niya.
"Look, if you're thinking na this is just part of the bet, then you're thinking wrong. I also have sisters and even me, I don't want them to be played by anyone else. Dahil kapag nangyari 'yun, ako mismo ang tatapos sa buhay nila... Well," nagkibit balikat siya habang nakapout. "Let's just say na this is the way of knowing you... Can we be friends?"
Naglahad siya ng kamay sa harap ko habang nakangiti. Kita parin kung gaano siya ka-hambog. Tinignan ko lang ito saglit saka binalik agad sa kaniya ang tingin.
Really huh? He has sisters? Pero bakit siya nananaymer, aber? He doesn't want his sisters to be played pero ito siya ngayong pinaglalaruan ang feelings ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.
Minsan ang labo niya ding kausap. Or maybe ako lang talaga ang hindi nakakaintindi.
Binaba niya ang kaniyang kamay dahil hindi ko ito tinanggap.
"Pero kung ayaw mo din... wala na akong magagawa. But then, hindi ako titigil hanggat hindi ko makukuha ang tiwala mo. Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako maco-consider bilang isa sa mga kaibigan mo." Nagkibit balikat siya sabay ngisi ng nakakaloko.
Ngumiwi ako at inirapan siya.
"May choice pa ba ako?" Nakangiwi kong turan at tinaasan siya ng kilay.
Ngumisi lamang siya ng nakakaloko. The dimples showed up beside his lips. I found it cute. Rare lang kasi ang magkaroon ng maliliit na dimples.
"Yes. You can even leave me here all alone."
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Grabe talaga. Para siyang anghel na bumaba mula sa langit. Nakakawala sa ulirat 'yung mga ngiti niya... na halos makalimutan mong nasaan ka at sino ang kasama mo.
"Uy!" Bulalas niya sabay poke sa mukha ko ng mahina.
"H-Ha?" Slight na lumawak ang mga mata ko.
See? I was lost with his eyes. Gosh! Mababaliw yata ako nito dahil sa kaniya.
"May problema ba?" Nagaalala niyang tanong.
Mataman niya akong tinignan sa mata as well as me to him. Kaya may narealize ako...
My heart skipped a beat. Ang weird nga eh. Masarap at masakit siya sa pakiramdam. 'Yung feeling na parang gustong lumabas ng puso ko tapos ibigay ko daw 'yun sa kaniya. Super weird.
I looked away at tumalikod sa kaniya. May mali eh. Mali na 'tong nararamdaman ko. Para akong nalulunod. Dapat pigilan ko 'to kung anuman ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako nagpapatianod sa mga balak niya. Hindi dapat ako mahuhulog sa kaniya.
Pero paano? Paano ko pipigilan ang puso ko sa katitibok? Kasi kung hindi na 'to titibok, it means I'm dead.
"W-wala. M-may naalala lang ako." Nauutal at kinakabahan kong sabi.
Akma na akong maglakad muli nang hinawakan niya ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang lumapat ang makinis at malambot niyang kamay sa balat ko.
Jusko naman! Ang lakas ng t***k ng puso ko. Na kapag hindi ito bumalik sa normal, baka magkakaroon pa ako ng komplikasyon sa puso. And I don't want it.
"Wait..." mahina at malambing niyang sabi.
I bit my lower lip at dahan dahan siyang nilingon. Mas lalo lang yatang bumilis ang t***k ng puso ko.
Mali na ba? Mali na ba 'tong nararamdaman ko? It's like... I'm falling for him. Pero ang bilis naman yata? Kailan ko lang ba siya napansin? Kailan ko lang ba siya hinangaan? Ganito ba talaga ang pagibig? Agad agad na dumadating tapos basta basta nalang din aalis?
I'm scared. I'm scared of the thought na ako lang ang nakakaramdam ng ganito. I'm scared of falling inlove alone. I'm scared of the fact na he's just nice because I'm his friend.
What am I gonna say to that?
Lumunok ako nang nagtama ang aming paningin. His eyes were blue. Pero hindi ko alam kung totoo ba ang pinapakita niya. Kasi I believe, sometimes eyes can lie. Hindi man literal but I know it speaks emotions contradicting with the real feeling. Anu daw? Ang labo ko naman.
"I know you're not. Please tell me what's wrong."
I don't know if I should believe him. Like you know, ilan na bang babae ang ginaganito niya? I'm pretty sure lagpas one hundred na kaya siguro sanay na siyang magsinungaling if ever man.
"Maybe I'm just tired." Sabi ko ng diretso, kunwari pagod talaga. Buti nalang at hindi ako nautal.
Pero sana maniwala siyang pagod lang ako. Maybe 50 percent akong nagsasabi ng totoo, at 50% akong nagsisinungaling.
"Hindi ka gutom? I will buy you foods-"
"Na-ah. No need. I'm still full. At wala naman akong ganang kumain." Sino ba kasing magkakaroon ng ganang kumain pagkatapos umiyak? Saka kapag depressed lang ako kumakain ng madami.
He walked closer to me. Halos naninigas ako sa kinatatayuan ko. Parang 'yong presensiya niya ay nagpipigil sa akin na huminga. 'Yung tingin ko ay nakatuon lang sa kaniya.
Geez! Ano ang gagawin niya? Is he going to- no-uh! Huwag kang magisip ng kung ano ano Kate. Hindi ka niya hahalikan for pete's sake! Hindi ka niya type at hinding hindi ka niya magugustuhan. 'Wag assuming teh.
Ngumiti siya at iniangat ang kaniyang kamay. He then wiped my cheeks with his thumb. Grabe ang lambot ng kamay niya. Nahiya tuloy 'yung mukha ko. Buti nalang at wala akong tigyawat at makinis ang mukha ko since my mom used to help me in taking care of my skin.
"Halatang galing ka sa pagiyak." Aniya at ngumiti.
Geez! Mababaliw na yata ako nito. Huhuhu. Oh my heart... relax ka lang please! huhuhu. Baka marinig niya 'yung ingay ng bawat pagtibok mo. Huhuhu. Ayoko na! Ayoko na talaga! Sana lamunin nalang ako ng lupa ngayon din!
Pinunasan niya ulit ang ibaba ng mata ko. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Jusko lord! Ang guwapo guwapo niya! Puwede bang akin nalang siya?
"Oh ayan." Aniya nang binaba na niya ang kaniyang kamay. 'Yung mga ngiti niya nasa mukha niya parin. 'Yong mga dimples niya... kyaaa. I found it cute. Then 'yong mapuputi niyang ngipin, geez! Mababaliw na yata ako.
"Okay na. Wala ng bahid ng luha ang mukha mo. Nakakaguilty naman kasi. Baka isipin ng ibang tao pinapaiyak kita." Aniya at ngumisi.
Hoy ano na Kate?! Tameme?
"T-thanks." I faked a smile at nagiwas ng tingin.
Jusko naman! Uso huminga Kate! He is just Vincent! HE.IS.JUST.VINCENT! Tandaan mo 'yan! Hindi ka dapat mafall sa kaniya. Pigilan mo ang puso at sarili mo. He's playboy! Hindi ka niya seseryosohin. Mark that line.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at literal na huminto ang mundo ko nang wala na akong makitang estudyante.
Juskoooo! Late na ba kami?! Paktay na talaga! Huhu. Mrs. Mondragon 'yun eh!
Ayoko naaaaa! Ayoko na talaga! Pinapahamak lang ako ni Vincent! Jusko naman! Matino akong estudyante!
Bumaling ako kay Vincent na masama ang tingin sa kaniya. I gritted my teeth in anger.
"What?" Kunot noo niyang tanong.
"Late na tayo!" Sigaw ko at umirap sa kaniya saka tumakbo pabalik ng building three. Jusko naman! Sana wala si Mrs. Mondragon which is imposible. Ni minsan hindi pa 'yun umabsent sa class niya. Ang sipag sipag nga eh. Samantalang 'yung ibang teacher, papetiks petiks lang. Parelax relax lang. Konting discuss ion lang tapos test agad. Ni hindi man lang sinisigurong may naintindihan ba kami!
Nakarating na ako sa tamang palapag. And guess what? Fourth floor! Nasa fourth floor ang room namin! Jusko na talaga! Wala na! Wala na akong pagasa. Naririnig ko na ang boses ni Mrs. Mondragon. Nakakatakot. Gusto kong umiyak. Pero para saan pa? Kasalanan ko din naman 'to.
Nasa likod na ako ng pinto, nagtatago. Makikinig nalang siguro ako. Or puwede namang kunin ko 'yung phone ko at irecord ang mga sasabihin niya.
I was about to pull my phone out nang biglang tumahimik ang paligid. Pinapakiramdaman ko ang nangyayari. Para kasing may mali.
Napalingon ako sa kanang gawi ko dahil may mabigat na paa ang lumikha ng ingay. At nakita ko siya. Sino pa ba? Walang iba kundi si Vincent. Si Vincent na ngayo'y hingal na hingal. Huh! Good for him.
Dapat siya talaga ang dapat sisihin dito eh.
"Where is Mr. Montalban and Ms. Solano?" Rinig kong tanong ni Mrs. Mondragon.
Literal na lumaki ang mga mata ko at hindi rin ako huminga. Patay! Napansin ni madame na wala kami.
Pero paano?! Imposible naman yata! Well, kung sa bagay, lagi naman niya kasing chinicheck ang mga estudyante niya. Kung may absent ba or excused.
Jusko na talaga! Ayoko na! Parang gusto kong umuwi nalang. Para tuloy ako nakagawa ng malaking kasalanan.
Rinig ko ang mga yabag ni Vincent na papunta sa akin. Agad ko siyang nilingon at pinandilatan.
Ugh! Gusto ko siyang suntukin! Gusto ko siyang bugbugin! Kung puwede ngalang i-apply sa kaniya lahat ng natutunan ko sa martial arts, siguro hindi siya magkakaroon ng lakas na loob na kausapin ako.
This is his fault after all. And he must pay for this.
"Wala bang nakakita sa inyo kay Mr. Montalban at Ms. Segovia? Ano ba sila? VIP students? Magjowa? Why aren't here? Ano ang ginagawa nila ngayon? Nagdedate?" Diretsong mga tanong ni Mrs. Mondragon. Halata sa kaniyang boses ang pagpigil ng galit.
Literal na nalaglag ang panga ko. Seriously? Kami talaga ni Vincent nagdedate?!
"Hindi ko alam na date na pala ang tawag kapag magkasama tayo." Mapangasar na sabi ni Vincent with his evil smiles.
Hinampas ko siya sa braso. Napadaing siya pero walang boses ang lumabas. Nakahawak siya ngayon sa kaniyang braso.
Abnormal. At nagawa niya pa talagang magbiro? Hindi ba siya natatakot or kinakabahan man lang? Kasi ako... super duper to the omega mega and highest peak of the universe like omogosh aykenatbreedenemor!
"Why did you hurt me?" Pabulong niyang tanong. Pero imbes na galit or iritadong mukha ang pinapakita niya, nakangisi ngayon ang mokong.
Aba teka? Kulang pa ba? Dapat ba ay mas nilakasan ko? Or baka naman... gusto niya talagang iuppercut ko siya? Matry nga minsan.
Akma ko na siyang saktan nang biglang marahas na gumalaw ang pinto. Halos maout balance ako at mahulog sa sahig dahil doon. At nang pagtingin ko kung sino 'yun ay laking gulat ko nalamang nang bumungad sa amin ang nakakatakot na mukha ni Mrs. Mondragon. Patay.
Nanatili lamang ang malawak kong mga mata sa kaniya. My lips left open. Hindi na rin ako humihinga dahil sa nangyayari. Lagot kami nito! Baka paparusahan kami ngayon.
I gulped once at tumayo ng maayos. Nanatili lamang ako nakatingin sa guro.
Magkasalubong ang makapal na mga kilay ni Mrs. Mondragon. Kulubot na kulubot ang kaniyang noo. Ang mga labi niya ay magkadikit at ang kaniyang mga mata ay parang mata ng galit na dragon. Ang mukha niya ay namumula sa galit guro.
"Bakit kayo nandito? Don't you have any plan na pumasok sa class ko? Aba nagaral pa kayo! At ano 'to? Bakit kayo magkasama? Is this a dating area?" Diretsong usal ni Mrs. Mondragon. Bakas sa kaniyang boses ang galit. At halata namang galit siya, mukha pangalang eh, panlaban na.
I gulped once again. Nahihirapan na akong huminga.
Bumaling siya kay Vincent with her dragon eyes. Nang tinignan ko si Vincent ay nadatnan ko ang seryoso niyang mukha.
Gosh! Lahat yata ng ekpresyon sa mukha niya ay perpekto. Bakit kaya ganun? Bakit kaya ang guwapo guwapo niya lalo na kapag seryoso? Pero siyempre, mas guwapo siya kapag nakangiti. Iyong ngiti, hindi ngisi. Sarap niya kasing i-uppercut kapag nakangisi eh.
"At ikaw, Mr. Montalban... Hindi porket pamangkin kita eh gagawin mo ang gusto mo during my class hour. Baka gusto mong ireport kita sa papa mo?" Panghahamon niya.
But wait... what? Pamangkin niya si Vincent? Kailan pa? B-Bakit hindi ko alam?
"I'm sorry, Mrs. Mondragon. I should be the one to blame. Walang kasalanan si Ms. Segovia dito. It's my fault kung bakit siya nalate." Aniya.
Whaaaaaat?! Ano ba ang pinagsasabi niya? Nahihibang na ba siya?! Teka- wala na akong maintindihaaaaan.
Bumaling naman sa akin si Mrs. Mondragon, still with her dragon eyes. Lumunok naman ako at nagiwas ng tingin. I looked down at tumitig sa kawalan.
"Why? What did you do to her? Ikaw Vincent ha? Ayus-ayusin mo 'yang buhay mo! Dito sa loob ng campus, walang magkakamaganak lalo na pagdating sa klase ko! I won't tolerate this. You... the two of you ay dapat bigyan ng punishment!"
Punishment?! Isn't she serious?
"I'm sorry again, Mrs. Mondragon. Hindi na po mauulit." Ani Vincent with sincerity.
Somehow may nakita akong magandang side niya. He knows how to say and feel sorry. Oh well... sana ay totoo nga siya.
"At talagang hindi na mauulit 'to. Hindi na dapat maulit! Now... kayong dalawa... go to building one. Pumasok kayo sa room 23 at doon kayo maglinis. Linisin niyo ang buong room. At huwag na huwag kayong lumabas doon hangga't hindi niyo nalilinis ng maayos ang room!"
Gusto kong umiyak pero para saan pa? Siguro nga dapat kong panagutan 'to. Kasalanan ko din guro kung bakit kami pinaparusahan ng ganito ni Mrs. Mondragon. Pero... hindi kaya ay too much na ang punishment? Nalate lang naman kami ah? Puwede namang ibang punishment nalang o kaya idismiss nalang niya ang kaso- Err. As if this is a crime.
"Yes, Mrs. Mondragon. Masusunod po." Ani Vincent habang nakatungo.
Ang lungkot lungkot ng mukha niya. And... it hurts me. It bothers me.
So totoo talaga kaya na sorry siya sa ginawa namin? Pero parang kanina lang ay ngumisi pa siya.
Aish! Ang gulo naman. Ang gulo niya. Hmm. Pero puwedeng umaakting lang siya kasi tita niya ang nasa harap niya. Mahirap na baka seryosohin ni Mrs. Mondragon ang sinabi niyang isusumbong siya sa kaniyang ama. Pero puwede ding totoo siya. Na sincere lahat ng pinapakita niya.
"Now go!" Matigas niyang utos.
I then gulped at tumalikod sa kaniya habang nakayuko. Nanatili lamang tingin ko sa sahig habang naglalakad.
Hays. Sana... sana okay lang siya no? Hindi kaya siya nasaktan sa sinabi ni Mrs. Mondragon?
Walang umiimik sa amin habang naglalakad. I somehow felt guilty. Maybe I was to vulgar sa kaniya. I shouldn't criticize him dahil lang playboy siya.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
Nakarating na kami sa ground floor. At ngayon ay naglalakad na kami sa kalawakan ng campus.
"I'm fine... at sorry nga pala kanina. Dapat dumiretso na tayo sa room. Kaya tuloy napagalitan tayo. How about you? Okay lang ba?" Nagaalala niyang tanong.
Aaaaaw. Infairness, siya na nga 'tong napagalitan, nagtatanong pa siya kung okay lang ba ako.
"Y-Yeah. 'Di ba dapat ay ikaw talaga ang tinatanong niyan? Ikaw kaya ang napagalitan. At saka, bakit mo naman sinabing ikaw ang may kasalanan kaya nalate ako?" Takha kong tanong.
Kasi nga naman... hindi naman niya kasalanan kung nalate ako. It's my fault din naman.
"Ayoko kasing mapagalitan ka. Napagalitan ka na nga kanina ni Mrs. Feliciano, pati ba naman ngayon, papagalitan ka din ni Mrs. Mondragon? I won't let that happen again. Ayokong makita kang nasasaktan." Aniya habang mataman akong tinitignan.
I looked away at diretso lang ang lakad. Ano ba ang dapat kong sabihin? Should I thank him?
"Ganun ba? Thank you... and sorry din pala kung masama ang trato ko sa'yo." Sabi ko ng nakatingin lang sa harap.
"It's okay. Hindi naman kita masisisi." Aniya kaya tinignan ko siya ng diretso. Huminto pa ako para lang makita ng maayos ang anghel niyang mukha.
Ngumiti ako at tumawa ng mahina. His brows furrowed pero nakangiti siya.
"Sana lagi kang masaya. Mas gumaganda ka kasi kapag nakangiti ka." Nakangiti niyang sabi.
Slight na lumawak ang mga mata ko at nagiwas ng tingin. Did he just praise me? I mean... waahhhaaa. Nakakakilig!
"Bolero ka talaga! I-uppercut kaya kita?" Natatawa kong sabi nang bumaling sa kaniya. Tumawa lang din naman siya ng mahina sa sinabi ko.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. Geez! Ang guwapo guwapo niya talaga. His eyes... his lips... his smiles... ugh!
"So... can we be friends now?" Tanong niya ng nakangiti at naglahad ng kamay.
Ngumiti lang ako at dahan dahang tumango.
"Great!" Nagagalak niyang bulalas saka tumikhim. Hindi parin maalis alis ang ngiti sa kaniyang labi.
"I'm Vincent Gonzales Montalban... friends?" Nakangiti niyang pakilala.
"Wow ha? Edi ikaw na may magandang pangalan!" Biro ko. "But anyway... okay. I'm Alexandra Kate Segovia Solano... friends." Nakangiti ko ring pakilala sa aking sarili at iniabot ang kaniyang kamay at nakipagshakehands sa kanya.
Gosh! Ang lambot ng kamay niyaaa! Err. Soft and smooth. Puwede ng maging unan. Charot!
Bumitaw din kami sa pagkakamayan matapos lumipas ang ilang segundo. Pareho kaming nakangiti habang nakatingin sa isa't isa.
I'm melting oh my god!
"Tara na? Baka makita pa tayo dito." Aniya at hinawakan ang kamay ko saka naunang maglakad. I bit my lower lip saka nagpatianod sa kaniya.
Kyaaaaaa! He's holding my hand! To the next level na ba 'to? Like... kyaaaa. "Holding hands while walking"?!
Siyempre joke lang 'yun. Ayoko namang magassume na may ibig sabihin ang paghawak niya sa kamay ko. Malay mo, ayaw niya lang akong mapagiwanan dahil sa sobrang bagal maglakad, 'di ba?