NARINIG ko ang malakas na putok ng baril ni Giselle pero nang pakiramdaman ko ang sarili ko ay nagtaka ako kasi wala akong tama ng bala. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at doon ko lang nalaman ang isang lalaking yumakap sa akin upang saluhin ang bala na dapat ay sa akin. Galit na sumigaw si Giselle. "Sino ka bang pakialamero ka?!" akmang babarilin niya ulit ako nang sunod-sunod na pumasok sa kwarto ang mga pulis. Inagaw nila ang baril kay Giselle at pinosasan ito. "Bitiwan niyo ako! Ano ba?! Papatayin ko pa ang panget na iyan?!" Walang nagawa ang pagwawala ni Giselle dahil agad siyang nailabas ng mga pulis. Thank you po, Lord. "L-ligtas ka na, E-ekang..." nagulat ako nang malaman kong si Aljun pala ang nagligtas sa akin. "A-aljun! A-anong ginawa mo? Papaano ka napunta dito?"

