25
"How many times have I told you to call me for help?"
Napalingap ako kay Alex na ngayo'y binebendahe ang aking kamay. Wala akong naging imik sa kanya kundi ang tumango.
Ilang araw na simula kumalat sa school na ampon ako. Ang mga tinuring kong kaibigan, mga minahal at pinagpupukulan ko ng oras, lahat ng iyon naglaho sa isang katotohanan. Ang realidad na hindi nga ako tunay na anak ng mga De Luca. Naiiyak ako tuwing maaalala. Sino ba ang niloloko ko? Alam ko namang ganyan na ang ugali nila pero bakit buong puso ko pa rin silang tinanggap? Bakit hindi nila magawa sa akin ang bagay na iyon? Ang pag unawa at pag intindi...
"They are bullying you Rose. Bakit mo hinahayaan?"
Hindi ko rin alam ang sagot dyan.
Ang tanging alam ko lang ay totoo ang lahat ng sinabi niya. Sinasaktan at halos duruaan na ang pagkatao ko. Madalas ako kung itulak-tulak o patirin. Sa sobrang galit sa akin ni ate Lucy, walang araw na hindi niya ako tinantanan, kasama ang mga alipores niya. Titigil lang siya tuwing dadating si Ethan. Mukhang kahit papaano ay malakas ang impluwensiya ng kapitbahay ko dito kaya presensya niya lamang, halos lahat ay mangatog. May parte sa akin na gustong humingi ng tulong sa kay Ethan—pero ano ba kami?
"W-wala silang ginagawa," Ani ko kay Alex.
Minsan kong sinubukan magsumbong. Hindi ko na kinakaya ang ginagawa nila sa akin. Ang pagbuhos ng kung ano-anong pintura, o kaya minsan ay masangsang na tubig. Nagkakasakit na ako sa balat at ngayong mag-isa na lang ako sa mansyon, walang taong makakatulong sa akin—kaya sumubok ako magsumbong kay mam Hyacinth.
Kaso, hindi rin naman siya nakatulong. Sinuway niya nga, pero hindi man lang sinigurong tatantanan na ako. Kaya mas lalo lamang lumala ang pang-aapi nila sa akin, mas lalo silang naging marahas sa puntong minsan nga ay hindi na ako nakakapasok ng klase.
"Rose, sinabi ko sayo ako ang po-protekta sayo? Why are you running away from me?"
Nanlaki ang aking mata. Hinding hindi na kami pwede magkita pa!
Lalo na sa mga banta ni kuya...alam kong hindi siya nagbibiro.
Kahit gusto kong humingi ng saklolo kay Alex, ayokong madawit siya sa magulo kong mundo. Ayokong pati siya ay masama sa kung ano-anong pinagsasabi ng mga tao. Bagamat kumakalat ditong pokpok ako, tatanggapin ko lahat wag lang masaktan ang mga taong naging totoo sa akin.
"A-ayoko. K-kaya ko na Alex," Inalis ko na ang kapit niya sa akin at sinimulang pumihit papaalis, ngunit hinawakan niya ang aking pulsuhan, pilit akong pinipigilan.
"Rose...what did I do?"
Kinagat ko ang labi, nakatalikod pa rin sa kanya. "A-ayoko na kitang makita, please lang," Ani ko bago bawiin ang aking kamay.
Ito na siguro ang pinakakinamumuhian kong pangyayari sa buhay ko. Ang lumakad papalayo sa taong nagmalasakit sayo ng buong buo.
Ganoon sa akin si Alex, kahit ilang buwan pa lamang kaming nagkakasama. Pakiramdam kong totoo siya sa akin, pakiramdam kong nariyan siya palagi, isang tunay na tao na mahirap palitan...Isang taong ayoko sana bitawan...
"H-hayop ka...kuya," Naiiyak kong banggit habang naglalakad sa malungkot na koridor.
Simula ng insidente, at matapos kong makausap si kuya, hinding hindi na ako pumunta sa aking locker area. Kung yun lamang ang paraan para hindi ko na maalala ang lahat, minabuti ko na lang tiyagin iuwi lahat ng gamit ko kahit alam kong may pagka-mabigat lahat.
"Ano? Tapos na kayo maglandian?"
Napatigil ako sa paglalakad. Sa aking kaliwa, nakita ko si Poppy, nakahilig sa pader at naka-krus ang dalawang braso. Napalunok ako sa sarili subalit isa rin siya sa mga galit na galit sa akin.
"You are a b*tch, alam mo ba yon?" Tumawa siya ng bahagya. "Totoo nga naman ang balita. Kapag mahirap, kakapit sa patalim. Akala mo ba nagkakagusto sayo si Alex?"
"Poppy..."
"Don't f*cking call my name! Nadidiri ako sayo! Isa lang palang ampon ang kinaibigan ko!"
Hindi ko mapigilan ang luhang nagsi-takasan sa mata ko. Bagamat nananakit na ang mga talukap ng aking mata dala ng panay kong paghihinagpis, pinipilit ko pa ring maging matatag.
"H-hindi m-mo ba ako kinaibigan dahil sa p-pagkatao ko?" Tanong ko sa kanya, umaasang nagkakamali lamang ako.
Ngunit ng umismid siya, ang Poppy na kilala ko ay tuluyang naglaho. "Ano nga ba ang pagkatao mo? You are a lying, conniving, attention stealer b*tch...and to think na inagaw mo ang posisyon ko sa pagiging muse," Pinaigsi niya ang distansya naming dalawa, at nang lumapit siya sa akin, marahas niyang hinablot ang aking necktie.
Bahagya akong nabilaukan kaya walang pasubali kong tinabig ang kanyang kamay.
"You! Hinding hindi ka mananalo! And I'll make sure to make your life hell! Ang baboy mo..."
"B-bakit a-ano ba ginawa ko? D-dahil lang ba nagsinunggaling ako? T-totoo naman ang sinasabi kong anak na ako ng mga De Luca..."
Sinampal niya ako dahilan para mapabalikwas ako sa gulat. "Hindi lang iyon! You tried to seduce your brother! Akala mo ba hindi namin alam? The story is all over the school, kaya walang guro...walang kahit sinong tao ang may pake sayo! No one will ever be on your side, not even the staffs here!" Nilayasan niya ako matapos ang mga sinabi niya, habang ako'y nanatili pa ring gulat na gulat. Tulala at naguguluhan.
Ano ang sinasabi niya? Ano ang kumalat? Seduce? Nilandi? Hinawakan ko ang ulo. Ano ang sinasabi niya!
Hinabol ko siya na parang nakadepende ang aking buhay. "A-ano sinabi mo! H-hindi k-ko nilandi sino man!"
Desperada na kung desperada. Hinawakan ko siya sa likurang bahagi ng kanyang damit at pilit siyang pinahinto. Bahagyang nawalan sa balanse si Poppy kung kaya't dalawa kaming napahiga sa sahig.
"Ano ba!" Sigaw niya. "Teka saglit...B*tch! You're f*cking crazy!"
"H-hindi! H-hindi kita papakawalan! Ulitin mo sinabi mo! B-bakit...p-papaano k-ko nilandi kuya ko?"
"Tulong!" Hingi niya ng saklolo. "Tulong! P-papatayin niya ako!"
Isa-isang nag-silabasan sa mga silid ang bawat estudyante. Alam kong dapat ko na siyang bitawan, ngunit ano mang pagkakataon niyang tumakas ay pinipigilan ko. Sapilitan ko siyang pinapalapit sa akin kahit alam kong hindi kaaya-aya tignan kaming dalawa sa ganitong estilo.
"Let go of me psycho!" Nagkaka-sugat sugat na ang kamay ko dala ng mahahaba at matatalas niyang kuko ngunit hindi ko na iyon inalintana.
"PAANO!"
"He told Ate Lucy! Na wala daw siyang pakialam sa iba! Sayo lang daw siya!"
Bahagya akong napaatras sa narinig. Sumasakit ulo ko. Para akong mahihimatay sa sobra-sobrang problemang kinahaharap ko...parang gusto ko na lang mahimlay at matulog habang buhay...
"Rose! Nananakit ka na ngayon!"
Sa sobrang pagka-tuliro ko sa mga iniisip, hindi ko napansin na may dumating palang staff ng paaralan. Nagising lang ako sa huwisyo ng maramdaman ang kukong dumiin sa balat ko— pilit ko na lang pinigilan mapahiyaw dala ng sakit.
"Ang sama ng ugali mong bata ka!"
Nang iangat ko ang ulo, ang nanggagalaiting si Mam Flores, ang guidance counselor ng eskwelahan ang bumungad sa akin.
"T-teka nasasaktan ako mam!"
"Maghunos dila ka nga! Sumasagot-sagot ka pa!"
Kinalas ko ang pagkakapit niya sa akin, ngunit nang gawin ko iyon isang marahas na sampal ang natanggap ko.
"Umayos ka... wala ang mga guardians mo kaya hinding hindi ako natatakot pumatol sa bata. Lalo na sa mga batang walang ibang ginawa kundi ang kumapit sa swerte ng iba,"
Makahulugan ang kanyang mga sinabi kaya nasaktan ako. Kahit bata ako, naiintindihan ko ang mga pinaparatang niya...
______
ISANG linggo makalipas... Halos naging impyerno ang buhay ko. Kaya ito ako, halos dalawang araw nang di makapasok.
Akala ko nung una kayang kaya ko tiisin ang panunukso nila—ang pambubully nila. Akala ko kung mananatili akong tahimik ay titigil na. Pero hindi ko akalain na hindi nila ako tatantanan.
'The number you have dialled is unavailable. Please try again later'
'The number you have dialled is unavailable. Please try again later'
Sumigaw ako at niyakap ang aking mga tuhod.
Magisa ako ngayon sa kwarto...sa kwartong dating tinuturing kong grasya. Grasya na naging perang walang halaga. Takot na takot ako ngayon sapagkat kung dati, halos hanggang locker lang ang mga liham...Ngayon, miski dito sa bahay ay sinundan na ako ng mga liham na iyon.
Binuksan ko ang panibagong liham sa kamay ko. At habang binubuklat ito, hindi ko mapigilan ang panginginig ko.
'I think about you day and night my rose...'
Ginusot ko ang papel at pinilas ito gamit ang dalawa kong kamay.
"H-hindi ko kailangan a-ang kahit ano sayo...pero kailangan kita kausapin. Ano pinagkalat mo sa iba!" Binato ko ang mga piraso ng papel sa ere.
Hindi ko mapigilan ang maiyak sa nangyayari. Pinaghalo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, sakit, poot? Ano pa ba...
Sino ka ba talaga kuya? Ano ba ang gusto mo sa akin!?
Ring....Ring...
Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang naririnig ko? Nilingon ko ang aking cellphone, ilang metro ang distansya sa akin. Umiilaw at nagvi-vibrate. Dala ng sobra kong pagkabigla, halos hindi ako magkandaugaga kaka-madali. Muntik na nga akong madapa dulot ng aking pagpapanic. Walang pagdadalawang isip kong sinagot ang tawag, at medyo nanlumo pa nga ako dahil hindi ang taong inaasahan ko ang sumagot sa kabilang linya.
Bakit ba ako nagkakaganito?
"Rose. I'm outside your house,"
Bahagya akong napa-kunot ng noo. "T-teka...Alex?"
"Yes. It's me. Now, will you please come and meet me?"
Napalunok ako sa sarili. Ano ang ginagawa niya dito?
Ilang minuto kong pinag-isipan kung papansinin ko ba siya o hindi. Tutal nandito na rin naman siya, wala na akong magagawa kundi ang makipagkita na sa kanya. Nakakahiya kay Alex gayong pinagtabuyan ko na siya noon. Pero heto siya, pinagpipilitan pa rin akong makausap. Huminga ako ng malalim at lumabas ng aking kwarto.
Tinahak ko ang daan patungo sa sala hanggang sa dulo ng aming gate. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit, nakita ko na agad ang kanyang bulto. Naka-all black attire siya at sadyang nakaka-agaw ng pansin kung titigan.
Nang masilayan niya ako, tinanggal niya ang helmet sa ulo.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Rose, bakit di ka pumapasok? You don't even attend our practices..."
Kinagat ko ang labi. Naalala ko tuloy ang pagkakataong miski si Teacher Hyacinth ay nakapagsalita ng masakit laban sa akin. Sabi niya'y kung pwede lang sana palitan ang muse, gagawin niya. Sinabi niyang wala akong talino para sumagot sa hurado. Wala akong kakayahan para mag-straight english. Pero kailan pa naging isang indikasyon ang english sa talino ng tao?
Hindi sila magaling mag-tagalog gaya ko. Hindi nila niyayakap ang wika ng bansa. Kaya papaano ako magiging bobo sa pagsasalita...
Kaso ano pa ba aasahan ko? Simula ng kumalat ang balita at pambubully sa akin. Wala man lang nagawa ang mga guro para tulungan ako. Sa eskwelahang iyon, pera ang nagpapatakbo sa kanila... pera na kapangyarihan. At alam nilang wala silang mahihita sa akin kaya wala silang pakialam...
"Dahil ba sa contest kaya ka nandito...wag kang mag-alala, pinapraktis ko sa bahay ang dance step. Nagpapanggap akong may dance partner ako...kaya umalis ka na Alex,"
Tinalikuran ko siya ngunit maagap niya akong pinigilan. Minata ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Rose...why are you doing this to me? That's not it at all..."
"Ano ba!" Inagaw ko sa kanya ang kamay ko. "Ano ba itong ginagawa mo Alex!"
Masakit sa dibdib habang sinisigawan siya ngunit ayoko na siyang makalapit pa sa akin. Marami na ang may galit sa akin kaya hindi na bago kung pati siya'y sumunod na rin sa kanila. Kaysa masaktan pa siya, mas pipiliin kong mapalayo na lang siya—ang mawala na siya sa akin.
"Ano ba gusto mo! Pati ikaw di ako tinitigilan…"
"Because I like you Rose! Why are you pretending like you don't know?"
Bahagya akong natigilan sa sobrang gulat. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Iniwas ko agad ang tingin ko. Natatakot akong makita niya. Natatakot akong mahakata niyang nagsisinungaling ako sa mga kilos ko.
"Bata pa tayo! Hindi ka ba nandidiri!"
"But I can wait for you, Rose. I can wait... Alam kong masyadong pang maaga pero ngayon pa lang...I want you to know my intentions..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ngayon...but years later on, I will ask you out. Kaya please, don't end our bond..."
Pinipigilan ko ang luha ko, ngunit ano mang pilit ko, naaantig ang puso ko. First time ko to, first time na may magsabing nagugustuhan nila ako. Kaya nahihirapan kong itago ang ngiti sa gilid ng aking labi.
"Rose...whatevers stopping you...tell me. Ano ba ang meron?"
Iniangat ko ang ulo. Paano niya naman nalaman na may pumipigil sa akin?
"H-how can you tell?"
"Rose...ako ang kasama mo ng pinapahanap mo ang taong nagpapadala ng liham. Tell me, is he still bothering you?"
Napalinga ako sa kapaligiran. Ewan ko ba. Pero takot na takot ako. Kagat labi akong tumango sa kanya, bagamat may pag-aalinlangan.
"What!? Why didn't you tell me?"
"W-wala dapat m-makaalam..."
"Why?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Don't be scared. You have me. Now, who is it?"
Sasabihin ko ba sa kanya?
Baka nga matulungan niya ako. Baka nga magkaroon na rin siya ng dahilan para maintindihan ako. Wala akong napala sa pag-iwas ko sa kanya, kaya sasabihin ko na lang ang katotohanan.
"It's my brother... S-siya ang nagpapadala ng l-liham..."
"Who? Damian?"
Natatakot akong tumango sa kanya. "H-hindi mo siya kilala! Kaya pwede niya tayong balikan!"
Nakita kong napatulala si Alex ng ilang saglit. Namumuti ang kanyang kamao dala ng kanyang labis na pagkuyukom dito. Para bang nagpipigil siya ng galit. Ano ba tong pinasok ko? Huhusgahan niya ba ako? Kinabahan ako dahil baka iyon ang paniwalaan niya...na may kinalaman ako sa mga chismis sa akin na malandi ako.
"Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa Alex! Wala akong kinalaman..."
"Rose...you're his step-sister..."
Halos magdugo ang aking labi sa diin ng aking pagkaka-kagat. "Oo...wag mo nang ipaalala parang awa,"
"Rose...you are a walking sin to look at. You're beautiful and dangerous. Pero...I will be here to protect you. Even from those people. I won't let them touch you at all. You hear that?"
Pinunasan niya ang luha sa aking mata at hinila ako sa isang yakap.
Sa puntong ito, naibuhos ko sa balikat niya ang aking mga luha. Ang ilang buwan kong hinanakit, binuhos ko lahat ko lahat...