Kabanata 24: Bunyag

2394 Words
24 Parang gusto ko magwala. Tinanggal ko ang helmet at iniabot iyon kay Alex. Para akong robot na nakatulala at walang imik, kaunti na lang ay halos akalain akong manika sa sobrang limit ng aking kilos. "Wait! Rose!?" "U-umuwi ka na please, Alex...p-papagalitan ka rin magulang mo," Ani ko sa kanya, pinipigilan kumuwala ang hikbi sa boses ko. Nakita kong natigagal siya sa nakitang ekspresyon sa mukha ko, ngunit wala akong maibigay sa kanyang eksplenasyon. Matapos naming makauwi ni Alex galing sa eskwela, matapos makausap ang aming hinahanap, at matapos ko siyang sabihan na wala na akong ibang intensyon kundi umuwi, walang pagaalinlangan niyang sinunod ang ninanais ko. Pinunasan ko ang luha at walang sabi siyang iniwan na sa labas. Pagkatapos ay walang pagaalinlangan akong sumugod sa aking kwarto. Masyadong masakit ang aking ulo sa kakaisip. Kaya naman balak kong humingi ng paumanhin sa kanya kapag naging ayos na ang pakiramdam ko. Kapag nasa ayos na ako ng katinuan. Pagkapasok na pagkapasok sa aking silid wala akong ibang hinanap kundi ang iisang bagay. Dinampot ko ang aking cellphone at may diin na tinipa ang pamilyar na numero ni kuya. Pang-ilang beses ko na itong tawag, at halos dalawang buwan akong nagpakasasa sa kanya, ngunit ito ang malalaman ko, na gaya ng dati, wala siyang pinagbago. Ang masaklap na katotohanan, at ang mahirap tanggapin, lahat ng nagaalala sa kanya ay nagiisip sa wala. Sumisikip ang dibdib ko habang inaantay niyang sagutin ang tawag. At gaya ng pangyayari, panay unavailable ang number. 'The number you have dialled is currently unavailable, please try again later' "B-bakit mo ginagawa sa akin ito!" Sigaw ko bago ibato sa kama ang cellphone. Maya-maya hindi ko na rin napigilan ang humagulgol sa sarili. Dahan-dahan akong napaluhod sa malamig na tiles. Isa-isang nagsibagsakan ang luha ko at bawat patak nito ay nagpapaalala sa akin ng nangyari ng aking kaarawan, kung saan maulan, at kung kailan ko naranasan ang pait at sakit ng aking dibdib. Sa gabing ito pinagkaitan na naman ako ng isang bagay na inaasam ko. Buhay siya...buhay siya gaya ng inakala ko. At alam kong nagtatago lang siya...kung nasaan, hindi ko alam. Pero sapat na ang malamang buhay siya. Kaso nasa delikado ako... Napalunok ako sa sarili. Bagamat tanging sinag ng buwan ang nagbibigay tanglaw sa aking  munting silid, nasilayan ko na naman ang pamilyar na kahon sa ilalim ng aking kama, bagay na nagpapaalala sa akin. Naalala ko ang mga panahong nagpakahumaling ako sa taong iyon na walang iba lang kundi si kuya... Para kang tanga, Rose! Isa-isa kong pinilas ang mga liham na tinago ko sa aking kahon. Kumuha ako ng lighter sa loob ng aking drawer at isa-isa kong sinilaban ang papel ng walang pagaalinlangan. Sumugod sa pang-amoy ko ang usok pero hindi ko iyon inalintana. Sa harapan ko may salamin, ilang metro ang layo mula sa akin, panandalian kong nasilayan ang sarili. Magulo ang isip, wasak at malungkot, lahat ng emosyong iyon ay kitang-kita ko ng walang duda. Masikip pa rin ang aking dibdib at para mabawasan ang sakit, pawang kabaliktaran ang aking ginawa. Sinuntok ko ang sarili, umaasang wala ako dapat alalahanin. Kaso kahit anong pananakit ko, hindi ako tuluyang namamanhid gaya ng nais kong makamit. Ring...ring... Napabangon ako mula sa aking kinatatayuan. Parang himala at may tumawag na rin...Nabuhayan ako sa kaloob-looban. Si mama kaya ang tumawag? O kaya di naman... si papa? Anong klaseng balita ang ihahatid nila sa akin? Mabuti? Nalaman kaya nilang buhay si kuya? Samu't saring katanungan ang nabuo sa aking isip, pero para mahimpil ang aking pagtatanong kailangan ko na munang sagutin ang telepono. Halos mapatid ako sa hagdanan kaka-madali tumakbo. Sa isang iglap, muling kumislap ang mapapait kong alaala dito matapos malaglag kasama si mama, kaso binalewala ko ang lahat subalit mas magtimbang ang kagustuhan kong makausap muli sina mama at papa. Kahit isang boses lang, marinig ko man lang... "Ma!" Naiiyak kong bunggad matapos sagutin ang telepono. Imbis na sumalubong ang malambing na tono ni mama, o kaya naman ang nakakatakot na boses ni papa. Isang pamilyar na tawa ang natugunan ko, bagay na halos bumaon sa aking mga panaginip. Nakarinig ako ng mahinang halakhak sa kabilang linya, dahilan para mabitawan ko ang telepono. "Rose...I know that you found out it was me," Agad kong hinawakan ang dibdib ko. Muli na namang nagbalik alaala sa akin ang mga pinaggagawa ko. At parang gusto kong sumuka dala ng pangyayari... Ilang beses akong napapangiti ng mga liham at rosas. Laking pagkakamali pala iyon! Kung kailan umasa na akong may nagkakagusto sa akin, ang taong nasa likod ng lahat ay siya rin palang tao na minahal ko bilang kapatid. Gusto kong sabunutan ang sarili. "I know you can hear me. You're the only person there," Napalingap ako sa narinig. Agad kong sinugod ang nakalaylay na telepono at mangiyak-ngiyak siyang hinarap. "Nasan ka!" Napalingap ako na parang baliw sa paligid. "B-bakit...b-bakit mo ginagawa ito kuya!" Gusto kong sabihin sa kanya at itanong kung bakit niya ako pinaglalaruan ngunit alam kong tatawanan lamang niya ako. Makakailang bakit ako sa kanya ngunit wala rin siyang magiging matinong sagot. Pinunasan ko ang luha. "G-grabe ang pagaalala ni mama sayo! Nagkakaganito siya dahil sayo! Kuya ano pa ba ang gusto mo!? U-umuwi ka na...para maging maayos ang lahat..." Hinawakan ko ang dibdib sa tuwing maalala ang hirap na dinaranas ni mama. "You ask me what I want? I told you before, I want you to come to me," "Hinding hindi mangyayari ang gusto mo!" "I know..." Tumawa siya, habang sa isip ko, nakikita ko ang delikado niyang ngiti. "You're not easy to bend, Rose," Humugot ako ng malalim na hininga. Maayos pa ito. Anuman mangyari, maayos pa ito...Tama. Wala si mama, kaya ikaw ang gagawa ng paraan sa pamilyang ito. "U-umuwi ka na lang kuya at mapapatawad ka ni mama...mapapatawad ka ni papa...babalik sa normal ang lahat..." "You think I want that?" "A-ano?" Narinig ko ang pagtikhim niya. Maya-maya ay napabuntong hininga siya. "What did I tell you, Rose? Hinding hindi ako babalik hangga't hindi pa nasisira ang mundo mo," "A-anong sinasabi mo, kuya!? T-tigilan mo na ako..." "You think I will stop? I won't," Ramdam ko ang galit sa tono niya, at nais kong tanungin bakit siya nakakaramdam ng galit. "I will make you taste pain... ako lang ang lalaki sa buhay mo pero bakit may kasama ka ng iba..." "W-wala akong kasama!" "Alex? Is that his name?" Nanlaki ang aking mata. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa telepono, kaunti na lang ay halos masira ko na ito. "Huwag! Huwag na huwag mong gagalawin mga kaibigan ko! Kung hindi!" "Then what?" Tawa niya sa nakakatakot na paraan. "Ako ang makakalaban mo kuya!" "I like the sound of that," Panandalian siyang napatigil. "I like your resistance. The chase... I'm enjoying everything with you," "Seryoso ako!" Hindi ko na mapigilan ang humikbi. "S-subukan mo lang... A-at..." "Hmm?" Napaluhod ako sa malamig na sahig. Sino ba ang niloloko ko? Wala akong lakas manlaban kung ikokompara sa kanya. Wala akong talino at alam sa nangyayari sa mundo. Kung sakali man, natatakot ako sa kalalabasan ng away. Patuloy akong humihikbi sa isiping may madadamay na iba. Kaya sa puntong ito, ako na ang nagpakumbaba. "P-parang awa mo na kuya...wag mo silang s-sasaktan...a-ako! Ako na lang! Wag sila!" "You will also feel the pain, Rose. Pain to make you come back to me," Naiiyak ako sapagkat magulo ang kanyang sinabi. Walang kumpirmasyon kung itutuloy niya nga ba ang pakikielam sa buhay ng aking mga kaibihan o hindi. Akala ko kaya ko na siyang harapin at kalabanin, ngunit masyado akong nagisip sa sarili. Kahit kumilos ako ng patahimik, mas nauunahan niya ako ng tira sa larong ito. "I'll see you...if the time is ready," Biglang namatay ang tawag. "K-kuya!? Kuya hindi pa tayo tapos magusap! Hindi! Sabihin mo sa akin!" Pilit kong dinial ang lumalabas na caller ID ngunit walang sumasagot ng tawag. Nakailang tipa ako pero lahat ng pagtatangkang makausap siya ay tuluyang naibasura. Imposible ang hinahangad niya. Paano niya sisirain ang buhay ko? Tatakutin niya ba ako? Gagamitin niya bang pang-sangga mga minamahal ko? Hinawakan ko ang ulo at umiling-iling. Marunong din ako lumaban para sa sarili. Kaya ko siyang sabayan at unahan! Hindi niya ako matatakot! Ang kailangan ko lang ay balaan sila... Akala ko ganon lamang kadali ang lahat. Laking pagkakamali ko sapagkat dito pala magsisimula ang aking kalbaryo... _____ TATLONG ARAW akong nagpaliban sa klase. Kung dati, halos araw-araw akong nagaantay ng chat sa gc namin, ngayon tila tahimik na ito. Wala akong nasilayang chat ni Poppy, ni Sam o miski na ni Bernadette. Kahit tawagan at imessage ko sila, animo'y sadya nila akong iniiwasan. Dumating ang araw kung saan nakakuha na ako ng lakas ng loob kumilos at humarap na muli klase. At sa katunayan niyan, may malaking kaba sa akin. Simula nang makapasok ako sa eskwelahan, panay ang titig sa akin ng mga tao. Hindi isa, hindi dalawa, alam kong lahat sila'y nakatingin sa akin... Habang nilalandas ko ang malawak na daan ng koridor, parang unti-unting sumisikip ang mundo ko. Sa tuwing maririnig ko ang bungisngisan nila sa tuwing dadaan ako hanggang sa mga matang dati ay halos maningkit sa kaka-ngiti sa akin, lahat ng pagbabago ay napapansin ko. Napalunok ako sa sarili at tinignan ang kasuotan ko. Pero wala akong makitang kahit anong dahilan para maging kontrobersyal na usapin. "Disgusting girl, she thinks she can fool us..." "Akala ko pa naman...nako, ayokong maalala," Hindi ko kilala kung sino ang pinaguusapan nila, ngunit nang may biglang tumulak sa akin, tsaka ko lamang natanggap sa sariling ako nga ang pinupuntirya nila. "Masaya bang lokohin ako?" Nag-angat tingin ako sa nagsalita. At laking gulat ko nang masilayan si ate Lucy na may hawak na kape sa kanyang kamay. Para akong naubusan ng hininga matapos bumagal ang mundo ko sa isang iglap, napasigaw ako ng pagkanda-lakas lakas nang maramdaman ang init ng kanyang kapeng bumuhos sa aking hita. "Sige sumigaw ka pa! Pasalamat ka at hindi sa mukha mo!" "A-ang sakit! Sakit!" Hinawakan ko ang hita at napaliyad sa maduming sahig. Ramdam na ramdam ko ang init at hindi ko na napigilan ang sarili. "Ano ang nangyayari?" Nagkatinginan ang bawat estudyante nang may dumaan na instructor. "I'm sorry mam! Nabangga niya po kami kaya natapunan siya ng kape," Ani ng katabi ni ate Lucy. Tinignan ko sila ng may panlalaki ng aking mata, ngunit palihim nila akong nginisian. "T-tinapon niya sa akin ang k-kape!" Sabi ko sa instructor matapos makita ang nakakatakot na pagbabanta sa mata ni ate Lucy, na nasisigurado kong magagawa niya sa ikalawang pagkakataon. "You expect us to believe you, Rose?" Napatingin ako sa instructor na ngayon ay naka-krus ang kamay. "Pamangkin ko pa talaga ang sisiraan mo," "H-hindi ako nagsisinunggaling!" "Really? You need to go to the guidance right now! Andami mong kasalanang bata ka!" "A-anong ginawa ko!?" Takang tanong ko, ngunit imbis na sagutin niya ako. Pilit niya akong hinigit mula sa pagkakadapa. Gusto kong tanungin kung ano ang naging sala ko at bakit galit sa akin si ate Lucy ngunit ang okupado kong isip ay pilit inagaw ng instructor matapos kong maramdaman ang matutulis niyang kukong dumidiin sa aking balat. "You little misfit deserve detention instead," Marahas akong hinila ng instructor sa aking braso, habang nagsitawanan ang mga estudyanteng nasa likuran ko. Medyo nahirapan akong humabol sa kanya gayong iika-ika ako kung maglakad. Tuwing tatama ang aking palda sa napasong parte ng aking hita, parang gusto kong umiyak sa sakit. "She'll have her own taste of medicine," "So embarassing! Pag nakita ko iyan baka masampal ko pa siya," "Patirin mo nga," "The nerve of that girl, and she's still a kid!" "To think na kapatid niya raw si Damian..." Isa-isa kong sinasalubong ang mga mata ng taong nagsasalita. Puno ng hinanakit at pagka-disgusto sa akin. Gayunpaman, inaalala ko ang mga mukha nila. Sila ang mga taong kailan lang ang babait sa akin. Mga taong naniniwala sa kakayahan ko. Mga taong inisip kong totoo! "Tinitingin tingin mo b*tch!?" Kinakabisado ko ang mga mukha niyo. Mga mukhang nilinlang ako! "Ayusin mo ang basura mo!" Hindi ako nakapagbigay ng responde. Marahas akong binitawan ng babaeng instructor at nabigla ako nang dalhin niya ako sa main grounds ng eskwelahan. Sinundan ng mata ko ang tinuturo niya at nanlaki ang aking mata sa nakitang karatula at mga tarpaulin. 'Rose. Ang baboy na ampon ng mga De Luca' 'Sampid na feeling rich!' 'Malanding babae!' 'Rose, a poor girl' 'Pretender' "Linisin mo iyang kalat mo! Ang dudumi tignan!" Utos niya sa akin at bahagya pa akong tinulak lara kumilos. Nais kong sabihin sa kanya na ano ang kinalaman ko dito? At bakit hindi niya ako tulungan o kausapin ng masinsinang gayong kailangang-kailangan ko ng gabay niya. Imbis na maipaglaban ang sarili, dala ng ayaw ko rin makita ang masasama nilang sinasabi, walang pasubali akong sumugod sa mga nagkalat na banners. Naiiyak kong tinapyas ang bawat karatulang nakikita ko. At habang abalang-abala ako sa ginagawa, isa-isang nagsilandasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hoy makinig ka sa akin!" Bagamat tinatawag ako ng instructor, tinago ko ang sarili sa kanya. Alam kong pagka-harap ko ay makikita ko ang lipon ng mga estudyanteng tinititigan ang bawat kilos ko. Ayokong makita nila akong umiiyak. Pero kahit anong gawin kong paglilibang sa sarili, hindi ko mapigilan ang umiyak ng umiyak na parang bata. Oo nga pala, bata pa ako pero bakit parang hindi ko ramdam? Bakit hindi ko ramdam ang pagkabata ko? "Stop looking at her everyone! F*ck you all!" "Alexander! What on earth are you doing!" Nabigla ako sa sumunod na pangyayari. Mabibigat na yabag ang kumalembang sa aking tenga. At halos walang imik kong pinanlalakihan ng mata si Alex na ngayon ay inagaw ang mga banner at tarpulin sa aking mga kamay. "What kind of teacher are you!? Bakit hinahayaan mo mangyari ito sa isang estudyante!" "Alexander! Calm down! May malaking kasalanan ang babaeng yan!" "Babae!? F*ck you! Dapat sayo tinatanggalan ng trabaho! Hindi lang siya babae! She has a name!" Nakatalikod pa rin ako sa kanila at wala akong lakas loob humarap. Kanina pa ako mahigpit na nakayukom sa sarili. Hiyang hiya sapagkat si Alex ang sumasalo ng aking problema. Sumasalo ng paratang at kahihiyan. Hindi dapat siya nakisali, dapat sana ay labas siya dito. Ngunit bakit niya pinapasok ang sarili? "Yuck! Ang landi talaga! Tignan mo nasulot niya si Alex!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD