Kabanata 14: Kaarawan

2217 Words
14 Hinawakan niya ako sa aking leeg. At dahil sa gulat, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. "W-wag..." Pagtutol ko sa ginagawa niya ngunit imbis na lumuwag, mas lalong dumiin ang hawak niya sa aking leeg. Ilang segundo palang ang kakalipas pero kaunti na lang pakiramdam kong mawawalan na ako ng hininga. "K-k-kuya..." Sa kalagitnaan ng pandidilim ng aking paningin, bigla niya akong binitawan. Bumagsak ako sa malamig na sahig, umuubo at naghahabol hininga. Sa pagkakataong binigay niya sa akin, wala ng ibang pumasok sa aking isipan kundi ang tumakbo. Umambang lalapit siya sa kinaroroonan ko pero imbis na umusog at magyumukyok, ang sumunod na pangyayari ay sadyang hindi ko inasahan lalo na nang kumilos ang sarili kong kamay. Mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa sahig. Bago pa siya makalapit sa akin, winasiwas ko na ang kutsilyo. Nakapikit ako habang nagwawala ang aking kamay. Hindi ko inaakalang tatama ang kutsilyong hawak ko. Wala sa isip kong makakasakit ako. Sa aking gulat, nakita kong lumandas ang dugo mula sa pisngi ni kuya patungo sa kanyang puting T-shirt. Nasugatan ko siya...Nakasakit ako ng tao...Umatras ako, hindi makapaniwalang makakagawa ako ng bagay na pinaka-kinatatakutan ko. Narinig ko kasi ang mahina niyang halakhak. "That's more like it, Rose...ganyan dapat. Marunong kang manakit," Natatawa niyang wika. Kinilabutan ako sa kanya. Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Oo, tama si kuya. Pinili mo ito. Kasalanan mo ito. Sisihin mo sarili mo, Rose... "You better run Rose. Because I will also put a scar on your face...And that you can no longer face anyone...and talk to anyone but me," Kahit kulang ang aking kaalaman sa ingles, kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Alam kong pagbabanta iyon ni kuya. Wala akong inaksayang oras, habang wala pa siyang balak kumilos at habang pinipigilan niya ang pagdudugo, dali-dali akong tumakbo paalis. Hindi ko inabalang tumingin sa likod. Sa totoo lang ay ayokong tumingin! Tumutulo ang aking luha habang sinasalubong ang ulan. Naka-yapak lamang ako kaya damang-dama ko ang mamasa-masang lupa. Nakakakiliti sa paa ang mga murang damo, kabaliktaran naman sa nararamdamang pagpisil sa aking puso. Umiiyak ako dahil halo-halo ang aking emosyon. Dalawa ang nakumpirma ko ngayon. Una ay halimaw nga siya! Pumapatay ng walang pakialam! Walang emosyon! Ikalawa, tama nga si manang...sana pala ay sumama na ako sa kanya. Pero normal lang naman iyon sa mga taong tulad niyo diba? Baka may dahilan siya? Hindi ba gusto mo rin naman patayin ang sarili mo dati? Para ka na ring pumatay ng iba... Umiling-iling ako. Ayoko! Hindi! Hindi ako magpapalamon sa mala-demonyong isipin. Hinding hindi ako gagaya sa kanila...malayo ako sa mga gaya niya. Sumasabay sa patak ng ulan ang mga luha ko. Gayundin ang panaghoy ng puso kong nagdurugo... Walang tao sa bahay kaya wala akong mahingian ng tulong. Iniwan ako ng mga minamahal ko. Hindi ako katanggap-tanggap sa pamamahay at pamilyang ito. Higit sa lahat, kaarawan ko dapat ngayon... Tumakbo ako patungo sa bahay kung saan ako dinala ni manang dati. Ang dating maid quarters at ang bahay na pinagkaloob para maging palaruan lang sa akin. May masama akong alaala dito gaya ng ginawa sa akin ni kuya kaya hangga't maaari, iniiwasan ko ang lugar na ito. Pero wala na akong choice, gusto kong magtago dito...Gusto kong magkulong dito...pakiramdam ko ay mas delikado ako sa mansyon. Nang makapasok, walang habas kong sinara ang pintuan at nilock iyon. Niyakap ko ang sarili. Nanginginig ako, nilalamig at parang natatakot sa mga nakatingin. Kumapit sa aking katawan ang damit kong basa na rin ngayon. Sumilay sa akin ang balat ko. Wag mong isipin, Rose. Wag mo ng tignan pa... Kumuha ako ng iilang unan at kumot bago pumasok sa malaking cabinet na matatagpuan sa kwarto. Masaya dapat ako ngayon, akala ko nasa tama na ang buhay ko...Bakit nangyayari ito? Malayong malayo ito sa pinangarap ko...Malayong malayo sa kasiyahang nadama ko sa piling nina Mother at Dianna. Kasalukuyan akong nasa looban ng cabinet. Kung nasa nakaraan pa ako, ito sana ay ang taguan ko sa tuwing maglalaro kami. Maliban sa sitwasyon kong ito na literal na ang tagu-taguan. Pinikit ko ang mga mata. Wala na akong ibang paraan para makalimot kundi ang balikan ang masasayang alaala. 'Happy Birthday sayo, Rose'...sa aking isipan naririnig ko ang maligayang pagbati nila sa akin. Masayang balik-balikan kaya bago pa ako lamunin ng dilim, may panandaliang ngiti sa aking labi. MADALAS kaming maglaro sa bahay-ampunan. Marami akong kausap, sina Ford, Ysabelle, Richard, Rena...Dianna. Puno ang usapan namin ng makukulay na kwento at minsan biruan. Ilang saglit ang memorya ko sa kanila ay nagunaw. Napalitan iyon ng takot at pangamba...dugo at sakitan. Normal ba ang hubaran? Normal ba ang pananakit? Normal ba ang pang-aapid? Ganito ba sa tunay na mundo? Bakit ngayon ko lang nalalaman? Bakit hindi ito tinuro sa akin? Kung sana, baka nakagawa pa ako ng wastong mga desisyon. Baka sana hindi pa ako nandito sa lugar na ito... Hindi ko mabilang kung ilang oras akong nakatulog sa loob ng cabinet pero tiyak akong matagal-tagal akong nandidito gayong naririnig ko ang naghihimutok na sigaw ni mama, tawag-tawag ang aking pangalan. Umalingawngaw ang ingay ng tinitibag na pintuan at sa aking takot na mapagalitan, inunahan ko na silang magsalita. "Ma! Nandito ako!" Sigaw ko sa kanila pabalik, kahit namamaos ang boses ko. Medyo nanghihina akong tumayo at binuksan ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ko, agad akong sinalubong ni mama ng yakap. Nakita ko ang kalangitan, madilim at mahamog. Sumasalamin na gabi na pala ng mahanap ako. "Rose! Hindi mo alam gaano ako nag-alala sayo!" Patuloy ang kanyang hagulgol sa aking balikat. Marami siyang kasama sa paghahanap sa akin, kabilang na doon ang dahilan kung bakit ako nandidito. "Ang init mo anak!" Wika niya sa akin bago ako buhatin. "Bakit ka nandito? Nagtampo ka ba Rose? Kaarawan mo ngayon, oo alam ko...kaya ako umalis kanina. Pasensya na, binilhan din kita ng cake," Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan ang umiyak. Minsan nakakalimutan kong bata pa lang ako. Dala ng kahirapan at mga kwentong naimulat sa akin sa samut saring nakaraan ng mga batang kasama ko sa bahay-ampunan, nawala sa aking isip kung paano ba minsan maging bata...Masyado akong nakapokus sa mga mithiin ko kaya pakiramdam ko'y ninakawan ako ng karapatan maging masaya at may laya. "Happy birthday nak," Alo sa akin ni mama, buhat-buhat at yapos-yapos ako. Nakita kong nakatingin sa akin si kuya, hindi tulad ng kanina, ang mata niya ngayon ay puno ng gulat. Hindi ko alam kung dahil ba sa kalagayan ko ngayon o dahil nang malaman niyang kaarawan ko kaya naging ganun ang reaksyon niya. "Wag ka ng umiyak...tahan na," Pinunasan ni Ate Trina ang aking luha habang yapos-yapos pa rin ako ni mama. "Pasensya na Rose...babawi kami ha?" Pang-aaliw nila sa akin. Wala naman talaga akong gusto kundi ang makasama sila. Ayokong magisa, yun lang naman ang hiling ko. Kaya kahit walang handa o regalo, ayos lang sa akin ang lahat ng iyon. Sumakit ang lalamunan ko ng pigilan ko ang impit ng pagiyak. Nakakahiya ring makita nila akong nanghihina. Sa katunayan niyan, hindi naman ako pala-iyak. Simula ng manirahan ako dito, parang napapadalas na ang aking panaghoy. Ayokong sisihin ang sarili ko dahil alam kong wala akong naging kasalanan. Tama lang itong nararamdaman ko. Habang naririto pa si mama, kinuha ko na ang tsansa at niyakap siya pabalik. Hanggang makabalik sa mansyon, hindi ko na siya binitawan pa. Ilang minutong paglalakad ang ginugol namin pabalik. Lumilipad ang isip ko sa pagkakataong ito. Hinahayaan ko na rin ang sarili tangayin ng kung ano-anong isipin. Basta, wag mo lang titignan si kuya. Bumungad sa akin ang napakaraming shopping bags sa sahig nang pumasok na kami sa mansyon. Marahan akong binaba ni mama habang pinuntahan niya ang mga pinamili niya. "Anak, ito yung mga binili ko para sayo," Aniya sa masayang tono, tila excited habang binubuksan ang mga shopping bags. "Ahm...madam...dalhin muna natin sa kwarto niya si Rose," Hindi ata narinig ni mama ang sinabi ni Ate Trina sapagkat nagpatuloy-tuloy lang ito sa ginagawa. Lumapit ako kay mama nang may ipakita siya sa aking damit. Hinawakan ko ito at agad-agad na nagustuhan ang tela. Medyo cotton ito at malambot hawakan. Sa tingin pa lang ay parang komportable na itong suotin. "This would look good on you...marami akong pinili...sa iyo to lahat," Aniya sa akin. "Nagustuhan mo ba?" Tumango ako kay mama. "Thank you ma," Sabi ko sa mahinang tono. Ayoko lang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman na gusto kong magpahinga. Naulanan ako kanina kaya siguro medyo masama ang aking pakiramdam. "Oh right...baka di ka pa pala kumakain...Trina, please pakidala ito sa kwarto niya. Lahat to," Wika ni mama. Kahit gusto kong umalma sa dami ng kanyang binili, wala na akong lakas pa para gawin iyon. Habang kapit-kapit ang aking kamay, dinala ako ni mama sa kusina. Kaninang umaga, walang kalaman-laman ang hapagkainan. Ngayon naman ay nanlulula ako sa daming nakahain. Napakaenggrande kung tutuusin. Masyado magarbo sa puntong naiilang ako kumain at kumilos. Kanina rin, walang katao-tao sa bahay kaya malayo sa aking inaakala na bubungad sa akin ang eksena sa harapan. "Marami akong pinaluto anak dahil hindi ko alam ang paborito mo," "Mama...wala naman tayong bisita pero bakit ang dami nito?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Sangkaterba ang mga niluto at malaki ang aking duda na hindi ito agad mauubos kahit pa sabihin nating itatabi iyon para bukas. "Anak, ayos lang. Minsan lang ito. Buti nabasa ko sa legal papers mo ang birthday mo. Don't worry, nakaprocess na sa korte ang documents mo...Soon, you will be officially named in our surname," Nagtaka ako sa sinabi ni mama. Hindi pa ba ako parte ng pamilya? Halata siguro ang pagtataka sa aking mukha kaya nilinaw niya lalo sa akin. "You see, anak. We are still under the legal process ng korte. Matagal ang adoption process at may monitoring na nangyayari...Gusto kong sabihin sayo dahil ito na rin mismo ang pabirthday ko sayo," Wala akong naging salita, dala na rin ng maraming termino ang hindi ko maintindihan, kaya niyakap ko na lang si mama. At bilang baling, hinimas-himas niya ang aking likod. "I forgot! Teka lang anak," Bumitaw na siya sa akin at tumayo. Maya-maya ay pumunta si mama sa ref. Nanlaki ang mata ko nang makitang naglabas siya ng cake mula doon. "Tada!" Nilingap niya si Kuya na nakasandal sa b****a ng pintuan. Dahil sa ayaw ko itong tignan simula kanina, hindi ko napansing mamasa-masa ang kanyang buhok. Akala ko ay naligo lang si kuya Damian pero napansin kong ganun pa rin naman ang damit niya, tulad ng kanina. Naisip ko tuloy kung hinanap niya ba ako kanina habang umuulan. "Can you please help me anak? Please light up the candles," Wika ni mama kay kuya habang nilapag niya sa aking harapan ang chocolate cake. Walang salitang kumuha si kuya Damian ng lighter mula sa drawers ng kusina. Hanggang ngayon, wala kaming pansinan. At masaya akong ganun nga ang nangyayari. "May problema ba kayo nak?" Nagtatakang tanong sa amin ni mama nang mapansin ang nakakailang na katahimikan. Gusto kong sabihing, pinapatay, sinasaktan ako ng anak niya pero natatakot akong magsumbong. Lalo na nang marinig ang sinabi ni manang. Sinimulan ni kuya sindihan ang mga birthday candles sa aking cake. Labing-tatlong kandila iyon. At nang kumislap ang sindi ng apoy, walang pasubali kong naalala ang sunog sa garden. Hindi kaya? "Trina, tawagin mo na si Erin. Videohan niyo si Rose," Utos ni mama sa kakarating lang na si ate Trina. Erin? Sino si Erin? Mula sa pasukan ng pintuan, may kasamang babae si ate Trina. Siya siguro si Erin na tinutukoy ni mama. Mapayat siya pero may hubog ang katawan. Mukha siyang bata pero parang dalaga rin, siguro labing-siyam hanggang sa dalawampung taon ang edad. "Rose...This is Erin, isa siya sa panibagong katulong natin. Siya muna ang hahalili. Kaibigan din siya ni Trina kaya malaki ang tiwala ko sa kanya," Kumaway si Erin sa aking gawi. "Hi! At Happy Birthday Rose," "Thank you po," Balik ko sa kanya. Nginitian niya lang ako bago mapatingin sa gawi ni kuya Damian. Nakita kong kinagat niya ang kanyang labi nang magkatinginan sila ni kuya. Bakit ko ba sila pinapansin? "Dito...maganda ang anggulo dito," Rinig kong sabi ni mama, habang binibigyan direksyon si ate Trina. Naiilang ko silang pinanood i-set up ang camera, pero sa gilid ng aking mata, pinapakiramdaman ko ang kilos ni kuya. "Ready...one, two, three go...Happy birthday to you..." Pumalakpak silang lahat, miski si kuya na tahimik lang ay mahinang nakisabay sa kanila. "--Happy Birthday to you...Happy Birthday, happy birthday...Happy Birthday to you," Inudyok ako ni mama na hipan ang mga kandila. Nakangiti akong tumango. "Make a wish," Dagdag niya. Pumikit ako at pinagsiklop ang dalawang kamay na parang nananalangin. Namimiss ko na ang magdasal at kausapin ang panginoon, kaya siguro ako pinaparusahan ay dahil nakalimutan ko na siya. Isa lang naman ang hinihiling ko. Ang maging masaya sa piling ng nagmamahal na pamilya. Atsaka...sana gumaling na ang mga sugat sa pamilyang ito. Hinipan ko na rin sa wakas ang mga kandila. "Rose? Okay ka lang?" Biglang bawi ni mama ng ilang minuto akong naiwan na nakatulala. Ngumiti ako..."Ayos lang po," Kanina pa siguro nakakapansin ng kakaiba si ate Trina kaya siguro hindi na niya napigilan ang suminggit. "Madam. May sakit po si Rose. Wag niyo na pong ipilit itong birthday celebration."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD