IX: TERTULIA
The talented's pov
"Entertainment? It makes the whole world go round. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga taong nakakaramdam ng kalungkutan. Tinutulungan rin nitong makalimot mga taong pagod na sa buhay kahit sa kaunting oras lang. Nang dahil sa talento ng mga tao, nagbabago ang pagtingin natin sa mundo. Ang kalungkutan ay napapalitan ng kasiyahan, at ang kapaguran ay napapalitan ng kapahingahan. Kung ako ang magiging entertainment beadle, sisikapin kong magiging masaya ang unang taon natin dito sa seminaryo." ‘Yan ang naging sagot ko sa tanong ng aming general beadle kung bakit ako ang karapat dapat maging entertainment beadle sa formation year na ito. Nasa hall kaming lahat ngayon para mag-elect ng mga bagong leaders per committee. At nakakatuwa lang isipin na isa ako sa napupusuan nilang manguna sa entertainment committee.
"May nanalo na." Narinig kong sigaw ni Christian na kapareho kong napili sa pagiging Entertainment beadle.
"Oo nga. Boboto pa ba tayo?" Tanong naman ni Railey na dati nang nasabihan ni Fr. na maging time-keeper.
"For formality's sake brothers, kailangan niyo pa ring bumoto." Narinig kong sagot ni kuya Rjay. Tumango lahat ng nasa harap namin ni Christian.
"Okay, then who will vote for Christian?" Tanong ni kuya Rjay sabay turo sa katabi ko. Walang nagtaas ng kamay sa kanya maliban sa akin.
"For Koko?" Tanong uli niya saka niya ako tinuro. Mayamaya pa ay nagsisitaasan na sila ng kamay, "1, 2, 3..okay, It's clear by a unanimous decision, Bro Koko is now our new entertainment committee leader." Sabi ni kuya Rjay saka nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti naman ako bilang pasasalamat sa mga bumoto sa akin. Kinamayan pa ako ni Christian bago kami bumalik sa dati naming upuan.
"Okay. Dahil entertainment na din naman ang pinag-uusapan natin sa ngayon, siya nga pala brothers, sabi ni Padre sa akin kanina bago siya umalis, magkakaroon daw tayo ng tertulia." Narinig kong sabi ni kuya Rjay.
"Tertulia? Ano yun?" Tanong ni Railey.
"Oo nga kuya, ano yun?" Tanong naman ni Christian.
"Tertulia, nakaugaliang short entertainment at gathering ‘yun ng mga seminarians. Kumbaga, parang welcome party ng seminaryo para sa inyong mga bago. Pero ang kaibahan lang ay kayo mismo ang magwewelcome sa sarili nyo by performing your talents infront of everyone. Katunayan, every month nagkakaroon ng tertulia para i-celebrate ‘yong mga nagbirthday sa buwan na iyon."
"Wow! mukhang masaya ‘yon, kuya Rjay!” Sagot ni Railey.
"Oo nga kuya, pero teka, kelan ba 'yan mangyayari?" tanong pa ni Lucas.
"Oo nga! Nakakaexcite. Kailan yan?"
Sunod-sunod na tanong ng mga katabi ko.
"Hindi ko alam, si Koko ang tanungin n’yo diyan dahil siya ang magdedecide." Sabi niya saka tumingin sa akin. Napakunot tuloy ako ng noo, ako talaga? Ba't ako? Mukhang naintindihan naman ni kuya Rjay ‘yong pagkunot ng noo ko.
"'Di ba entertainment beadle ka?" Tanong pa niya napatango naman ako. Oo nga pala, ako nga pala ang entertainment beadle hahaha! ang bilis ko naman yatang makalimot?
Nang matapos ang eleksyon ay lumabas na ang listahan ng mga bagong officer sa formation year na ito: si Kuya Rjay ang naelect as the general beadle; si kuya Rico naman bilang vice beadle na syang hahalili kay kuya Rjay kung sakaling hindi nito magampanan ang pangunguna sa aming mga seminarista; si Arthur naman ang naatasang maging canteen manager; si Anthony bilang dining hall beadle; si Christian bilang chapel beadle; si Kurt bilang sports beadle; si Markus bilang AVR beadle; si Paulo bilang animal beadle at si Lucas bilang infirmarian.
Nang mapansin kong umalis si kuya Rjay ay sinundan koi to. Mukhang didiretso siya sa pastulan ng mga tupa. Tumingin ako sa orasan ko. Alas kwatro y media nap ala. Oras na para akayin pabalik ang mga alagaing tupa. Siya kasi ang nakatoka sa pagpapastol at pag-aakay sa araw na ito. Ewan ko, natutuwa ako sapagkat may mga ganitong aktibidad sa seminaryo. Naalala ko nung unang araw namin, ipinaliwanag ni Fr. Paul sa amin na isa ang pagpapastol sa formation naming bilang seminarista. Dito kasi’y nasusubukan namin kung paano maging isang mabuting pastol; kung hanggang saan ang pasensya naming, at kung hanggang saan ang hanggannan naming. Likas kasi sa isang tupa ang pagkakaroon matigas na ulo. Minsan, kailangan naming maging pasensyoso upang maakay namin sila nang maayos. Isipin na lang daw namin na mga tao sila na inaakay naming na parang tupa upang maibalik sa dapat nilag kalagyan—sa lugar na nais sa kanila ng Panginoon.
Kaya eto, gusto kong tulungan si kuya Rjay sa pagpapastol niya, atsaka isa pa, gusto ko rin talaga siyang tanungin tungkol sa tertulia. Wala pa kasi talaga akong masyadong ideya tungkol dun maliban sa sinabi niya kanina. Kung dinala ko lang sana dito sa seminaryo yung cellphone ko, baka natanong ko na si pareng google at mareng merriam. Kaso bawal so uso magtanong.
"Kuya Rjay!" Tawag ko sa pangalan niya. Nilingon niya ako halatang nagulat siya nang makita ako.
"O, ba’t andito ka? Wala bang gawain sa loob sa oras na'to?" Tanong niya. Umiling ako.
"Wala kuya, maaga kong natapos kanina bago nag-election. Ahm, g..gusto sana kitang tulungan na ipastol ‘yong mga tupa." Sagot ko.
"Kung ‘yun ang gusto mo, sige. Pero ‘yun lang ba ang ipinunta mo dito?" Tanong pa nito. Mukhang alam niya kung anong pakay ko. Uminit ang psingi ko. Bibwelo muna sana ako kaso naunahan na niya ako.
"A..ang totoo po niyan ay l..lumapit rin ako sa inyo kasi gusto ko pong magtanong tungkol sa tertulia." Nahihiya kong sagot. Napangiti naman siya saka nagsimulang maglakad ulit papunta sa mga tupa na nakapastol sa isang maliit na parang kagubatan sa compound ng seminaryo.
"Sabi ko na, eh. Sabi ko na.. Akala ko naman tutulungan mo talaga ako, ‘yun pala may iba kang pakay. Haays! " Sabi nito na natatawa. Namula tuloy ako. Nakakahiya.
"Pasensya na kuya. Gusto ko lang naman kasing panindigan ‘yong sinabi ko kanina, eh. Gusto ko pong maging masaya ang unang taon namin dito sa seminaryo lalo na ngayon na entertainment beadle na ako." Sabi ko.
"Haha okay lang. Nakakatuwa ka nga, eh. Kasi Parang seryosong-seryoso ka talaga sa pagiging entertainment beadle mo. Ganyan ang tunay na leader." Sabi nito.
"Salamat po, eh, ganun naman po dapat talaga 'di ba? sabi nga po nila, kung ‘yong maliit na bagay hindi mo na sineseryoso, paano pa ‘yong mga bagay na mas malaki pa? atsaka isa pa.. " Sagot ko.
"Wait! Amen tayo dyan soon to be Fr. Koko. Pero bago pa mapahaba ‘yang litanya mo, tulungan mo muna ako dito." Sabi pa nito saka kami natawanan na dalawa.
Nang matapos naming ibalik sa kulungan ‘yong mga tupa ay umupo kami sa sementong puno ng hollowblocks saka namin tuluyang pinag-usapan ‘yong tungkol sa tertulia na tinatanong ko kanina.
"Ano nga ulit yun, kuya?" Nagpagpag ito ng dumi sa kamay saka nagsalita.
"Kagaya nga ng sinabi ko kanina sa inyo, ang tertulia ay isang social gathering kung saan nagkakaroon ng simpleng kasiyahan ang mga taong nag-cecelebrate nito. May sumasayaw, kumakanta, nag-aacting at kung ano-ano pang talento na maaring ibahagi sa iba. Ang tertulia rin ang nagsisilbing bonding ng mga seminarista para mas makilala nila ang isa't isa, at mawala ‘yong hiya ‘yun ay kung mayroon man. Eh, sa’yo pa lang parang wala na.” pagpapaliwanag nito sa akin.
“Grabe kuya, ah. Hindi naman makapal mukha ko.” Sagot ko.
“Biro lang. pero sometimes jokes are half-meant.” Hirit pa nito. Napakamot ako ng ulo. hays, pilosopo talaga, oh!
“Haays.pero kuya, balik tayo sa usapan. Ibig po bang sabihin ay magtatanghal po dapat tayong lahat?" Tanong ko. Tumango naman si kuya Rjay sa akin bilang pagsang-ayon.
"Oo, dapat lahat. Pwedeng grupo-grupo, isa-isa depende sa gusto mo. Kung gusto mong magtanghal tayo nang isa-isa, bakit hindi? Kakaunti lang naman tayo, 'di ba?" Tanong niya.
"Pwede rin po. Pero g..gagawa pa rin po ba ako ng program?" tanong ko pa.
"Oo naman kailangan ng program para maayos, atsaka ipapakita rin natin kay fr. Paul ‘yun para ma-aprubahan nya bago siya umalis.”
“ Ah, aalis po si father?” tanong ko.
“Ahh, e..ewan ko, parang feeling ko lang aalis siya.”
"Okay po. Kung gayon mas aagahan ko na ang pag-gawa ng programa para naman maprimaha niya." sagot ko.
"Ay teka kailan mo ba gustong maganap ang tertulia?" tanong nito sa akin. Nag-isip muna ako bago sumagot.
"Sa Sabado po sana kuya, bago magsimula ang regular class natin sa Lunes. Gaya nga po ng sabi niyo, mahirap nang magsingit pag may mga subjects na tayo. Kung pwede nga lang din po sana ay sa gabi na lang para mas masaya talaga. ‘Yun po ay kung pwede.." Nag-aalangan kong sagot.
"Oo, pwede naman, katunayan, noon ay gabi talaga namin itinataon ‘yong tertulia para hindi naitatapat sa mga assignments dito sa seminaryo. Atsaka magiging busy na rin tayo soon. Mas magandang mapaaga." paliwanag niya.
"Okay po. Mukhang alam ko na po ang gagawin kuya. Salamat sa mga ideas mo." Sabi ko sa kanya.
"Okay, kung may tanong ka pa, lapit ka lang sa akin." Sabi pa niya sa akin bago ito tumayo. Naglakad ito pabalik sa seminary building. Sumunod ako sa kanya. Katunayan, may matagal na akong gustong itanong sa kanya actually, pati dun sa isa pang involved. Matagal ko na kasing napapansin ito.
“Kuya, ‘wag mong mamasamahin ito, ah.” Panimula ko. Napatigil siyasa paglalakad.
“Ano ‘yun..”
“Napapansin ko kasi..”
“Ano nga..”
“Uhm. Ewan, ako lang ba nakakapansin, o sadyang iniiwasan mo lang si kuya Rico? I mean, okay lang ba kayong dalawa?” tanong ko. Tumitig ito sa akin.
“Ha?” nakakunot ang noo nito.
“Wala, kuya..ahm nevermind po, for sure, namali lang ako ng observation.” Sagot ko. Nagpakawala naman ng malalim na buntong hininga si kuya Rjay. Haays. Ano-ano na lang talaga naiisip ko. Siguro ay dala na ito ng pagkasabik ko sa Tertulia sa sabado.
Sa totoo lang, andami ko nang naiisip na pwedeng mangyari sa sabado. Andaming ideyang pumapasok sa utak ko. Mukhang magiging masaya nga ito. Sana lang talaga mangyari lahat ng nasa isip ko.