X:THE FIRST BLOOD
The atheist-turned-seminarian's pov
"Does your God exist? Can you point out some specific and credible evidences to prove His existence?”
I still remember myself asking this question to my so-called “holy pagan” classmates when I was still a sophomore.
Nakakatawa lang isipin na ‘yong dating tanong kong ‘yan sa iba, ngayon, sa akin na itinatanong ng iba. Kumbaga, umikot bigla ang lamesa.
I still can't believe it. Ang dating atheist na kagaya ko ay namumuhay na ngayon kasama ang labing dalawang seminarista na balak ding maglingkod sa Panginoon. Sinong mag-aakalang susubukan ko ang buhay sa seminaryo? Sinong mag-aakalang handa akong sanayin ang sarili kong magising sa ikalima ng umaga para simulan ang araw sa pagdarasal at matulog ng alas Diyes pagkatapos magdasal? Sinong mag-aakala na ang isang tulad ko ay pipiliing gawin ang lahat ng ito?
I am Paulo Cruz, and yes, I used to be an atheist. A full-blooded atheist, until I could no longer defend it. I embraced atheism before because I never saw God's existence in everything, in everyone, and everywhere. I questioned God’s existence. I even questioned God’s power like: If God is the most powerful being, then can He create a rock that could not carry? Kasi if God’s power is ever lasting, then the only thing that could demean it is his own power as well. If He’s really powerful, then he will not let himself carry something that will make him look like a weak individual.
Ilan pa sa mga tanong ko n’on, kung mayroon talagang Diyos, bakit maraming kaguluhan sa mundo? Hindi ba dapat maayos ang mundo dahil gawa ito ng so-called perfect omnipotent God? kung gawa ito ng isang omnipotent bakit hindi ito perfect? He is perfect, therefore, His creations should be perfect as well. Pero bakit hindi? May punto naman ako, ‘di ba?
Isa pa, tayo ba ang may kailangan sa Diyos, o tayo ang kailangan Niya para maperform Niya ang pagiging Diyos Niya?
Andami kong tanong dati. Mga tanong na hindi ko masagot-sagot.
Luminaw lamang ang lahat nang ipaliwanag sa akin ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko ang lahat ng hindi ko nalalaman —sina Grace at kuya Rico.
Si Grace, girlfriend ko, ang isa sa dahilan kung bakit ako nagbago. Siya ang tinuturing kong grasya ng buhay ko. Naaalaa ko pa kung paano kami nagsimula.
Nung una’y magkaaway kami, gawa nga ng magkasalungat kami ng pinaniniwalaan. Pusa siya, aso ako. Kristiyano siya, atheist ako. Palagi kaming nagdedebate at nagbabangayan sa isang bagay na noon ay walang kasiguraduhan sa akin. Pero habang lumilipas ang minuto, araw at buwan, hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa kanya ng tuluyan. Ewan ko, pero naging paraan ‘yung pagkahulog ko sa kanya para mas matanggap ko na may Diyos.
Pero kamakailan lang ay iniwan ko siya, nagpaalam kasi ako na papasok ako sa seminary. Alam kong masakit para sa kamya ang umoo, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil pumayag siya na pumasok ako sa seminary. Hindi ko lang alam kung ginusto ba talaga niya ang pagpasok ko sa seminaryo o sadyang nagparaya lang siya dahil sa mahal niya ako. Mahal ko rin naman siya, pero dahil sa kanya ay mas napamahal ako sa Panginoon.
Isa pa sa taong bumago sa akin ay si Kuya Rico. Kilala ko na siya noon pa man bago pa siya pumasok at mapalabas sa seminaryo. Bilib na bilib ako sa kanya noon sapagkat iba siya sa lahat ng taong nakilala ko. Hindi siya nagyayabang na isa siyang Kristyano dahil kitang-kita na ‘yun sa kilos at galaw niya. Marami siyang alam sa bibliya na mapapanganga ka na lang talaga kapag napakinggan mo mismo sa bibig niya, pati nga ako na atheist napasuko niya. Pati ako na mabangis, napaamo nya. Iba siya. Iba si kuya Rico.
Kaya sobrang lungkot ko nang mabalitaan kong pinalabas siya sa seminaryo. Ayon sa kwento ng nakararami, nagnakaw raw siya ng mga relics at donasyon sa loob ng seminaryo. Ang sabi pa nila, nilason pa niya ‘yong isa sa mga seminarista dahilan para magsi-alisan ‘yong mga kasama niya. Buti nga’t may natira pa, eh, si kuya Rjay na tumatayong general beadle namin ngayon. Pero ‘yong kwentong yan na tungkol sa kanya, hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatunayan kung totoo. Ayokong maniwala sa sabi-sabi, dahil kung totoo nga iyon, bakit hinayaan siya ni Fr. Paul na bumalik dito sa seminaryo kahit na may bad record na siya? Bakit pinahintulutan siya ng obispo na ituloy ang naudlot niyang bokasyon?
Ting ting ting.
Napatigil ako sa kakatitig sa ngayo'y kumakain na si kuya Rico nang may magbatingting ng babasaging baso. Hudyat kasi iyon na may gustong i-anunsyo ang isa sa amin. Nangyayari ang mga pag anunsyo sa tuwing patapos na ang lahat sa pagkain. Napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay. Galing iyon kay Koko na nasa kabilang lamesa.
"Mga bros, announce ko lang. Aprubado na ni Fr. Adriano ang tertulia sa sabado." Panimula nito naghiyawan ang lahat, "At siya nga pala, nakapaskil na sa bulletin board ‘yong makakasama niyo sa performance. Bali may tatlong araw pa naman kayo para magprepare 'di ba? So, please prepare well. Yun lang." Sabi nito. Nag-ingay ang paligid, tila lahat ay excited sa groupings na ginawa ni entertainment beadle.
Ting ting ting.
May announcement ulit. This time, galing naman ito kay kuya Rjay.
"Mga bok, may binilin pala sa akin si fr. Kanina bago siya umalis." Panimula nito.
"Ano iyon, kuya?" Tanong ni Railey na nasa harap ko.
"‘Yong mga wala pa palang clerical, magpasukat na. Darating si manang Lea mamaya para manukat. Kung hindi niyo sya kilala, si manang lea ang nananahi ng clerical ng seminaryo for almost 12 years." Sabi nito. Halos lahat tuloy sila na-amaze sa sinabing iyon ni kuya Rjay, "At siya nga pala, pakilinis raw ‘yong mga kwarto niyo dahil magchecheck raw si Padre ng mga kwarto natin sa oras na hindi natin alam. So, wag maging dugyot mga brothers." Sabi ni kuya Rjay dahilan para mas magkaroon ng ingay sa loob ng refectory. ‘yong iba nagrereact kasi natatakot na baka makita ni Fr. ‘yong kadugyutan nila sa buhay nila. Haha buti pa ako, maayos ‘yong kwarto ko.
"‘Yong kwarto ni Christian, kuya, nakita ko, sobrang dumi. Parang bodega." Sabi ni Railey dahilan para magtawanan ang lahat.
"Kesa naman ‘yong sa'yo, maayos nga, mabaho naman." Kantyaw naman ni Christian kay Railey.
"Basta, sumunod lang tayo sa gusto ni Fr. Para okay tayo lahat sa kanya, maliwanag ba, brothers."
"Opo kuya." Sagot ng lahat sa kanya. Pagkatapos nun ay tinapos na namin ang tanghalian sa isang dasal.
Nang tuluyang matapos ‘yong tanghalian ay dumederetso kami agad sa bulletin board para makita kung sino ‘yong mga makakasama namin sa performance sa sabado.
"Yes! Kagrupo ko si kuya Railey at Christian!" Sigaw ni Kurt na nasa harap ko. Sinilip ko pa ‘yong ibang grupo, by threes pala ang ginawang hatian ni Koko na siyang magfafacilitate sa 'Tertulia'
Si Railey, Christian at Kurt ang magkakasama sa unang grupo. Si Anthony, Mario, kuya Rjay naman sa pangalawang grupo. Habang si Markus, Lucas, Arthur naman sa pangatlong grupo. At ako naman kasama ko si King at si Kuya Rico.
Nang matapos naming makita ‘yong groupings sa bulletin board ay kanya-kanya na kami ng pinuntahan. Mayamaya pa ay napatigil ako sa paglalakad nang may dumating na isang matandang babae. Mukhang siya na ‘yong tinutukoy ni kuya Rjay na magtatahi ng clerical namin.
“Magandang umaga, hijo, bago ka rito ano?”
“Opo.”
“Andyan ba si Padre?” Tanong nito sa akin. Ngumiti ako saka nagmano sa matanda.
“Wala po, eh, umalis raw po kanina. Siya nga po pala, kayo po ba ‘yong mananahi?” tanong ko. Tumango ito sa akin. “Kung ganun po, tawagin ko po muna ‘yong mga kasama ko para hindi na kayo maabala pa.” dagdag ko.
“O sige, maghihintay ako dito sa labas.” Sabi pa ng ginang saka ako umalis. Pagkatapos nun ay dumeretso agad ako sa refectory kung saan naroon ‘yong ilan sa mga kasama ko. Sinabi ko sa kanila na ipamalita na rin nila sa iba na dumating na ‘yong mananahi.
Ilang minuto pa ang lumipas, kumpol kumpol kaming dumetso sa labas kung saan naghihintay ang ginang. Naabutan namin ito na nakangiti sa aming banda. Nang makalapit ‘yong iba sa kanya ay nagmano ang mga ito.
“Napakarami niyo na pala, hindi ko inasahan ito.” Panimula ng ginang na tila natutuwa sa nakikita habang sunod-sunod ‘yong mga kasama ko na nagmamano sa kanya.
“Oo nga po, manang, parang kailan lang n’ung mag-isa lang ako dito, pero ngayon, andami na namin.” Sagot ni kuya Rjay. Kung susuriin ko ang pakikitungo nila sa isa’t isa, mukhang matagal na silang magkakilala.
“Maganda kung ganun. Nakakalungkot dahil sa halos ilang taong natakot ang mga parokyano na tumugon sa pagpapari dahil sa nangyari noon. Maganda ito nang matabunan naman ‘yong nangyari ng ilang taon, ‘di ba, hijo?” Sabi pa ng mananahi. Bigla akong napalingon sa mga kasama ko, tinignan ko kung naririnig nila ‘yong sinasabi ng matanda ngunit parang ako at si kuya Rjay lang ang nakarinig. Ano kaya yung tinutukoy niya? ‘yong nangyari kaya kay kuya Rico ang pinag-uusapan nila? Maari!
“O, siya simulan na natin ang pagsukat. Sinong gustong mauna?” tanong ng mananahi. Nagtaas ako ng kamay.
“Ako po.” Sagot ko.
“Uy, excited siya mag-pasukat, oh. Excited magka-clerical.” Kantyaw ni Railey sa akin dahilan para magtawanan sila. Ngumiti na lang ako, wala namang masama sa sinabi ni Railey sa akin. Pero ang totoo, nagpa-una ako dahil gusto ko na matapos sa lilinisan ko ngayong araw. Gusto kong magpahinga nang mas maaga.
Habang nagpapasukat ako ay biglang tumunog ‘yong hagdanan sa lobby, may pababa ata. Lumingon ang lahat nang makita namin na si kuya Rico yung pababa doon.
“Diyos ko po!” Tinig ng pagkatakot mula sa matanda. Napaubo pa ito. Teka, bakit?
Napatingin ako sa reaksyon ng ginang nang makita niya si kuya Rico. Hindi ko alam pero parang naramdaman ko ang takot sa mata niya.
“May problema ho ba?” Tanong ko rito pero umiling lang ito kaya hinayaan ko na.
Nang matapos akong magpasukat ay tumingin ako sa huling pagkakataon sa matandang mananahi na kanina pasulyap-sulyap kay kuya Rico. Bumuntong hininga ako saka ako umakyat sa hagdan para dumeretso sa kwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ko ay napatigil agad sa nakita ko. Biglang nanginig ‘yung katawan ko. A..ano 'to? ano’ng nangyari sa kwarto ko? Bakit ganito kagulo? Nang iwanan ko ito kanina ay hindi naman ito ganito?
Atsaka a..ano ito? B..bakit may nagkalat na dugo? San galing ang dugo ito? Inikot ko pa ‘yong paningin ko sa buong sulok at laking gulat ko nang may mapansin akong nakasulat sa dingding ng kwarto ko. ‘yong sulat na iyon. Tila dugo ang ginamit sa sulat na iyon.
"Kung may nalalaman ka, mas mabuting manahimik na, dahil kapag iyan kumalat sa iba, patay ka. Kung ako sa iyo, lumabas ka na ng seminaryo hangga't hindi pa nauubos ang oras mo. Nagmamahal sa iyo, the 13th Seminarian." ‘Yan ‘yong mismong nakalagay sa dingding ko na sobrang gumugulo sa akin ngayon.
A..Ano ito?A..anong ibig sabihin nito? Napatigil ako sa kawalan, nanghina, gusto kong sumigaw para ipaalam sa iba ngunit bigla akong natakot. Bigla kasing nagbalik sa utak ko ‘yong nabasa ko kanina.
"Kung may nalalaman ka, mas mabuting manahimik na, dahil kapag iyan kumalat sa iba, patay ka.."
T..teka ano bang nalalaman ko? Wala akong naiintindihan? Atsaka sino itong the 13th seminarian?