KABANATA XI

1538 Words
XI | CONSPIRACY THEORY The nerd's pov Naniniwala ka ba sa mga conspiracy sa paligid mo? Ang mundo natin ay isang napakalaking fake news. Hindi lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo. Marami ang fake. Pero ang nakakatakot na katotohanan, lahat pala ng nakikita natin ay peke. Aminin natin tayo mismo ay peke. Aminin natin na may mga bagay pa rin tayong tinatago sa iba. Aminin natin na ‘yong ugaling pinapakita natin sa iba ay ibang iba sa ugaling meron tayo kapag tayo’y mag-isa o kapag walang taong nakakakita sa atin. ‘Yan ang totoo sa mundo. Yan ang totoo sa lahat ng tao. Tayo ay peke. Tayong lahat ay peke. Tayo ay may kanya-kanyang conspiracy. Tayo ay may kanya-kanyang tinatago. ‘Yan ang dahilan kung bakit ako pumasok dito sa seminaryo. Gusto ko kasing malaman kung ano ang tinatago ng sinasabi nilang mga banal na mga taong sumusunod ng tinuturing nilang 'Kristo'. Gusto ko rin malaman kung ano ang mga kabalbalan ng simbahan. Gusto kong malaman ang itinatago ng mga kaparian. At alam ko na saka ko lang malalaman ang lahat ng tinatago nila kung magiging kabilang ako sa kanila. Na saka ko lang malalaman ang lahat kung naging isa ako sa kanila. Ako si Arthur Morales, isang agnostic. At labing anim na taon na akong namumuhay sa pekeng mundo. Sa halos kalahati ng buhay ko, naniwala ako sa ideya na lahat ng pinapakita ng tao sa paligid ko ay totoo. Akala ko dati lahat ng tao ay mababait. Akala ko lahat ng tao, mapagmalasakit. Pero hindi pala, dahil lahat pala ng tao may tinatago. At pinatunayan iyan mismo ng tatay ko. ‘Yong taong akala ko na totoo, isa rin pala sa mga taong mapagbalat-kayo. Akala ko totoo ‘yong pagmamahal at mga pangako niya sa amin ni mama pero hindi pala, iniwan pa rin pala niya kami na parang bula. Pero salamat pa rin sa kanya dahil binago niya lahat ng aking akala. Salamat sa kanya dahil namulat ako sa kung ano ang totoo. Namulat ako sa tunay na mundo. Ang kwento ni mama, seminarian daw si papa. Iniwan siya ng ‘tatay’ ko nang hindi man lang niya nalalaman na may nabuntis niya si mama. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, pero sabi ni mama ay pari na raw siya ngayon. Kung alam ko lang kung anong pangalan niya, tiyak na susugudin ko siya. Ipapaalam ko sa lahat na may anak siya. Sabi ni mama, ‘wag na raw akong magalit sa ‘tatay’ ko dahil hindi rin naman daw alam ni mama na buntis siya. Pero hindi ‘yun ang punto ko. Wala akong pakealam kung nagaway sila, ang gusto kong mangyari ay makilala niya ako nang masampal ko sa kanya na dapat hindi siya naging pari. ‘Yan ang dahilan kung bakit galit ako sa mga taong simbahan. Kung sino pa ‘yung mga madalas na nagsisimba, sila pa ‘yung mga walang hiya! Napatigil ako sa pagbabasa ng libro dito sa study room ng seminaryo nang bigla akong makarinig ng ingay mula sa labas. Kaka-akyat ko lang dito kanina dahil gusto ko muna sanang magpahinga sa ingay ng paligid. Rinding-rindi na kasi ako sa ingay ng mga kasama kong mga 'banal na seminarista' sa refectory kaninang tanghalian. Nakakainis lang dahil ngayon, nakakarinig na naman ako ng ingay mula sa kanila. This time, mas malala pa. Nagsisigawan sila na tila ba may nangyaring hindi maganda. Nang palakas na nang palakas ang ingay ay napagpasyahan ko nang bumaba mula sa 2nd floor kung saan nakalagi ‘yong study room ng seminaryo. Sa labas nangagaling ‘yong ingay, nagkukumpulan sila lahat do'n. Nang silipin ko ay tama nga ako ng hinala, nasa madamong lugar sila ng seminaryo. Alam ko ‘yong lugar na iyon, doon sa lugar na iyon pinapastol ‘yong labing tatlong tupa na alaga ng seminaryo. At minsan na akong nagawi doon dahil tumulong ako sa pagpapastol n’ung ikalawang araw namin dito sa seminaryo. Nang tuluyan ko silang malapitan ay mas malinaw ko nang naririnig ‘yong usapan nila.. "Sinong may gawa nito?" Narinig kong tanong ng 'banal' na beadle na si Rjay sa mga 'banal na seminarista' na nasa harap niya. "Hindi ko po alam kuya, nadatnan ko na lang pong ganito. ipapastol ko na po sana ‘yong mga tupa pero napatigil ako n’ung makita ko ito." Sagot ni Koko na tila takot na takot. "Hindi ito dapat malaman ni padre." Sagot pa ni Rjay. "Teka, ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanila nang malapitan ko na sila nang tuluyan. Tinignan naman ako ni Rjay saka niya itinuro ‘yong puno sa likuran ko kung saan nakasabit ang isang... Isang tupa na wala ng buhay. Wakwak ang katawan. Ubos ang dugo at lamang loob. Tinakpan ko ‘yong bibig ko n’ung muntik akong mapamura. Pero Sh*t talaga! Sinong may gawa nito? Sinasabi ko na, eh. May tinatago nga talagang ka-demonyohan ang mga taong ito. "Walang pwedeng gumawa nito kundi tayo-tayo lang, malamang isa lang sa atin ang gumawa nito." Biglang nagtinginan ang lahat ng marinig namin ang katagang iyan mula sa isa sa pinakatahimik sa aming lahat. Walang iba kundi ang banal na balik-loob na si Rico. Himala, nagsalita siya. Ngayon ko lang ata narinig yung boses niya? "Paano mo naman nasabi iyan? May pruweba ka ba kuya? Para mo na rin sinabing may masama sa atin dito ha!" Sabat ni Kurt. Sa pananalita pa lang ni Kurt, parang may mamumuo nang hindi pagkakaintindihan sa dalawa. May bagay ata akong hindi nalalaman tungkol sa dalawang ito. Mukhang magandang palabas ito.. "Wala akong sinabing ganyan." Seryosong sagot ni Rico na tila nagtitimpi sa patutsada ni Kurt. "Eh, ano’ng gusto mong palabasin, kuya?" Nagtaas na ng boses si Kurt. Tila ba nawawalan na ito ng respeto dahil sa pagsagot sagot nito sa mas matanda sa harap niya. "Ano bang pagkakaintindi mo?" Tanong ni Rico na tumataas na rin ang boses. Mukhang may magkaka-initan yata dito. Mukhang sa unang pagkakataon ay mapapatunayan ko kung gaano kasama ang mga tao dito sa banal na lugar na ito. "Awat na yan! Tama si kuya Rico, imposible na isa lang sa atin ang may gawa niyan. Isipin niyo mga bro, paanong may makakapasok na tao rito eh sarado lahat ng gate, at kung meron man, paano? Matataas ang bakod dito." Suhestion ni Anthony. Napaisip ako. Maaaring tama nga si Rico. Tama rin ng obserbasyon si Anthony. Lahat sila ay tama. "Exactly, maybe one of us is the culprit." Sabat naman ni Markus na nasa harap ko lang. "Pwede. Pero mahirap mambintang mga bok, hindi pa natin kilala ang isa't isa. Pero isipin natin, ano namang dahilan ng taong yun kung bakit niya ginawa ito? 'Di ba? Nakakapagtaka lang. Isipin nga ninyo bakit kaya niya papatayin ang isang tupa? At sinabit pa talaga niya.” Sagot ni Rjay. Tumango ako. Tama si Rjay. Hindi ko maisip kung ano’ng dahilan taong gumawa nito. “’Yun na nga, eh, hindi pa natin masyadong kilala ang isa’t isa. Isipin niyo nga, bakit ‘yung tupa ang pagdidiskitahan?” Tanong ni kuya Rico. “Eh, anong gusto mong mapagdiskitahan? Tao? Ikaw?” pabalang na sagot ni Kurt. Umiinit ang bangayan sa harapan ko. Kung hindi ko lang sila kilala, mapagkakamalan kong hindi sila mga seminarista. "Teka nga, wala naman siguro sa ating sampu ang gumawa nito 'di ba?" Tanong ko sa mga kasama ko. Tumango silang lahat. "Teka, sino bang wala dito?" Tanong ni Rjay. Inikot ko ‘yong paningin ko sa lahat ng mga taong andito. Sampu lang pala kami dito. Teka, asan ‘yong iba? "Si Christian, si Paulo, si Railey." Sagot ni Koko. "Nasaan sila?" Tanong ni Rjay kay Koko pero umiling lang siya. "I saw them a while ago, kuya. Nasa mga kanya-kanyang mga kwarto nila sila." Sagot ni Lucas. "Hindi naman sa isa sa kanila ang pinaghihinalaan ko na gumawa nito, pero mas mabuti na kung tanungin natin sila. Okay ganito ang mangyayari. Arthur, Kurt, Anthony, sumama kayo sa akin." Sabi ni Rjay, tumango naman ako, "Mario, Markus, King, koko at lucas, kayo na ang umayos rito, dapat hindi ito malaman ni padre dahil tiyak na malalagot tayo sa kanya. Kami ng bahala sa tatlo, tatanungin namin sila kung may kinalaman sila dito." Dagdag pa niya. "Okay, kuya." Sagot ni Koko. Pagkatapos nun ay dumeretso na kami sa loob, at ganun nga ang ginawa namin. Pinuntahan namin ‘yong tatlong wala kanina para alamin kung may alam ba sila sa nangyari o wala. Una naming kinatok si Railey, naabutan namin siyang mahimbing na natutulog. No choice, pero kailangan naming siyang gisingin. Maya-maya pa ay nag-inat inat ito, kinusot pa ang mga mata. “Ba’t kayo andito sa kwarto ko?” tanong ni Railey. “ano kasi…” hindi mabanggit banggit ni Anthony ‘yung gusto niyang sabihin. “May alam k aba sa pagkamatay ng tupa?” diretsahang tanong ko. “Ha?” Isang blangkong mukha ang ibinigay niya sa amin. “Meron o wala lang ang gusto naming marinig.” Tanong ko ulit. “Anong sinasabi mo? Anong sinasabi niyo? Teka, ano bang nangyayari? Ano bang nangyari sa tupa?” tila wala siyang ideya sa sinasabi namin. Sunod naming pinuntahan ‘yung kwarto ni Christian, naabutan naming tinatanong na rin siya nila Kurt. Pero kagaya ni Railey, pinabulaanan niya ring siya ang may gawa. Si Paulo na lang ang natitira. Dali-dali naming pinuntahan ‘yung kwarto niya na ilang hakbang lang ang layo mula sa kwarto ni Christian. Nang mapuntahan naming ‘yon ay nadatnan naming si Paulo sa loob ng kwarto niya, pawis na pawis habang hawak-hawak ang isang basahan na punong puno ng dugo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD