VIII: BEING NORMAL IS WEIRD
The Weird’s pov
Do you want to know my life in a nutshell?
I'm 1 % normal and 99 % weird. Kung kakalkulahin natin, dalawang daan at apat na oras pa lang akong naging normal sa labing pitong taong pamamalagi ko sa mundo. Hindi ko kasi makayanan, eh. Narealize ko na ang weird palang maging kagaya ng karamihan. Ang weird palang maging normal. Ba't kaya ganun?
Kung open minded lang sana lahat ng tao, pwede sana nilang iconsider na masaya rin minsan maging weird. Masaya rin maging kagaya ko.
Hindi ba nila naisip na mas masaya ang buhay namin? Sounds weird pero ito ang sa tingin kong totoo. Pero ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit tinatawanan nila ‘yong kilos naming mga weird. Ano’ng mali sa kilos ko? Namin? 'Di ba nga dapat sila pa ‘yong tinatawanan naming mga weird kasi they are living in a cliché way? They are following patterns, rules, and not deviating from a norm or principle? sumusunod sila sa yapak ng mga normal na tao sa mundo. Hindi sila cool sa paningin ko. Hindi kailanman.
Some of them are even judgmental. Hinuhusgahan nila yung mga taong nagde-deviate sa rules of normality. They also read rules for them to distinguish what is wrong and what is right. Ganyan sila katakot na magkamali. Kaya karamihan sa kanila takot mag-discover ng bago, ng new learnings, ng new ideas. Wala, eh. Mga normal kasi sila.
So, kapag gumalaw ka na katawa-tawa para sa kanila, it's either baliw ka para sa kanila or baliw ka para sa kanila. Pili ka lang sa dalawa.
For the funniest part, tinatawanan nila ako dahil kakaiba raw ako, habang ako naman, tinatawanan ko silang lahat kasi pare-pareho sila.
What a life! What a serious life. What a boring life!
Buti pa ako, weird. At proud ako diyan.
Ano bang weird sa pagiging weird? —wala.
Ano bang normal sa pagiging normal? —meron.
Kapag normal ka, normal lang na boring ka. Sad to say, that's true. Sabi nga nila, normal is just another term for “boring”.
Marahil ang iba sa inyo ay nagtatanong kung bakit ko piniling maging weirdo? Simplehan natin. I have 2 reasons but I'll only give you 1.
Simply because being weird is also being unique. Meaning, walang masyadong kagaya. Walang masyadong katulad sa mundong punong puno ng second hand, class A at class B, kumbaga wala akong masyadong kagaya sa mundong walang originality.
Ayokong maging katulad ng karamihan na palaging sumusunod sa gusto ng iba.
Kaming mga weird, may sarili kaming mga idea at paniniwala sa mga bagay-bagay. Hindi man katanggap tanggap para sa karamihan, at minsan ay katawa-tawa man, pero alam ko, na somehow, na somewhere, may nakakatanggap sa aming pinaniniwalaan. Hindi lang naman kasi ako ang weird sa mundong ito, eh. Katunayan, marami kami. ‘Yong iba, nagtatago dahil ayaw mahusgahan, ‘yong iba naman ay kagaya ko, pwede mong makita kahit saan.
Malay natin, malay ko. Baka isa pala sa mga karahap ko ngayon ay katulad ko...
"Hey bro, what are you doing to your food?" Napatigil ako sa paglalagay ng ketchup sa kanin ko sa plato ko nang bigla akong pigilan ni Markus na isa sa mga kaharap ko ngayon dito sa hapag. Haays. Sa dinami rami ng matatapatan ko, dun pa sa inlglesero!
"Ahm, I was… ahm I was putted ketchup here.." tila napakunot ‘yung noo niya sa sinabi ko.
“Just joking, this is how I eat my food. I always put catsup in it for it to be delicious.” Sagot ko in straight English. Gulat kayo no?
"I know." Sagot ng engliserong rich kid na si Markus. “But why?“ Napangiwi ako. Haays. Sa dinami rami ng sinabi ko, may pa “But Why pa siya.” Wait, hinay hinay lang. limited lang English vocabulary ko.
"You wanna try?" Tanong ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng isang nandidiring reaction.
"Ugh! It's disgusting bro." Sabi pa nito.
Napangiwi na naman tuloy ako sa sinabi niya. Disgusting daw? Eh, ang sarap kaya lagyan ng ketchup ang kanin. Hindi ba nila alam na ang ketchup ay may lycopene na nakukuha sa kamatis? At hindi rin ba nila alam na ang kamatis ay hindi isang gulay kundi isang berry? Kasi nga marami siyang buto. Ayon pa sa nabasa ko, kapag daw ang isang bunga, maraming buto, ibig-sabihin berry yun. So, am I Berry good, now? Wait andami ko na atang nasabi. Ay wait, totoo ba mga nalalaman ko?
Anyways, balik tayo sa dating usapan. Palibhasa mayaman si Markus, kaya mukhang hindi pa ata niya na-try kumain ng ganito. Sarap kaya. Lalo na n’ung mantika na may kaunting toyo. Ugh. Nakakagutom!
"Masarap kaya, try mo kasi, ah" Pag-aalok ko.
"Masarap? Seryoso? ano’ng lasa? Try ko nga?" Sabi naman ni Christian na nasa kanan ko lang. Mukhang na-curious sa kung ano’ng lasa ng kinakain ko.
"Basta. Malalaman mo kung susubukan mo, parang pagpasok sa seminary, saka mo lang malalaman kung iyong susubukan. Bars!” Sagot ko. Napatingin lang sila sa akin na bang may nasabi akong mali. “Promise masarap yan, masustansya pa." dagdag ko saka ko iniabot ‘yong isang sachet ng ketchup na binaon ko pa n’ung pumasok ako dito sa seminaryo. Galing yun sa mga fastfood na kinakainan ko weeks ago.
Nang mailagay na ni Chritian ‘yong ketchup sa kanin niya ay sumubo siya ng isang kutsara. Tila nag-iba ‘yong hitsura niya na para bang gusto niyang masuka.
"O ano, masarap ba?" Tanong ko habang nakangiti. Napatingin ako sa mga katabi ko na si kuya Rico, kuya Rjay at Markus. Tila hinihintay rin nila ‘yong sagot ni bro Christian.
"Pwe! Hindi masarap bro, ano’ng trip mo?" Sabi nito saka uminom ng tubig. Haays! Normal 'to.
"Trip ko? Wala, weird lang." Sagot ko saka sila nagtawanan lahat except si kuya Rico na hindi nakikisali sa ingay namin. Tahimik lang siyang kumakain dahilan para mabilis niyang naubos ‘yong kinakain niya. Nang matapos siyang kumain ay tahimik itong tumayo sa kinauupuan saka umalis. Nagkatinginan tuloy kaming lahat. Saka nagtawanan. Hindi man lang niya hinintay ‘yong closing prayer.
Kasasabi ko lang kanina na "Weird people. They deviate from the norm or principle because they have their own rules."
Napaisip tuloy ako, weird rin kaya si Kuya Rico? May mga qualities kasi siya na sa isang weird mo lang makikita. Kagaya n’ung.. Basta! sa tingin ko ay katribo ko siya.
Paano ko alam 'to? Well, it takes one to know one. Ewan ko pero sa pagkakataong ito, parang napakamisteryoso ni kuya Rico sa paningin ko.
I want to know him more. Naks! Nahawaan na ako ni Markus!