VII: EMPTY SPACES
The rich-kid's pov
Have you ever heard of Saint Francis of Assisi? The man who abandoned his luxury life for him to serve Christ?
Well, Saint Francis of Assisi's life is somewhat similiar to mine. Because just like him, I also had a luxurious life before. I used the past tense ‘had’ kasi, hindi na ako mayaman ngayon.
Before, I can buy a lot of expensive clothes, expensive toys. And sometimes, expensive friends. In short, I'm rich in terms of financial stuffs.
But everything has changed when I realized something after reading the life of a saint Francis of Assisi from a book given by an 'expensive friend" of mine.
I realized something. I realized, hindi pala ako totoong mayaman. Mayaman lang pala ako sa pera, pero sa pagmamahal, sobrang hirap ko. Napagtanto ko na mas masahol pa pala ako sa isang dukha na nanlilimos ng pagmamahal at kalinga sa daan. Mayaman lang pala ako sa pera pero sa buhay pang-spiritual, namumulubi na ako. I looked so empty and cold — like our large houses. Ugh!
Consequently, I abandoned my luxury life and decided to partake the road less taken, the priesthood life. Not in a Franciscan religious congregation houses but in an expensive Diocesan Seminary. Ugh. Wala kasi akong magawa dahil ito lang ‘yong pinakamalapit na formation house sa amin, atsaka wala rin akong sapat na pera para magpakalayo-layo at lumuwas pa sa malayong lugar para pumasok sa isang Franciscan congregation. Lalo na at umaasa pa rin ako na matatanggap rin ako ng pamilya ko pagdating ng tamang oras at tamang panahon.
At kapag dumating ang tamang araw na iyon, masasabi ko na ako na ang pinakamayamang tao sa mundo. Dahil naniniwala akong to own Christ is to own the real wealth of the world.
"Di ba ikaw si Markus Dela Vega? ‘yong anak ng haciendero? ‘yong may-ari ng Hacienda Dela Vega sa kabilang bayan?" I heard our general beadle, kuya Rj, asking me this question. Napalunok ako. Teka, paano niya nalaman? I never shared that I am the unico hijo of the Dela Vegas. Ayoko kasing mag-iba ‘yung tingin nila sa akin nang dahil sa prominenteng pamilya ako kabilang.
"Wow! So, mayaman ka pala?" Narinig ko namang tanong ni Railey, our time keeper. Teka, hindi ko pa kinukumpirma na ako nga iyon.
Tatlo lang kami dito sa pantry, and we are washing the dishes. By assignment kasi, kaya sa buong araw ng pangatlong araw namin dito sa seminaryo ay kaming tatlo lang nakatokang maghugas. Again, tumango lang ako sa tanong ni Railey kanina, hindi pa rin ako sumagot verbally. I'm still hesitant. I'm still hesitant to share my story lalo na't baka magulat sila sa plot twist ng isang dating rich-kid turned-into-beggar na katulad ko. Isang beggar na namamalimos, hindi ng pera kundi ng pagmamahal sa sarili kong pamilya.
"So, bakit iniwan mo buhay mo dun, bro? Sayang. Hari hari ka na sana, tignan mo ngayon nahuhugas ka pa tuloy ng pinagkainan ng mga kasama natin. Wait, baka hindi ka sanay, ha? Sabihin mo lang sa’min ni Railey, kami na lang ang maghuhugas, swelduhan mo na lang kami." Tumawa lang ako sa sinabing ito ni kuya Rjay. Tama sila, hindi ako sanay sa gawain bahay. Pero ano pa ang dahilan ng pagpasok ko dito sa seminaryo kung hindi ko rin naman pala ito matututunan? Isa pa, parte ng formation sa pagpapari ito so bakit ko tatangihan ang matuto? Ika nga, kung gusto mong tumagal sa seminary formation, open yourself to any possibilities. Pero kung gusto mong maging permanente sa formation, don’t just open yourself to the possibilities. I-acquire mo lahat ng tingin mo ay makakabuti para maging mabuti kang pari.
"Uy, magkwento ka naman. Ganyan ba mga mayaman? Tahimik? Para ka tuloy si Mario Carlos na daig pa si Maria Clara sa pagiging tahimik. Hahaha!" napatigil ako nang sabihin ito ni Railey.
"Uy, ‘wag ka ngang mambully, marinig ka nila. Marinig ka ni Padre, sige ka." Sabat ni kuya Rjay. Para silang magkapatid na nag-aaway sa harap ko.
"Biro lang naman kuya." Sagot ni Railey the timekeeper-s***h-the-bully.
"Basta ‘wag mo na uulitin, loko ka! " sabi nito kay Railey saka bumaling sa akin." Pero bakit ka nga ba pumasok dito? Curious din ako. Haha." Dagdag pa nito. Tsk. Sa akin na naman na-divert ang usapan. Sige na nga. Magkwekwento na ako. Bahagyang tumahimik ang paligid.
"Gusto ko kasing mabuhay sa tunay na kayamanan." Panimula ko sa kanila.
"Woah! Ang lalim ha! Pakihukay!" Sabat ni Railey sa usapan.
"Ano ba ang tunay na kayamanan para sa'yo?" Tanong ni kuya Rjay. I sighed. I smiled.
"Pagmamahal sa paligid at pagmamahal ng Diyos." I answered.
"Woah, ikaw na! Pero paano ‘yong hacienda mo? Papa mo? Mama mo? Suportado ka ba nila?" Napatingin ako kay Railey sa sinabing niyang ito.
Hindi sana ako sasagot kaso parang gusto kong mag-share ng nararamdaman ko.
"Hindi ko naman hacienda ‘yun. Sa kanila ‘yun hindi akin. Isa pa, tinakwil na nila ako, eh." sabi ko. napatahimik sila. Mayamaya pa ay biglang tumingin sa akin si Railey. ‘yong tingin niyang iyon, ewan ko kung dismayado o naawa sa akin.
"Ha? Bakit?" Tanong nito. Bumuntong hininga ako saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Hindi kasi ito ‘yong buhay na gusto nila para sa akin. They want me to manage the Hacienda Dela Vega alone but I refused. Masyado akong bata, atsaka may sarili akong pangarap. I mean, may Pangarap ay Diyos para sa akin."
"Sayang bro. Pwede ako na lang? Pa-ampon ako sa magulang mo please.” Sabi nito. Napangisi ako. “Biro lang, so, sino ngayon ang magpapaaral sa'yo?" Tanong pa ni Railey.
"Ewan ko. Pag-uusapan pa namin ni Fr. Adriano lahat ng yan." Sagot ko. Oo, nabanggit ko na rin ito kay padre n’ung interview at sabi niya, maghahanap siya ng benefactor ko sa parokya. Hopefully, may mahanap siya.
"So, wala kang dalang pera kahit kusing?" Tanong ni kuya Rjay."
“M..meron naman, mga naipon ko. Pero sapat na para sa 1 sem ko dito. Sana lang talaga ay may mahanap si Fr. na benefactor ko sa 2nd sem." Sagot ko.
"Grabe! Bilib ako sa'yo." Sabi ni kuya Rjay. Ngumiti lang ako.
"Ako rin. Alam mo kuya Rjay, Mukhang may dalawang running for valedictorian ay este sainthood dito sa atin ha? balak pa yatang agawan ni Markus si Saint Kurt ng trono sa pagiging buhay na santo hahahahaha!" Sabat pa ni Railey dahilan para batukan siya ni kuya Rj na may bula pa ng dishwashing liquid ‘yong kamay niya.
"Bully ka talaga!" Sabi ni kuya Rjay.
"Array! Loko ka kuya! Nabasa ‘yong buhok ko alam mo bang naka-wax ako?" Narinig kong sigaw ni Railey saka siya kumuha ng isang dakot ng bula sa lababo kung saan kami naghuhugas saka niya ipinahid sa damit ni kuya Rjay. Nagtatakbo ito pagkatapos. Dahil dun naghabulan sila na para bang mga batang nagkakatuwaan.
Ngayong nakikita ko sila na masaya, naiisip kong tama ang desisyon ko. Masasabi kong hindi ako nagkamali sa pagpasok dito sa seminaryo.
Ganito. Ganito ang buhay na gusto ko—simple.
Simple pero masaya. Payak pero sapat. Ito ang tunay na kayamanan. Ito ang kayamanan na hindi basta-basta mananakaw ninuman.