KABANATA VI

1013 Words
VI: NO, I'M NOT The silent observer's pov Nasubukan mo na bang mabingi sa katahimikan? Not the literal meaning of it, but beyond it. ‘yung tipong, feeling mo, mas mabuti kung tumahimik ka na lang kesa sa mahusgahan ka sa mga sinasabi mo. Ewan ko, natatakot akong mahusgahan ng mundo. Pero kahit anong gawin ko, o kahit na minsa’y wala akong ginagawa ay patuloy pa rin nila akong nahuhusgahan.  Bata pa lang ako, natutukso na ako bilang wirdo, o "batang takot sa mundo" sa eskwelahan namin. Hindi kasi ako nakikihalubilo sa iba, palagi rin akong mag-isa, at madalas tahimik lang ako sa sulok, nakaupo habang inoobserbahan ang galaw ng paligid. Sinubukan ko namang makipagkaibigan, eh, sadyang natatakot lang talaga ako. Marahil, epekto ito ng karanasan ko noong bata. Palibhasa'y hindi ako naiintindihan ng mga tao sa paligid ko dahil wala naman sila sa katayuan ko. Ewan, dala siguro ito ng mga karanasan ko sa nakaraan. Produkto ako ng isang broken family. Lima kaming magkakapatid. At ako ang middle child. Bata pa lang ako, hinahangaan ko na si papa. Maliban kasi sa masipag siya ay mapagmahal din siya sa amin. Sabi ko dati, gusto kong maging katulad niya paglaki ko. Gusto kong maging responsible tulad niya. Pero nagbago si papa nung High school. Nangyari ‘yun nang iwan niya kami nang malaman kong scond family lang pala kami. Hindi natapos don ang lahat. Sumunod na umalis si kuya para mag-abroad nang sa gayon ay mapag-aral niya kami. Tingin ko nun, pareho lang sila ni papa na iniwan ako. Tingin ko nun, hindi sila masaya sa mga ginagawa ko. Hindi pa natapos dun ang lahat, umalis rin si mama para makapaghanap ng trabaho na siyang bubuhay sa amin. Ewan ko pero simula nun, nagkaroon ako ng separation anxiety. Takot akong magkaroon ng mga bagong kaibigan kasi tingin ko, iiwan rin nila ako gaya ng ginawa ng tatlong maahalagang tao sa buhay ko. Kung may isa man sa buhay ko na hindi umalis, ‘yun si Lord. Sa mga pagkakataon na ‘yun, mas napalapit ako sa Kanya. Mas napalapit ako, hindi man sa mga tao sa paligid ko, pero sa simbahan. Ako si Mario Carlos and I consider myself as an Introvert. We, Introverts, are the people who tend to shrink from social contacts. We don’t talk too much. And sometimes, we dont talk at all. We also enjoy moments of solitude and self-reflection. And we usually observe people and environment. Selective kami sa mga taong nakakasalamuha namin. May mga standards kasi kami na hindi pwedeng baliin ng kung sino man. Ito rin ‘yung rason kung bakit palagi akong pre-occupied at hindi malapitan sa classroom namin simula grade 1 hanggang High School. But it doesn’t mean na isa akong arogante—no, I'm not. Sadyang marami lang talaga akong iniisip kaya hindi ako madalas na nakakausap. And it doesn’t also mean that I have a mental disorder; It doesnt mean that I am a psycho, baliw, or crazy—no, I’m not. I'm really not. Because introvertion is not a disorder; It's not an illness that needs a serious medication. Ang kailangan namin ay pagiintindi. These are the usual misconceptions of people regarding introvertion. Kung kikilalanin niyo lang kami, masasabi niyong, ahh oo nga, hindi pala. ‘Yan ay kung balak niyo nga talaga kaming kilalanin. Pero hindi ata ‘yan mangyayari, dahil 'di ba nga, baliw ang katulad namin para sa inyo? Sino nga ba ang taong kakausap sa 'boring' 'baliw' 'weird' na katulad ko? Sarili ko ngang pamilya, iniwan ako, ibang tao pa kaya? As if namang meron. Oo. Meron. Meron pala. Nagbago ang pananaw ko for almost 16 years of existence nang makilala ko ang balik loob ng seminaryo na si Kuya Rico. Sa labing dalawang kasama ko sa loob ng seminaryo, siya lang ang naglakas loob na pansinin ako. Kaya ngayon, habang nagkakasiyahan sa labas ‘yong mga kasama namin, andito kami ngayon sa library ni kuya Rico, my new found friend, nag-kwekwentuhan habang nagbabasa ng mga libro. Kumbaga, siya ‘yong Book buddy ko. Hindi ko inaasahan na makakahanap pala ako ng katulad ko dito sa seminaryo. Habang nakatingin ako kay kuya Rico ay napansin ko ‘yong isang picture frame. Parang naglalaman iyong ng isang lumang class picture. Lumapit ako doon para kumpirmahin ‘yong bagay na iyon, at tama nga ako, isa nga iyong class picture. Inisa-isa ko ‘yong mukha ng mga seminarista sa litrato at laking gulat ko nang makita ko si kuya Rjay at kuya Rico. So, naging ka-batch pala ni kuya Rico si Kuya Rjay? "Kuya Rico, ikaw ba ito?" tanong ko habang tinititigan ko ‘yong litrato niya kasama ang mga ka-batch niya lalo na si kuya Rjay. "Oo, ako nga ‘yan. " Sabi niya saka ngumiti sa akin. Muli kong tinitigan ‘yong litrato. Batch 2015 ang nakalagay sa pinakagilid. Ibig sabihin, tatlong taon na ang nakakalipas simula n’ung kinuhanan ‘yong picture na yun. "Bakit po pala nahuli kayo? si kuya Rjay, third year na siya ngayon, kayo 2nd year pa lang?" tanong ko kaso hindi ito sumagot sa tanong ko, "l..lumabas po kayo dati?" Nagbabakasakaling tanong ko sa kanya habang hawak ko ‘yong nakita kong class picture na nakasabit sa dingding ng library kanina. 13 din ‘yong tao sa picture na 'yun kapareho ng bilang namin ngayon. Nang makita ni kuya Rico ‘yong litrato ay ngumiti ito sa akin saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Hindi ako lumabas.. Pinalabas ako." Sabi nito. Tinitigan ko siya. Halata ang lungkot sa boses at reaksyon ng mukha niya. Para bang nabalik ‘yong ala-ala niya tatlong taon na ang nakakalipas. "B..bakit kuya?" Nagbabaka-sakali ko uling ng tanong. Baka kasi hindi niya sagutin. Malay ko ba kung baka ayaw niyang ibahagi ‘yong dahilan. Nagmukha naman akong pakeelamero ng buhay kung ganun. "Mahabang kwento. Saka ko na lang ilalahad sa'yo." Sabi niya saka niya iniabot ‘yong litrato pabalik sa akin. bumuntong hininga ako. Marahil ay hindi pa siya handang magbahagi. "Okay po, hihintayin ko ang araw na ‘yan kuya." Sabi ko kaya nag-biglang tingin ito sa akin. "O, sige. Hintayin natin pareho ang tamang araw na iyan. " sabi nito saka nagpakawala ng isang matamis na ngiti sa akin. Isang ngiti na hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD