V: LIFE'S JOKE:
The corny joker's pov
Life is a big joke. Ito lang ang nag-iisang biro sa mundo na hindi nakakatawa. Corny, kumbaga.
Imagine, people spend their efforts doing work in order for them to survive, but inevitably, they still die. At ang nakakatawang part pa ay may mga taong namamatay sa sobrang pagod sa sobrang pagtra-trabaho. Ganyan ka-corny ang buhay.
Minsan nga ay hindi na rin ako natatawa. Kaya madalas, gumagawa na lang ako ng dahilan para matawa. Sabi nga nila, if you can't afford to have one, try to make one. At iyan ang ginagawa ko sa pagkakataong ito. At isa sa paraan ko ng paggawa ko ng katatawanan ay ‘yong pagiging komediyante ko.
By the way, I am Christian Alquizar and I am a joker by heart and a seminarian by vocation.
Bata pa lang, ako na ang nagsisilbing clown sa bahay namin. Maging sa eskwelahan na pinasukan ko ay ako ang sandalan lalo ng mga klasmeyt kong parang pinagbagsakan ng problema ang mga buhay. Parang bokasyon ko na nga yata ang pagpapatawa sa ibang tao, eh. Iba kasi ‘yong fulfillment kapag napapasaya ko ‘yong mga tao sa paligid ko.
Pero hindi lang pagpapatawa ang bokasyon na tinugunan ko, kundi pati bokasyon sa pagpapari. Katunayan ay sinubukan kong pumasok sa seminaryo at nakakatuwa lang na sa aming dalawampung nagbakasakali, nakasama ako sa labing dalawang nakapasa. Sabi ko nun sa sarili ko, hindi na joke 'to. Seryoso Si Lord, for sure.
Pero kung may isa pang dahilan kung bakit ako pumasok sa lugar na ito, ‘yun ay dahil sa gusto kong masagot ‘yong mga katanungan na matagal ng umiikot sa utak ko. Gusto kong malaman kung paano namumuhay ang seminarista sa loob ng seminaryo. Gusto kong malaman kung masaya ba sila. Gusto kong malaman kung boring ba sa loob. Feeling ko kasi ang lungkot-lungkot nila kasi puro dasal lang sila ng dasal at aral lang sila ng aral.
Pero sa halos tatlong araw na pamamalagi ko rito sa loob ay narealized kong masaya naman pala dito. Hindi kagaya ng iniisip ko dati. Sadyang iba lang talaga ang depinisyon ng tunay na kasiyahan. Alam niyo ba ‘yong raw happiness? ‘yong walang inhibition na kasiyahan? Ganun ang kasiyahan sa seminaryo.
Kagaya ngayon. Narito kami sa hardin ng seminaryo at nagkwekwentawanan, Kwentuhan at tawanan, ng tungkol sa mga buhay-buhay namin noong nasa labas pa kami. Nagpapasalamat ako sa mga pagkakataong ito dahil hindi lang kami nagtatawanan, bagkus ay nakikilala pa namin ang bawat isa.
“Ewan ko kung okay lang sa kanya na pumasok ako dito pero sa tingin ko hindi.” Emosyonal na sambit ni Paulo nang i-kwento niya yung tungkol sa girlfriend niyang iniwan niya sa pagpasok sa seminary.
“China oil may girlfriend.” Sambit ni Railey dahilan para magtawanan ang lahat.
“Hindi talaga okay ‘yun. Syempre, malulungkot talaga siya dahil iniwan mo siya. Sino bang tao ang natuwa no’ng naiwanan? Meron ba? Kung meron dalhin niyo dito sa harap ko nang makutusan ko!” sagot ko. Saka sila nagtawanan.
"Mukhang nagkakasiyahan na kayo, ha?" Panimula ng isang pamilyar na boses. Nagsitayuan kami saka yumuko bilang paggalang nang makita namin na si Padre pala yung pinanggalingan ng boses.
"Opo, nakakatawa po kasi mag joke itong si Christian, eh. Hanep! Puro corny po kasi ng jokes niya. Tapos po, mukha pa lang niya, joke na kaya mas bentang-benta." sagot ni Railey na nasa pinaka unahan namin saka nagtawanan ang lahat. Binigyan ko naman si Railey ng isang ang-sama-sama-mo-look. Kaso hindi ata niya nagets dahil slow siya.
"Oh teka, ba't parang kulang ata kayo? Asan si Rico at si Mario?" Tanong pa ni padre. Nagkatinginan kaming lahat. Parang walang gustong sumagot sa tanong ni Father. Tumahimik pa saglit bago may nagsalita sa amin.
"Ah, pads, nakita ko po sila kanina sa study room, nagbabasa sila pareho." Sabat naman ni bro Anthony, ang kaninang nagkwento sa amin na habulin daw ng manok ay este chiks.
"Tinawag mo sana sila, kawawa naman ‘yong dalawang yun." Sagot naman ni kuya Rjay sa sinabi ni bro Anthony dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hindi ba't siya kanina ang nagsabi na wag na naming tatawagin ‘yong si kuya Rico? Ang gulo din ni general beadle, ha?
"Hayaan niyo muna sila. Malay niyo gusto nilang mapag-isa. It takes courage to loosen up." Narinig kong kumento ni padre. Napatango na lang tuloy kaming lahat sa sinabi niya. Pagkatapos nun ay nagpaalam na si padre sa amin dahilan para ituloy namin ang naudlot na katuwaan.
Sa totoo lang kahit nagpatuloy na ang kasiyahan na naudlot kanina ay hindi pa rin nawala sa isip ko ‘yong sinabi ni kuya Rjay kanina na dapat raw tinawag ni bro anthony si kuya Rico at bro Mario.
Nakakapagtaka lang talaga gayong siya pa nga ‘yong nagpigil sa amin na isama si kuya Rico sa kasiyahan. Nakakapagtaka lang dahil parang may gap silang dalawa sa isa't isa. Haays! Katunayan, kahapon ko pa napapansin ito, eh, simula n’ung kaharap ko si kuya Rico at kuya Rj sa hapag n’ung tanghalian hanggang hapunan. Simula kahapon at noong unang araw ng pasukan dito sa seminaryo ay hindi ko pa sila nakitang nagpapansinan. Hindi naman normal yun 'di ba? Lalo na't napag-alaman ko, ayon sa kwento ni padre na magka-batch lang pala si kuya Rico at kuya Rjay dati.
Hmm. Magka-away siguro sila? Hmm. I smell something fishy! Tsk! Ba’t ko pa ba sila prinoproblema? Sumeseryoso tuloy tong joke na buhay ko. Tss. Makatawa na nga.