IV: LIFE’s DRAMA
The Chick-magnet's pov
Nagsimula na ang buhay ko dito sa seminaryo. Sa wakas ay isa na akong ganap na seminarista. Parang kailan lang, nangangarap ako na makapasok dito. Hindi madali ang buhay pero parte ito ng pinili kong tahakin. Maaring mahirap gumising nang maaga, pero dito mo mas mapapahalagahan ‘yung mga bagay na hindi mo dati nakikitaan ng halaga. Gaya na lamang ng pagdarasal. Dito kasi, structured ang oras. May oras para sa lahat. Isang disiplina na kailangan naming sundin. Nakakapanibago man sa mga nakasanayan ko pero mas pipiliin ko ang buhay na ito kaysa sa buhay ko sa labas.
Kagwapuhan. Kagandahan. Kaakit-akit na hitsura. Panlabas na kaanyuang hindi nakakasawa.
Gaano ba ka-importante sa ibang tao ang mga bagay na ito? Kaya ba nitong tustusan ang pang-araw-araw na financial na pangangailangan ang taong mayroon nito? —Oo, kung pipiliin niyang modelo o artista, pwede niyang gamitin ang kagandahan o kagwapuhan niya para kumita. Pero kaya rin ba nitong bigyan nang maraming kaibigan ang taong mayroon nito? —oo. Maraming tao ang palaging tumitingin sa magandang panlabas ng isang tao. Kung maayos ang hitsura mo, tiyak marami kang magiging kaibigan. But the real question is, does face really matter?
‘Yan ba ang dahilan kung bakit gusto ng lahat maging maganda o maging gwapo? Dahil ba sa royalties na pwede nilang makuha?
Yes, they can have a lot of money and a lot of friends kung gwapo o maganda sila but the problem is, hindi sila magkakaroon ng magandang relasyon sa Diyos nang dahil lang sa panlabas na kaanyuhan nila. Dahil hindi kayang palaguhin ng kagandahan at kagwapuhan ang buhay-ispiritual ng isang tao. Oo, ‘yan ang totoo.
Nakakalungkot lang dahil hindi alam ng lahat ang bagay na 'yan. Nagfofocus kasi sila sa makamundong bagay kung saan nakakaligtaan nilang maging maka-Diyos kahit minsan lang..
That's the very reason kung bakit mas pinili kong pumasok sa seminaryo kaysa magkaroon ng maraming pera at mga kaibigan na ang tanging gusto sa akin ay ang panlabas na anyo ko lamang.
Ako si Anthony Olivar at kilala ako sa pagiging gwapo o hearthrob sa eskwelahang dating pinapasukan ko. Nakakahiya at nakakainis na sa hitsura pa talaga ako nakilala. Nakakahiya dahil sa dinami-rami ng pwedeng makilala sa akin, ito pa ang nakita nila. At nakakainis dahil hindi naman dapat ako pinagkakaguluhan, eh, dahil pare-pareho lang kaming tao. Sa totoo lang, ayoko talaga ng atensyon.
Kung pwede nga lang sanang magtago ay ginawa ko na dati pa. Pero hindi ko alam kung paano gawin iyon.
Lahat kasi ng mata ay nasa akin. Lahat ng atensyon ay nasa akin. Hindi ko tuloy magawa kung ano’ng gusto ko. Hindi tuloy ako makagalaw nang maayos sa mundong ninanais ko.
Madalas, lahat ng ginagawa ko ay alam agad ng lahat ng mga tao na nagaabang sa mga kilos ko. Lahat ng desisyon ko, nakakalap agad nila. Kaya nga ang bilis kumalat ng balitang papasok na raw ako sa seminaryo sa kolehiyo, eh.
Nakakainis lang dahil pati bokasyon na gusto kong tahakin ay gusto nilang pakealaman. Kesyo mas bagay ko raw ang mag-artista o magmodelo; kesyo hindi raw ako nababagay sa seminary. ‘Yun bang halos lahat ng tao ay gusto nila akong pigilan sa pagpasok ko sa seminaryo dahil raw sayang ako. Sayang raw ‘yong hitsura ko kapag pumasok ako sa seminaryo. At panghuli, sayang raw ang lahi ko.
Sabi ko naman, ano’ng sayang sa hitsura ko kung ang paglago naman ng buhay spiritual ko at pagsisilbi naman sa Diyos ang magiging kapalit nito? ano’ng sayang kung iaalay ko naman sa Diyos ang buhay ko? Sana’y mapagtanto nila na hindi pagsasayang ng lahi ang pagtugon sa tawag ng Panginoon.
Palagi nating tatandaan na hindi importante ang mukha. Dahil ang kagandahan ng mukha ay pwedeng mawala sa pagtanda, pero ang kabutihan ng puso, hindi basta-basta naglalaho. Ang tunay na mahalaga ay ang kalinisan ng ating mga puso at ang koneksyon natin sa Maykapal—Ito dapat ang pinupundar natin sa mundo, hindi kayamanan ng mundong kinagagalawan natin. Hindi kagandahan ng mukha na maari pa rin namang mawala.
Kaya nga bokasyon ang gusto kong palaguin, eh. Dahil maidadala ko ang kabutihan ng loob hanggang pagtanda ko. at maari dng maalala ng mga tao ang kagandahang loob ko kahit wala na ako.
Tinawag ako ng Diyos kaya dapat lang na tumugon ako. In spite of who I am and what I am to other people.
I sighed deeply. Enough with the drama.
Wala na ako sa labas kaya dapat lang na hindi ko na isipin ‘yong mga bagay na iyon. Nasa loob na ako ngayon ng seminaryo, at masasabi kong ito ang buhay na hinahanap ko. Tahimik pero masaya. Tama lang talaga na pumasok ako rito. Tama ang desisyon kong sumunod Kay Kristo.
Dito ko lang kasi nasubukan ang tunay na kapahingaan kung saan hindi ko kailangang magtago sa lahat. Dito, walang magpapicture na mga nagkakacrush sa akin. At dito, wala ring masyadong ibibigay na atensyon ang mga tao sa paligid ko. —Pero 'yan ang inakala ko. Akala ko okay na. Akala ko, wala na. Pero babalik pala ako sa dati. Babalik pala ako sa dati na pinagkakaguluhan. Babalik pala ako sa dati na pinag-uusapan.
Nangyari 'yan sa araw na hindi inaasahan ng lahat. Ang katulad ko na ayaw ng atensyon ay biglang pinagkaguluhan ng kapwa ko mga seminarista. This time, hindi dahil sa kawapuhan ko, kundi sa kasalan raw na ginawa ko. Nakakainis lang dahil sinisisi nila ako sa isang bagay na hindi ko ginawa at kailanman ay hindi ko kayang gawin—ang pumatay.