KABANATA XIII

1720 Words
XIII| THE DEMON'S JOURNEY The time-keeper's pov Ngayon ang Ika-limang araw namin dito sa seminaryo. Limang araw pa lamang ako dito pero andami ko ng realization sa buhay. Nakatulong talaga ‘yong pagiging time-keeper ko para mapagtanto kong tama si mama sa mga pangaral niya sa akin dati tungkol sa oras. Sabi kasi niya sa akin, mahalaga raw ang oras para sa mga tao, ito raw kasi ‘yong nagsisilbing istruktura natin sa araw-araw. Kailangan raw natin itong pahalagaan dahil maikli lang ang oras na binigay sa atin ng Diyos. Kapag tuloy naaalala ko si mama, parang gusto kong umuwi para yakapin siya nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Teka, na-hohomesick na ba ako? Kahit naman siguro hindi kami okay ni mama ay normal lang na mamiss ko siya. Ang resposibilidad na binigay sa akin ni Father bilang time keeper ay mahalaga. Sa akin kasi nakasalalay ang oras namin dito sa seminaryo. Ako ang nakahawak sa pagsisimula ng araw. Mula sa oras ng paggising sa umaga, ang oras para sa pagkain, at higit sa lahat, kagaya ng sinabi ni padre noon, ang oras para sa pagdarasal. Kaya naman kailangan kong maging aware sa oras. At kailangan ko ring gumising nang mas maaga kaysa sa mga kasama ko dahil ako ang magpapatunog ng bell tuwing 5:00 am. Dahil once na nahuli ako ng gising, makokompromiso lahat ng dapat naming gawin sa buong araw. Mahirap gumising bago mag-5:00 am ang katulad kong nasanay sa mahabang tulog sa bahay, kaya naman nagpapatulong ako kay Christian na kapag nagising siya ng mas maaga ay kakatukin niya agad ako. Magkatabi lang kasi kami ng kwarto kaya siya na ang sinabihan ko. This time, hindi na niya ako kailangang gisingin pa dahil kanina pa ako gising. Hindi kasi ako masyadong nakatulog dahil sa karumal-dumal na nangyari kahapon. Tok tok tok! Napaigtad ako ng higa nang may kumatok sa kwarto ko, tumingin agad ako sa orasan sa dingding ng kwarto ko, teka? 4:10 am pa lang naman ah? Ba't ang aga naman ata akong gisingin ngayon ni Christian? Pagkabukas ko ng pinto ay hindi si Christian ang bumungad sa akin. Bigla akong napaatras sa kinalalagyan ko ng makita kong si Paulo ang taong iyon. Speaking of the devil. Sa totoo lang, natatakot na ako sa kanya simula noong kumalat ‘yong balita tungkol sa nakakakilabot na pagpatay niya sa tupa kahapon. Sa kwarto kasi niya nakita ang mga dugo ng nasabing tupa. Hindi nga namin alam kung ano ang ginawa niya sa dugo, eh, pero isa lang ang alam ko. Iyon ay sobrang nakakakilabot! Pasalamat siya dahil kami-kaming mga seminarista pa lang ang nakakaalam ng lahat. Gabi na kasi nakarating si Fr. Adriano kahapon kaya ipinagpaliban na lang namin ang pagsusumbong sa kanya. "Pati ba ikaw naniniwala na kaya kong gawin ‘yong binibintang nila?" Panimula niya. Hindi ako sumagot. Inoobserbahan ko lang ang mga galaw niya. Natatakot ako dahil baka humugot siya ng patalim sa bulsa. Ayoko pang mamatay. Ayokong maubos agad ang oras na binigay ng Diyos sa akin. Hindi pa ako handa. Wait, napaparanoid na ako. "Hindi kita masisisi kung pati ikaw naniniwala sa sinasabi nila." Sambit nito saka ngumiti sa akin. ‘yong ngiti niyang iyon, hindi ‘yun normal na ngiti ng isang normal na tao. Sa tingin ko’y ngiti yun ng isang demonyo. Buti’y nagagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng mga nagawa niya. "H..Hindi nga ba ikaw? T..Teka, ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko? Isusunod mo rin ba ako sa tupa na pinatay mo?" Nauutal kong tanong. Humakbang siya palapit sa akin. Umatras naman ako palayo sa kanya. "Easy ka, bro. Magpapaalam lang ako, dahil aalis na ako mamaya." Sabi pa nito na para bang wala lang sa kanya ang nangyari. "Anong pakealam ko kung aalis ka? Yun naman ang dapat, 'di ba? hindi nararapat ang isang tulad mo dito. Hindi bagay ang demonyo sa seminaryo.” Sagot ko. Nakakalungkot lang isipin na sa kaunting araw na nakilala ko si Paulo, dito lang pala matatapos ang lahat. "Aalis ako hindi dahil sa guilty ako sa kasalanang binibintang niyo sa akin, aalis ako dahil gusto kong iligtas ang sarili ko. At naparito ako para sana masabihan ko na kahit isa lang sa inyo na hindi na kayo ligtas dito. Nakakalungkot lang na pati pala ikaw na akala kong pinagkakatiwalaan ko ay hindi rin ako papaniwalaan." Sabi nito na nagpakunot sa noo ko. "A..anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. "Bro, may demonyo dito sa seminaryo. Katunayan, nakatanggap ako ng sulat galing sa kanya, at pinagbabantaan niya ang buhay ko.." Paglalahad niya. Ano’ng sinasabi niya? Nababaliw na ba siya? Atsaka anong sulat. "Sinong tanga ang maniniwala sayo? Hindi ako hangal, ikaw ang demonyo dito." Sagot ko. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, pero sinisigurado ko sa’yo na darating ang araw ay masasabi mong tama lahat ng sinasabi ko.” "Teka, ano’ng kaguluhan ito?" Napatigil kami ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Si kuya Rjay. Mukhang nagising ata sya sa lakas ng sumbatan namin ng demonyong si Paulo. Mayamaya pa ay nagising na rin ‘yong ibang seminarista na nabulabog sa usapan namin ni Paulo. Buti na lang at malayo-layo ang kwarto ni Padre sa amin. "Wag kayong mag-alala, hindi ko siya papatayin. Nagpapaalam lang ako kay Railey." Narinig kong sagot ni Paulo saka tahimik na lumabas ng kwarto ko. Nang makalayo na siya ay nilapitan nila ako. Tinanong nila kung may ginawa ba siya akin na masama, o kung ano man. "Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ni kuya Rjay sa akin na pupungas pungas pa ng mata. "W..wala. Nagpaalam lang talaga siya." Pagsisinungaling ko. "Mabuti kung ganun. Hayaan niyo, pag 'di pa umalis ‘yang demonyong yan, isusumbong ko na talaga kay padre ‘yong ginawa niya." Sabat ni kuya Rjay. "Ibig sabihin, hihintayin pa natin siyang umalis bago natin siya isusumbong kay padre? Paano kung may gawin uli siya?" Tanong ni koko. "Hindi na ‘yun mangyayari. Dahil aalis rin siya. Wala nang manggugulo sa atin dito sa seminaryo." Sagot ni kuya Rjay na akmang palabas na rin ng kwarto ko. “Eh, paano kung mapansin ni Fr. Paul na may isang nawawalang tupa?” “Ako bahala. Hindi niya malalaman ‘yung tungkol dito.” Sagot pa ni kuya Rjay. "Sana nga." Sagot ko. Napatingin pa silang lahat sa akin bago tuluyang umalis sa kwarto ko. 5:30 am Kakatapos lang ng dawn prayer namin o mas kilala bilang lauds sa mini Chapel ng seminaryo kaya eto kanya-kanya kami ng lakad papuntang refectory para sa agahan. Nang marating ko ang refectory ay nadatnan kong kinakausap ni Fr. Adriano si Paulo. Marahil ay nagpapaalam na ito na aalis na siya. Mabuti nga kung ganon para mawala na ang demonyo dito sa sa loob. Nang makaupo na ang lahat ay nagbatingting ng baso si Father. Hudyat iyon na dapat na kaming tumayo para simulan ang panalangin bago kumain. Nang matapos iyon ay kanya kanya kami ng upo. Mayamaya pa ng matapos na ang lahat ay pinatunog uli ni Father ‘yong baso niya gamit ang kutsara. "I just want to inform you that this is the last breakfast of Paulo Cruz here in the seminary. Lalabas na siya ng seminaryo mamaya." Panimula ni Father. Tumahimik ang lahat. Walang umimik. Ang awkward lang na wala kaming pakeelam sa pag-alis ni Paulo. "Hindi ba kayo nagulat?" Tanong ni Fr. Paul na tila taking-taka. Wala pa ring nagsasalita. Walang gustong mag-react. "Ah, siguro nasabi na ni Paulo nang mas maaga sa inyo? Tama? Yun nga siguro. Ako na lang pala ang hindi pa nakakaalam." Sabi pa ni Father saka ngumisi. Napabuntong hininga ako. Kung alam lang talaga ni Father ‘yong dahilan ng paglabas ng demonyong iyon ay baka siya pa ang magpalabas sa kanya. Teka, asan na ba ‘yong demonyong iyon? Inikot ko ‘yong mata ko sa buong refectory. Andun pala siya sa table ng mga alien. Katabi niya ang alien na si kuya Rico, Markus at Mario. Alien ang tawag ko sa tatlong iyon kasi hindi sila masyadong nagsasalita. Hindi rin sila masyadong nakikisali sa amin kapag may mga activities kami. May sarili silang mundo. In short, para silang mga Alien na nasa ibang planeta. "By the way, Rjay gave me a letter while ago, it's a letter from the Diocese. The Diocese has organized a two-and-a-half-day clergy meeting, So, I want you to know that I will be out starting today until Sunday. And Isasama ko rin si Rjay." "Po? Tatlong araw po? So, wala po kayo bukas? P..paano po iyon? ‘Di ba po, bukas na ang tertulia?" Tanong ni Koko na siyang entertainment beadle ng grupo. "Halla oo nga pala, bukas na pala iyon wala pa kaming napa-practice sa performance namin." Sabat naman ni Christian saka ito tumawa. "Don't worry, andito naman si Rico na magbabantay sa inyo." Sabi ni Father. "Ha? H..hindi po ba pwedeng si kuya Rjay na lang ang magbantay sa amin?" Sabat naman ni Kurt. "Ang kulit ng lahi nito, isasama nga raw ni padre si kuya Rjay sa Clergy meeting. Ito naman hindi nakikinig." Kantyaw ni Christian kay Kurt dahilan para manahimik na lang ito sa tabi. "Kung ganon po, Father, baka naman pwedeng imove na lang natin ‘yong tertulia? Sa sunday na lang po pagdating niyo?" Suhestion ni Koko. Nagkaroon naman ng ingay ang buong grupo, may sumasang-ayon sa sinabi ni Koko meron din namang hindi. Kung ako tatanungin, okay na rin naman bukas. Ganun pa rin naman kasi ang kakalabasan ng performance namin eh, panget pa rin kung sakali. Haha! "Wag na brothers, bukas na lang dahil for sure busy tayo sa Sunday para sa regular class sa Lunes." Sabat naman ni kuya Rjay. "Kunsabagay kuya, okay po. Tuloy na lang namin bukas kahit kami-kami lang." Sagot naman ni Koko. "Okay, Ito pa. Turn-over your cellphones to Rjay pagkatapos niyong kumain." Sabi ni Father. Dahilan para umalma ‘yong mga kasama ko. "Pads, akala po namin sa Sunday pa ang pagkuha niyo ng cellphones?" Tanong ni Anthony. Ako rin, ‘yun ang akala ko. ‘Yun ang sinabi niya noong unang araw namin dito sa seminaryo. "Well, It's up to you kung susundin niyo ako o lalabas kayo." Sagot naman ni padre. "Okay po, itu-turn-over na lang po namin mamaya." Sabi naman ni Anthony na parang takot na takot ang boses dahilan para magtawanan ang lahat. Tinapos namin ang agahan sa isang dasal. Pagkatapos nun ay itinuloy namin ang buong araw na labing isa na lang kaming natitira sa loob. Umalis na kasi si Fr. At kuya Rjay kanina. At higit sa lahat, umalis na rin ang demoniyo ng seminaryo, walang iba kundi si Paulo. Salamat dahil wala na siya, mapapanatag na ang loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD