Yezenia Hipolito's P.O.V. Natigil ako sa pag iyak at humarap sa kanya. Agad akong napalayo kay Hiance at tumayo. "Hyeighden..." tawag ko rito. Masama ang ipinukol nitong tingin sa akin. Bumalik ulit ang tingin niya sa kanyang kapatid. "What are you doing, Hiance?" dumadagundong na tanong niya. Napalunok ako dahil sa tono niyang ginamit. Ngayon ko lang iyon narinig at inaamin ko na medyo natakot ako. Ngumisi si Hiance sa kanya. "What? I am just comforting her," sagot nito. Bumaling ulit sa akin si Hyeighden. Napatigil siya ng kaunti. Marahil ay ngayon lang niya napansin na puno ng luha ang aking mukha at medyo namumula ang mga mata ko. Napapikit siya ng mariin. Pagkabukas ng mga mata niya ay binigyan niya ng malalim na tingin ang kanyang kapatid. It is somewhat like have a meaning.

