Chapter 71

1744 Words

NAPAHAPLOS si Mirabella sa kaniyang braso nang makaramdam siya ng pananayo ng balahibo nang makalabas siya ng kanilang silid. Nahihimbing na sa pagtulog ang kaniyang ina. Hindi siya makatulog nang maayos dahil binabagabag siya ng situwasyon ni Francis. Gayong hindi tumalab kahit kaunti ang mahika niya sa mukha nito ay nasisiguro niyang napakalakas na mahika ang ginamit ni Lara sa pagsumpa nito kay Francis. Malalim ang iniisip na humakbang siya patungo sa hagdanan. Kailangan niyang makalanghap ng preskong hangin dahil pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya sa loob ng kanilang silid. Bababa na sana siya sa baitang ng hagdanan nang matigilan si Bella. Pakiramdam niya ay may kakaibang awra sa loob ng mansyon. Nilingon niya ang pintuan ng silid ni Francis at tila may kung anong bumubulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD