NABULABOG ang tahimik na mansyon ng Hacienda Saturnina nang humahangos si Pilo papasok kasama si Maita. Tyempong naroon si Francis sa living kasama si Bella na naglilinis. Naagaw ang pansin ng binata mula sa binabasang diyaryo nang makita ang matanda. Agad na kumunot ang noo nang makitang kasunod nito si Maita. “Pasensya ka na, Francis. Mapilit kasi si Maita. Eh, humihingi ng tulong,” anang matanda. Sinulyapan ni Francis si Bella bago tumayo at hinarap ang dalawa. “Bakit, ano’ng nangyari?” tanong niya. Sinuri niya ang anyo ng dalaga at nakita niyang may black eye ito sa kaliwang mata. May mga kalmot din sa braso nito at leeg. “Wala na akong ibang mahingan ng t-tulong, Francis. Pinalayas ako ni Laida sa bahay,” naiiyak na pagsusumbong nito. Francis glanced at Bella na sa pagkakataon

