“KUMUSTA na si Maita?” tanong ni Francis nang makalabas si Bella sa silid na inuokupa ng kapatid. Nasa labas lamang ng silid ang binata at hinihintay na makalabas si Bella. Napabuntong-hininga si Bella na humarap sa kaniya. “Ayon at nakatulog na. Masyado niyang dinamdam ang pagpapalayas sa kaniya ni Laida. Sabagay, kahit sino namang kapatid ay iyon ang mararamdaman,” wika ni Bella. Pagkatapos kasi nilang maghapunan ay nagyayang uminom ng alak si Maita. Nagpahinuhod naman si Bella upang damayan ang kapatid. Hindi siya tumikim ng alak at hinayaan na lamang na maglabas ng saloobin si Maita. Pinaalalahanan kasi siya ni Francis na hiwag sabayang uminom si Maita dahil baka pareho silang malasing. Alam niyang labis itong nasasaktan sa ginawang p*******t at pagpapalayas dito ni Laida. Hindi lama

