MATAMLAY ang katawan ni Bella pagkagising niya kinaumagahan. Papasikat pa lamang ang araw sa silangan nang bumangon siya. Hindi rin naman siya nakatulog nnag maayos matapos niyang masaksihan ang eksena sa pagitan nina Francis at Lara kanina. Nang makababa sa kusina ay naabutan niyang umiinom na ng gatas si Maita. Noon lamang niya nalamang umaga ito nagising dahil sa kabilang mansyon ay palaging tinatanghali ito ng gising. Alas cinco pa lamang ng umaga at kahit si Kora ay hindi pa bumabangon. “Ang aga mong bumangon, Maita,” aniya na umagaw sa pansin ng kapatid. Tinungo niya ang cupboard at inilabas ang garapon na may lamang gatas. Kumuha siya ng mug at nagtimpla. “Hindi kasi ako nakatulog nang maayos, Bella.” Nilingon ni Bella ang kapatid na nakaupo sa stool at nakatukod ang siko sa

