Chapter 57

1229 Words

NANG gabing iyon ay magkasamang umuwi sa Saturnina Mansion sina Francis, Bella, at Miranda. Pagdating nila roon ay agad silang sinalubong nina Roxanne at Win. Nag-aalalang lumapit si Roxanne kay Bella. “Oh, thank goodness you’re safe, Bella. Hindi ba kayo nasaktang mag-ina?” tanong ni Roxanne na ininspeksyon pa ang mukha at mga braso ni Bella. “Salamat sa pag-aalala, Roxanne. Pero ligtas kami ni ina at hindi nasaktan. Mabuti na lamang at nagising ako bago pa man makarating ang mga tao sa kubo namin para sunugin. Kung hindi’y pareho na kaming abo ni ina ngayon.” “Ano ba ang nangyari? Bakit nila sinunog ang bahay ninyo?” sunod na tanong ni Roxanne habang iginigiya ang dalaga papasok sa loob ng mansyon at maupo sa couch na nasa living room. Akay naman ni Francis ang ina ni Bella patungo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD