1
RENZO’S POV
Ilang beses akong na napalunok habang nakatingin kay Kisha. Nakasuot lang ito ng manipis na puting damit, na umabot hanggang kalahating hita nito. Nababanaag ko ang dibdib nito dahil wala itong suot na bra kaya bakat ang mga tuktok noon. Kahit ang panty nito ay sinag na sinag kaya tumatagos ang tingin ko at kita ko ang magandang hubog ng katawan niya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kinakahabahan ako kundi ang baril na nakatutok sa akin ngayon.
“Kisha, hindi mo naman ako kailangang tutukan,” kinakabahang saad ko.
Kinasa niya iyon kanina at baka bigla niyang makalabit ang gatilyo, sigurado akong sasabog ang utak ko.
“Pakasalan mo ako,” mariing saad nito habang matalim ang tingin sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa kama at tanging kumot lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko. Medyo groggy pa ako dahil kagigising ko pa lang pero parang haharap na agad ako kay kamatayan dahil sa baril na nakatutok sa akin.
“Oo, pakakasalan kita. Kahit saang simabahan mo pa gusto,” mabilis na pagpayag ko. “Gusto mo ngayon pa, kaya ibaba mon a iyang baril mo,” kinakahabang utos ko pa rin sa kaniya.
Bakit ba sa dami ng babaeng magugustuhan ko, iyon pang babaeng ang paboritong laruan ay baril. Kung itong baril ko sana sa pagitan ng mga hita ko ang paglaruan niya, okay lang sa akin. Huwag lang iyong hawak niya ngayon kasi nakakamatay iyon.
Kasalanan ito ni Kenzo. Siya ang dahilan kung bakit naging bodyguard ko si Kisha at nabaliw ako sa babaeng ito kaya nang malasing siya kagabi, hindi ko na napigilan ang sarili ko at may nangyari sa amin. Hindi ko naman siya pinilit, actually siya unang humalik sa akin.
Pero hindi ko naman alam na tutukan niay ako ng baril oras na magising ako. Akala yata niya tatakasan ko siya pagkatapos ng nangyari sa amin.
Hindi naman ako eat and run na tao.
“Kisha, ibaba mo na please. Promise ko na nga pakakasalanan kita.”
Pumayag na ako pero hindi pa rin niya ibinababa ang baril na hawak niya. Nakatutok pa rin iyon sa akin pero napansin ko na namumutla siya. Halata rin na nanghihina siya kaya napakunot ang noo ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang parang matutumba kaya mabilis akong bumangon at sinalo siya bago pa siya matumba ng tuluyan. Wala na akong pakialam sa kahubdan ko.
“Fvck!” mura ko nang maramdaman ko ang init ng balat niya. “Nilalagnat siya.”
Agad ko siyang binuhat.
“Kisha, are you okay? Anong nararamdaman mo?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Ihiniga ko siya ng maayos sa kama. Halatang nanghihina rin siya. Pilit siyang nagmulat.
“Masa…kit.”
“Ang alin?” natatarantang tanong ko. Cheneck ko ang katawan niya para hanapin ang masakit. Nakita ko ang leeg niyang mayga kissmark pa at sigurado akong ako ang may gawa noon
“Saan masakit?” muling tanong ko sa ka iya.
“Ang pvke ko,” diretsang sagot nito at hinila ang kumot para itakip sa katawan niya.
Napalunok ako sa sinabi niya.
Kasalanan ko, masyado akong na-excite kagabi. Hindi ko naman kasi alam na virgin pa pala siya.
“Hindi ba pwedeng gumamit ka ng mas hindi bastos na word?” nakangiwing pakiusap ko sa kaniya.
“Wow, naisip mo pa iyan matapos ng mga pinaggagawa mo sa akin kagabi,” sarcastic na sagot niya. “Pvke, pekpek, kiffy, vigina, iisa rin ibig sabihin noon.”
Siya iyong nilalagnat at nanghihina pero hindi pa rin talaga magpapatalo.
Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Heaven talaga ang—
“Tangina kang bakla ka,” rinig ko pang mura niya kaya nasira ang paged-daydreaming ko.
Mabilis kong sinuot ang boxer shorts ko.
“Masakit na nga iyang sa’yo, bakla pa rin tawag mo sa akin,” saad ko at chineck ang noo niya. Nilalagnat talaga.
Tiningnan niya ako ng masama pero wala siyang magawa dahil nanghihina siya pero sigurado ako kung ayos ang pakiramdam niya ngayon, baka ibinalibag na niya ako.
Bubuhatin ko sana ulit siya para dalahin sa ospital pero pinigilan niya ako.
“Anonv gagawin mo?” nagtatakang tanong niya.
“Kailangan mong dalahin sa ospital.”
Namula siya. “Subukan mo. Ibabaon kita ng buhay,” pagbabanta niya kaya napaatras ako.
Agad kong kinuha ang phone ko. Tinawagan ko si Karen. Dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko. Matigas ang ulo ng babaeng ito, ayaw magpadala sa ospital.
“Good morning,” masayang bati niya mula sa kabilang linya.
“Nilagnat ka ba?”
“Ha?”
“Noong first time ninyo ng kakambal ko, nilagnat ka ba?” mabilis na tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit siya ang tinawagan ko. Pero close kasi kami lalo na at asawa siya ng kakambal ko, kaya baka naranasan din niya kung ano ang nararanasan ngayon ni Kisha.
Narinig ko pa siyang humagikhik mula sa kabilang linya.
“Kenzo, lalaki na ang kakambal mo!” narinig kong malakas na sigaw niya kaya napapikit na lang ako. Mukhang mali ako ng tinawagan.
Lalaki naman talaga ako.
“Hello, Ren, just give her a massage. Use your tongue,” wika ng kakambal ko sa kabilang linya bago namatay ang tawag.
Use my tongue? Seryoso ba siya? Pero hindi naman siguro ako ginagago ni Kenzo.
Mabilis akong lumapit kay Kisha. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa kaniya at hinawakan ang tuhod niya.
Nagtatakang tumingin naman siya sa akin.
“Anong gagawin mo?” salubong ang mga kilay na tanong niya sa akin.
“Mamasahehin natin para mawala ang sakit. I’ll use my tongue,” proud na sagot ko pa. “Re—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malaglag ako sa kama. Sinipa niya ako sa pagitan ng mga hita ko kaya napasigaw ako sa sakit. Nabasag yata ang junior ko. Nakahiga ako ngayon sa sahog habang sapo-sapo ko ang p*********i ko.
“Putangina mo, Renzo. Gamot ang kailangan ko, hindi iyang dila mong gago ka!” asik niya sa akin mabilis akong gululong nang mabilis niyang kunin ang baril niyang inilagay ko sa side table at paputukan ako.
Hindi makapaniwalang napatingin na lang ako sa sahig kung saan bumaon ang bala. Nalalaki ang mga mata na tumingin ako kay Kisha. Namumula siya sa galit.
Lintik na, Kenzo iyan. Matapos ko siyang tulungan sa mga katarantaduhan niya, ipapahamak lang pala niya ako. Muntik na akong masundo ni San Pedro kung hindi ako nakaiwas.
Paika-ika akong humakbang papunta sa cabinet kung nasaan ang mga stock ko ng gamot para maghanap ng paracetamol dahil ayaw naman niyang dila ko ang gumamot sa kaniya.