Chapter 24

1641 Words

Araw ng off ko, nag-message si Shenny na nasa Manila raw siya at gustong makipagkita sa amin. Na-excite naman ako kaya ipinaalam ko sa iba pang girls ang tungkol doon. Agad namang nagsi-oo ang mga ito, kaya naman magkikita kami sa Trinoma for dinner. Nasasabik kaming makitang muli si Shenny dahil matagal din namin siyang hindi nakasama. “Nay!” Tili ni Shen, nang makita niya ako sa entrance ng Chillax Restau-Bar. Nagyakap kami at nagbeso. “Kumusta ka na nak? Ang laki natin ngayon ah!” biro ko pa sa kaniya. Lumaki naman kasi talaga siya pero bagay naman sa kaniya eh. At saka malaking babae naman siya kaya okay pa rin naman. “Masarap kumain ‘nay eh! Saka office na kasi ako nagtatrabaho ngayon, kaya palaging nakaupo lang ako sa work. Compare sa work ko sa kitchen before na panay ang kilo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD