At lumipas na nga ang ilang buwan pa. Nag-umpisa na ang training ko bilang manager, at ngayon nga’y nasa kalagitnaan na ako ng training. Masuwerte namang hindi ako nalipat ng ibang branch, kaya magkasama pa rin kami ni Aga sa coffee shop. At dahil manager na ako, mas madaling maayos ang schedule namin, at nagkakasabay na rin kami ng off. Actually dalawa kaming bagong training for manager dito sa BSC Greenhills. Si Tere ang isa. Galing siya sa ibang branch ng BSC at ngayon ko lang siya nakasama. Unang kita pa lang namin ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang may something sa kaniya na hindi ko gusto. Pero siyempre binalewala ko na lang iyon. Baka naman kasi mamaya guni-guni ko lang iyon. “Ma’am, parang sobrang close kayo ni Aga ‘no?” Minsan naitanong niya sa akin. Nasa

