Maayos ang naging takbo ng training ko at ngayon nga ay permanent Manager na ako sa BSC. Buti na lang at hindi ako nalipat ng branch, iyon nga lang si Tere ang ka-palitan ko ng shift. Hindi pa rin ito tumitigil sa pang-u-usyoso sa akin, at kay Aga. Lahat ng staff tinatanong niya kung ganoon daw ba talaga kami ka-close ni Aga? Lingid naman sa kaalaman niya, lahat ng mga tinanong niya ay sinasabi sa akin ang tungkol doon. Kaya hindi na rin ako nakatiis at ako na ang kumompronta sa kaniya. “Ma’am, puwede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kaniya isang araw dahil napipika na talaga ako sa katsismosahan niya. “Sige Ma’am, ano bang pag-uusapan natin?” tanong naman niya sa akin. Nasa opisina kami kaya saglit kong isinara ang pinto. Ayaw ko namang maririnig kami ng mga staff namin. Baka kasi ma

