EPISODE 1
HEIDE
“Bitiwan mo ako! Saan dadalhin ng kaibigan mo ang best friend ko?! Naku, lagot kayo sa akin kapag sinaktan n’yo siya!” Galit na sigaw ko sa lalaking humihila sa akin. Kinuha pa ng isang lalaki si Penelope, ang matalik kong kaibigan.
“Wala masamang mangyayari sa kaibigan mo! And will you please shut up! Nakakabingi ang boses mo!” Galit na sigaw niya sa akin. Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang bibitiwan niya ako kung kaya napaupo ako sa semento. Napangiwi ako sa sakit dahil tumama ang balakang ko sa semento.
“Tarantado ka! Bakit mo ako binitiwan?” Napahawak ako sa puwet ko. Napuruhan yata ang balakang ko. Nahirapan akong tumayo dahil sumakit ang balakang ko. Napaigtad ako nang hawakan niya ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Inilayo ko ang kamay ko sa kanya.
“Huwag mo akong hahawakan! Makakatikim ka talaga sa akin!” Galit na sabi ko at inirapan ko siya.
“Tsk! Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang masungit.” Aniya. Hindi ako makapaniwala sa tinuran niya. Aba! Siya pa ang galit, samantalang siya ang may kasalanan kung bakit ako napaupo sa semento. Nag-isang linya ang labi ko sa inis.
“Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan sa akin! Leave me alone!” Singhal ko.
Ang sarap niyang sipain at pagsusuntukin sa mukha. Ang yabang akala mo kung sino. Kahit masakit ang balakang ko, pinilit kong tumayo. Paika-ika akong naglakad.
“Where are you going?” tanong niya. Lumingon ako habang matalim ang matang nakatingin sa kanya.
“Tatae ako, bakit sasama ka?!” birong sabi ko.
Gusto ko sanang matawa sa reaction niya. Mukha kasi siyang diring-diri sa sinabi kong tatae. Bago ako tumalikod, isang irap ang ginawa ko.
Ang akala naman niya siguro ay isa akong mahina. Matapang ako! Pinalaki ako ng magulang kong hindi mahina. Palagi nilang sinasabi sa akin na hindi porke babae ay iiyak na lang sa sulok kapag inaapi. Kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili ko kung alam kong nasa tama ako. Sa katunayan, lahat ng mga kaklase kong lalaki noon ay kaya kong patumbahin gamit ang kamao kong ala-Pacquiao. May mga pinsan kasi ako sa Ilocos na mga lalaki. Tinuruan nila ako ng self-defense.
Habang paikaikang naglalakad, ay parang sumunod ang lalaking chinsansu. Natigil ako sa paglalakad at lumingon. Nakapameywang.
“Bakit mo ako sinusundan?! Gusto mo pa ba ng isa pang suntok? Gusto mong tadyakan ko ang gitna mo?” Inumang ko ang kamao ko sa harapan niya. Napaatras ang lalaki. Napaatras siya na tila natakot sa banta ko.
“Pasalamat ka, hindi ako nanakit! May paggalang pa rin ako sa mga babae!” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Talaga? May paggalang ka sa lagay na iyan? Hoy! Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo! Kung may paggalang ka sa mga babaeng katulad ko, hindi ganito ang trato mo, kayo ng mga kaibigan mo!” Buwisit na ito. Makasabi ng paggalang. Akala mo totoo ang pinagsasabi niya.
“Okay, I’m sorry. Ikaw naman ang nauna. You hurt me big time!”
“Paanong hindi kita sasaktan? Hinila mo ako kung saan. Hindi naman tayo close para kausapin kita. Gagong ito.”
Sa sobrang inis ko, nakapagsalita na ako nang masama. Hindi ko naman gawain, pero parang masasabi ko kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang parang bampira sa puti. Maputi na ako, pero itong chinsansu na ito ay mas maputi pa.
“Ano ba kasing kailangan niyo sa amin ng kaibigan ko?!”Tanong ko.
“Wala naman akong kailangan sa iyo. Makasabi ka naman ng kailangan. Akala mo may gusto na ako sa iyo. In your dream!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa inis ko, kahit masakit ang balakang ko, ay sinipa ko ang kanyang p*********i at saka ako tumakbo kahit masakit ang balakang ko.
“Gago ka kapal ng mukha mo! Kulang pa iyan. Ihanda mo ang hotdog mo dahil puputulin ko iyan!” sigaw ko habang tumatakbo.
Nakarating ako sa canteen. Nakita ko agad si Penelope na nag-aalala. Salamat naman at ligtas siya. Ang akala ko, kinuha na siya ng lalaking iyon. Hindi ako papayag na saktan nila ang kaibigan ko!