EPISODE 4

898 Words
HEIDE Kabang-kaba ako dahil hindi ko alam kung sino ba ang ipapakilala niya sa akin. Una palang namin itong pagiging magkaibigan. May ipapakilala agad? Pumasok kami sa restaurant na pangmayaman. Hindi ako sanay sa suot kong formal. Para akong dadalo sa party. Diyos ko, hindi ko talaga keribels ang ganito. Simple lang ang makeup ko. Kasi nga madalian. Pumasok pa kami sa isang room. Parang private function room ito. Mas dumoble ang kaba ko, kaya kahit ayokong hawakan si Chinsansu, nahawakan ko na. “You look tense, babe. Huwag kang mag-alala,” aniya. Napairap ako. Babe, raw. Bigla ko siyang binitiwan. Natawa siya nang mahina. Nang makapasok kami sa loob ng restaurant, nakita ko ang isang may edad na babae at lalaki. May katabing babae na sobrang puti. “Mom. . . Dad.” Bati niya sa dalawang matanda. Magulang niya pala ang dalawang matanda. Napalingon ang mga ito sa amin ni Zacch. “Hijo,” sabi ng matandang babae. Humalik si Zacch sa pisngi ng Nanay niya, ganoon din sa Daddy nito. Pinasadahan ako ng tingin ni Mommy ni Zacch. Naasiwa tuloy ako sa klase ng tingin niya. Sa uri ng tingin niya, kinikilatis niya ang buo kong pagkatao. Parang, I sense danger. “Good afternoon, po, Ma’am, and Sir.” Bati ko sa magulang ni Zacch. Ngumiti ang Daddy ni Zacch, pero ang Mommy niya ay tinaasan ako ng kilay. Mas lalong sumingkit ang singkit na nitong mga mata. Hindi ko na lang pinansin ang inasta nito. Ano pa ba ang aasahan ko sa mga ganitong tao? Mabuti pa ang Daddy ni Zacch mabait. Napansin ko ang babaeng katabi ng mommy ni Zacch na mukhang nawalan ng dugo sa sobrang puti. Mukhang kalahi rin nila Zacch. Singkit din ang mata. Ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko nga alam kung masama ang tingin niya o talagang ganoon ang tingin niya. Sobrang singkit kasi ng mata niya. Ang pangit pala kapag singkit na singkit. Naaaninag pa kaya niya ako? “Why did you bring that girl here?” tanong niya sabay tingin sa akin ng masama. “Mom, I already told you I will bring someone with me. And I want you to meet her.” Napatingin sa akin si Zacch. Sinasabi ng mata nito na humihingi ng paumanhin. Expected ko na ang bagay na ganito. Ang mga mayayaman na katulad nila mapanghusga sa kapwa. Lalo na sa mga katulad kong dukha. “Hindi ka ba nahihiya sa fiancée mo, nagdala ka pa ng babae dito?!” Nabigla ako sa sinabi ng mommy ni Zacch. May fiancée na pala ang behong ito. Bakit dinala niya pa ako dito? Gusto ba niyang mapahiya ako? Sinasabi ko na nga ba. Hindi mapagkakatiwalaan ang behong ito. “Ano ito, Zacch? Lokohan? I knew it,” bulong ko kay Zacch. Wow! Um-english ang lola niyo. Ganyan ako kapag naiinis, napapa-english. Hinawakan niya ang kamay ko, ngunit iwinaksi ko iyon. Napaatras ako dahil medyo mahaba ang laylayan ng damit ko at na-out of balance ako. Napapikit na lamang ako. May dalawang bisig na pumulupot sa malambot kong beywang. Nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Chinsansu. Sumulak sa akin ang galit. Umigkas ang palad ko papunta sa makinis niyang pisngi na wala man lang pores. Napabaling sa kaliwa ang mukha nito. Bumakat sa maputing balat ang palad ko dahil namula iyon. “Walanghiya ka manloloko!” galit na sigaw ko kay Zacch. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin nila. Ang sama ng ugali ng anak nila! Sabi ko na nga ba, may plano siyang ipahiya ako. Aba! Gumastos pa siya na bilhan ako ng damit. Hindi ko sa kanya isasauli ito. Ito ang kabayaran ng panggagago niya sa akin. Nag-walk out ako. Hindi ko na siya hinintay pang mag-react. Nanggagalaiti ako sa galit nang lumabas ng restaurant. Itinaas ko ang mahabang laylayan ng damit ko. Pinagtitingnan ako ng mga tao habang naglalakad. Hindi ko alam kung nagagandahan sila sa akin o dahil sa haba ng suot ko. Napaiiling ako habang naglalakad. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Hindi na ako magpapaloko sa kanya. “Heidi, wait!” Narinig ko ang boses ni beho. Naabutan niya ako. Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Ano pa ang kulang, Zacch? Kulang pa ba ang ginawa mong pagpapahiya sa akin sa harapan ng mga magulang mo?” Galit na sabi ko. Gusto kong tadyakan ang mukha niya at saka ko pompyangin ang mukha niya. “Mali ang iniisip mo. Hindi ko alam na may kasama si Mommy. Wala akong fiancée. Sila lang ang may gusto niyon. Wala akong alam. Pinipilit nila akong pakasalan ang babaeng iyon. I never loved her.” Mali ang iniisip ko? Gago pala ito harap-harapan na nga kung paano niya ako niloko. Wow! Kung maka-react naman ako, akala mo may relasyon kami. E ano ngayon? Bawal bang mag-inarte? “Sa palagay mo, maniniwala ako sa mga sinabi mo? Neknek mong chinsansu! Hindi mo ako mapapaniwala sa sinasabi mo.” Nakita ko na may taxi na parating. Pinara ko iyon. Bago ako sumakay, nilingon ko muna siya. “Huwag ka nang magpapakita sa akin. Dahil iitlogan talaga kita at gagawin kong scrambled egg iyan! Mark my word!” Pagbabanta ko sa kanya. Mukhang natakot siya dahil napahawak siya sa kanyang panggitna habang awang ang labi. Ganoon pa man, mas naging pogi siya kapag nagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD