EPISODE 5

1527 Words
HEIDI Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Nagpameywang ako. Ano’ng ginagawa ng chinsansu na ito dito? Nagkalinawan na kami na kapag nagpakita pa siya sa akin, iitlugan ko siya. Aba! Hindi yata natakot sa banta ko. Puwes, sasampulan ko siya. “Hoy! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong ko. Nagtatakang tingin ang ginawa niya. Mukhang nagulat siya nang makita niya ako. Napakamot siya ng ulo. “May kinuha lang ako diyan sa katabing bookstore niyo. Ngayong nakita kita, gusto kitang makausap. Ipapaliwanag ko ang nangyari last time. Maniwala ka naman sa akin. Wala talaga akong alam sa ginawa ng mommy ko.” Paliwanag ko. Akmang kakaratihin ko siya nang dumating ang boss namin. Naibaba ko ang kamay ko. Pasalamat siya na dumating ang boss ko. “Zacchaeus, ano’ng ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?” Napatingin ako sa boss ko. Aba, kilala pala niya si Chinsansu. Lumapit ang boss ko at hinagkan ang pisngi. “Ninang, may dinaanan lang po ako diyan sa bilihan ng spare parts. Saka dinadalaw ko po ang maganda niyong empleyadong si Heidi.” Napatingin sa akin ang boss ko. Nginitian ko siya. “Naku, may nililigawan na pala itong inaanak ko. Pero maaga pa para dumalaw. Mamaya na lang, magtatrabaho na siya.” Nakangiting sabi niya. Lihim kong inirapan si Zacch. Ngumiti lang naman siya sa akin. Tila hindi apektado sa pag-irap ko sa kanya. “Sige po, babalik na lang po ako mamaya. See you. Heidi.” Paalam niya sa akin. Irap lang ang tinugon ko. Nakakainis siya! “Good morning, Ma’am.” Bati ko sa boss ko. What a small world. Magkakilala pala ang chinsansu na iyon at ang boss ko. Kaya malamang palagi kong makikita ang pagmumukha ni Chinsansu dito. “Hindi ko inaasahang magkakilala kayo ni Zaccheaus. Natutuwa naman ako na may nililigawan na siya. Torpe kasi ang batang iyon pagdating sa mga babae.” Talaga ba? Torpe siya? Hindi ako naniniwala! Ang pagkakaalam ko, marami nang naging syota siya sa school. “Bakit niyo po nasabi iyan?” tanong ko. Na-curious ako sa sinabi niya. “Sa lahi nila, ang mga magulang mismo ang namimili ng napapangasawa ng mga anak nila. Kaya natutuwa ako kay Zacch dahil hindi siya gumaya sa mga kapatid na puro arranged marriage ang nangyari sa buhay pag-ibig. Kilala ko ang mga batang iyon. Alam kong hindi sila masaya sa buhay nila dahil hindi naman nila mahal ang napangasawa nila. Nakakalungkot dahil ayokong mangyari kay Zacch iyon. Itinuring kong anak iyan. Nasisiguro kong mabait na bata siya. Kaya masuwerte ka.” Gusto ko sana magtaas ng kilay. Eh, boss ko itong tataasan ko ng kilay. Nagkasya na lang ako sa pagtango. Hindi naman siguro totoong maswerte ako sa chinsansu na iyon. Baka pinapalapad lang ng tita niya si Zacch para magustuhan ko. Ang hirap naman pala ng kalagayan ni Zacch. Mayaman nga, pero wala naman silang kalayaang mamili ng mamahalin. Bakit ba may mga tradisyon pa silang ganyan? Pwede naman sigurong hindi na lang nila sundin, tutal nasa modern ages naman na. Wala na sa taong unang panahon pa. Hay ano ba yan? Hindi dapat ako magkagusto sa kanya dahil ngayon pa lang baka maging impiyerno ang buhay ko. Ugali palang ng nanay niya, hindi ko mapagtiyagaan. Baka maaway ko pa ang matanda. Mag-switch na lang ako sa K-pop. Maalala ko nga pala na magda-download pala ako ng K-drama mamaya. Malakas ang data dito kaysa sa lugar namin. Ito ang problema sa Pinas: napakahina ng internet. Para siyang kalsada sa EDSA, super traffic. Naging busy ang araw ko ngayon. Maraming mga namimili sa bookstore. Mabenta ang mga books namin ngayon. Pasukan na kasi, kaya kailangan nila sa school. Habang nag-aayos ng mga books, napatutok ang mga eyes ko sa entrance ng bookstore. Pumasok ang ayokong makita at may kasama pa. Ang babaeng parang linya lang ang hugis ng mata sa sobrang liit. Anong ibig sabihin nito? Makaibig sabihin ka naman, Heidi, parang kayo ni Chinsansu. Sagot ng isip ko. Sinasabi ko na nga ba na hindi talaga seryoso ang lalaking ito sa sinabi niyang inosente siya. Bakit sila magkasama ngayon? Kahit hindi man sila magka-holding hands o sweet sa isa’t isa, ‘yung magkasama sila ay malaking impact na iyon. Ang ibig sabihin lang nun, mayroon namamagitan sa kanila. Sumulpot ang matapobreng Nanay ni Chinsansu. Kaya nagtago ako sa isang sulok. Ayokong makita nila ako dito. Baka ipatanggal pa ako dahil hindi nila ako gusto para sa anak nila. Eh mas lalong hindi ko sila gusto at ang anak nila, no? Tsura nila! “Mom, why are you here?” Narinig kong tanong ni Zacch sa nanay niyang matapobre. Napasandal ako sa isang cabinet. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko. Kabang-kaba ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong magnanakaw. “We’re here to visit your Ninang. Ikaw, anong ginagawa mo dito?” Hindi ko nakita ang reaction ni Zacch dahil nakatago nga ako, di ba? “Whatever, Mom.” sagot nitong pabalang sa ina. Napasilip ako, saktong namang napatingin sa kinaroroonan ko si Chinsansu. Napangisi sa akin si Chinsansu. Inambaan ko siya ng suntok. Akala naman niya matutuwa akong nakita niya ako. Aalis na sana ako nang may makabangga akong tao. “Ay! p**e mong malaki!” gulat na sabi ko. Napangiti ako nang alanganin sa boss ko. Siya ang nakabanggaan ko. Awang ang labi niya habang nakatingin sa akin. “Sorry, po, Ma’am.” Hinging paumanhin ko habang nagkakamot ng ulo. “Sino ang sinisilip mo diyan?” Nakangiting tanong niya. “Ah, wala po, Ma’am. Nag-aayos lang po ako ng mga books,” sabi ko at kunwari ay inaayos ko ang nakasalansan na libro. Napangiti ako nang alanganin. Diyos ko naman, mahuhuli pa akong naninilip dito. “Ganoon ba? By the way, pumunta ka muna sa stock room. Hanapin mo ’yang nasa listahan.” Binigay niya ang listahan. Mabuti naman para makalayo ako sa chinsansu na iyon. Makita pa ako dito ng matapobre niyang nanay at ang fiancée to be niyang parang isang guhit lang ang mata sa sobrang singkit. “Okay po, Ma’am!” Pumunta na ako sa stock room na nasa ikalawang palapag. Tiningnan ko ang nasa listahan. madami rin pala ito. Mas mabuti na kaysa namang bumalik pa ako doon. Magkrus pa ang landas namin ng Nanay ni Chinsansu. Habang inaayos ko ang mga nakuha kong stock na books, bigla na lang may kumalabit sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi kaya multo ang kumalabit sa akin? Wala naman akong narinig na pumasok sa loob at mas lalong wala akong kasama dito. Diyos ko po, huwag mo po akong takutin! Napapikit na lamang ako sa nerbiyos. “Hey, Heidi, are you alright?” Narinig ko ang boses. Nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Zacch. Sobrang lapit niya sa mukha ko. Nag-isang linya ang labi ko. Tinulak ko ang mukha niya. “Ano’ng ginagawa mo dito? Tinakot mo pa ako! Muntik na akong atakihin sa puso. Siguro gusto mong mangyari sa akin iyon, no?” Inis na sabi ko. Tinulak ko siya. “Hey, why did you push me? And just so you know, I did not scare you. Kinalabit lang naman kita. Nakita kasi kitang umakyat dito, kaya sinundan kita. Masama na ba iyon?” Tumayo siya at pinagpag ang pantalon na may alikabok. “Hindi ko sinabing sundan mo ako dito! Umalis ka na at baka makita pa tayo dito ng nanay mong matapobre. Baka maalis pa ako sa trabaho ko.” Naiinis na sabi ko. “Don’t worry, they don’t know I am here.” Paniniguro nito. “Siguraduhin mo dahil lagot sa akin iyang itlog mo! Ayokong nandito ka! Baka may balat ka sa puwit. Malasin pa ako. Tsupi!!” Pagtataboy ko sa kanya gamit ang kamay ko. “Wala akong balat sa puwit. Tingnan mo pa!” Aniya. Nanlaki ang mga mata ko nang maghuhubad ng pantalon si Zacch. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan siya. “Bakit maghuhubad ka?! Dito talaga sa harapan ko walanghiya ka!” Hinampas ko ang kanyang braso. Umilag siya. “Para patunayang nagsasabi ako ng totoo, na wala akong balat sa puwit. Baka ikaw, meron ba?” Natatawang sabi nito. Halos maningkit ang mata ko sa inis. “Mas lalong wala akong balat, no?!” Inis na sabi ko. “Patingin nga?” Halos mamula ang mukha ko sa sinabi niya. Sinuntok ko ang balikat niya. “Ang bastos mo! Bakit ko naman ipapakita kung may balat nga ako? Eh, wala naman! Umalis ka na nga dito. Nakakaistorbo ka sa trabaho ko!” Tinalikuran ko siya para ibigay na ang mga books na kailangan ng boss ko. Nahirapan ako dahil sobrang bigat. Madami pala itong mga books. “Maybe I can help you,” sabi niya nang mapansing nahihirapan akong buhatin ang karton. Napaisip ako sa sinabi niya. Why not? Tumaas ang sulok ng labi ko. Humarap ako sa kanya. “Thank you. O ito, buhatin mo. Para naman may pakinabang ka. Tutal, ikaw naman ang nagboluntaryo, hindi ba?” Parusa ko ito para makaganti man lang sa pang-aapi sa akin ng nanay niyang matapobre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD