AKEESHA'S POV "Sana Akeesha, pag-isipan mo pa rin. Alam kong mahal mo si Ryan pero sana pag-isipan mo kung worth it ba siyang ipaglaban. Hindi ka na bata Akeesha. Hindi na lang sa inyo umiikot ang mundo. Pag-isipan mo itong mabuti." Nakaalis na si Ehris ngunit paulit-ulit pa ring naririnig ng utak ko ang mga huli niyang sinabi. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Himbing na himbing pa rin 'yung dalawa sa pagtulog habang ako ay hindi man lang dalawin ng antok. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at saka nagdesisyong lumabas muna. Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto ng kwarto at tahimik na lumabas. "Siguro naman Ryan, makakapag-concentrate ka na sa pagiging Junior Council mo." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Mr. Harold. Nanggagaling iyon sa kusi

