"Hello Jordan." "Hello. Bakit napatawag ka Helena? May problema ba?" "Jordan, wag mo munang pauwin si Hale. Ako na lang ang pupunta dyan, bukas ng umaga." "Bakit anong meron?" "Basta b-bukas ko na lang sasabihin sa'yo, ang lahat," mabilis kong pinatay ang tawag. Hindi ko kayang makipag-usap ng matagal. Alam ko anumang oras babagsak ang luha ko. Hinanda ko ang ilang gamit ko, para sa pag- alis ko. Hindi ko kayang magtagal sa mga taong alam ko na malaki ang kasalanan namin. Para na rin akong dinudurog paunti unti. Muli akong pumasok sa kwarto ni Ysha. "Mama! I'm done na po," sigaw n'ya kaya naman napatingin pa ako. At mabilis na pumasok sa CR. "Yes baby ko. Tara na! Mag-sleep ka na." Binuhat ko s'ya palabas. Upang patulugin na s'ya. Inayos ko na ang comforter n'ya habang nakatitig ak

