Nagising ako kinabukasan nang makarinig ako na may umiiyak. Kaya naman unti-unti akong nagmulat ng mata. Sobrang sakit ng ulo ko parang binibiyak. Bumangon ako at pilit inaalala ang nangyari kagabi, nang magawi ang tingin ko sa side table nakita ko ang palangana at bimpo. Si Helena kaya ang tumulong sa akin? Tanong ko sa isip. Muli akong pumikit at iniisip ko paano ko nakarating ng kwarto. Habang iniisip ko mas lalong lumalakas ang pag-iyak ni Ysha pero bakit kaya? Ngayon ko lang syang narinig umiiyak ng ganito. Tamad na tamad akong bumangon at nagtuloy sa CR upang maghilamos. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko nang muli kong marinig si Ysha na tila nagwawala. Ano bang meron at ang aga aga umiiyak s'ya. Mabilis akong bumaba upang tingnan s'ya naabutan ko pa s'ya nasa may pintuan at yaka

