Present
"Alam mo rina ang ganda mo pero mapanakit ka! Palagi mo ako iniiwan! Sabay di ka nagshe-share sakin!"
Angal ni misaki na tinawanan ko lang. Babalik ako sa Australia for a few days dahil kinailangan ako bigla dun sa kompanya namin dun. I think it's a board meeting.
Although dito na talaga ako maninirahan sa manila. I need to go back there maybe once or twice a month.
Kakatapos lang namin kwentahin at sukatin ung buong pwesto nang tatayuan na hospital sa Cressencio at building sa Maynila.
Next week na magstastart ung pagtayo namin. Kailangan namin ito magawa nang pino at mabilis dahil may empleyado na maggtatrabaho na dito.
I think it will take 1 to 2 years to make this project. Meron narin kaming tauhan na gagawa at natapos ko na ang blue print at ipinaliwanag narin.
Nakapili narin kami nang gamit at alam na namin kung pano gagawin. It's already 3 months since nung tinawagan niya ako. Mabilis ko na itong ginawa para sa mga tauhan na iniintay nang magbukas ito.
"Gaga ka ba! Lahat nga nang tungkol sakin alam mo na eh!"
Sabi ko dahil totoo naman. Napatingin siya sakin at natawa.
"Naalala ko dati sinabihan ka ni zel na beautiful yet painful.. tsk.tsk.tsk... Masyado kang close sa sarili mo eh!"
Pagpapaalala niya kaya namula ako onte sa hiya pero binawian ko toh nang umiling ako. Um! Kotong!
"Baliw! Hindi dahil dun un. Sabi niya dahil palagi ko siya sinasabihan nang masasakit na salita!"
Nag-make face nalang siya kaya natawa ako. Ginanun ko rin siya. Nyeh nyeh.
"Pero rina.."
Patanong niyang tawag sakin habang palabas na ako nang pinto.
"Hmm?"
Parang alala kong tining nang para siyang nalulungkot.
"Saglit lang ako pramis! Hindi ko na kayo i-go-ghost!"
Sabi ko para ma-assure siya na hindi ko na sila papansinin kagaya nung dati. I left everything here years ago.
I left everything I loved. I didn't even called anyone. I was afraid that I would miss them and come running straight back.
5 months ago..
"Hello."
Sabi ko habang kinakabahan. Nagpapraktis ako kung panong harapin si misaki matapos hindi mag paramdam sakanila nang sampung taon.
I cried myself to sleep dahil natatakot akong iwanan sila. Pinilit kong hindi sila kausapin dahil ayaw kong bumalik at marami masyadong umiikot sa utak ko.
"Your so beautiful yet so painful!"
Sabi sakin ni dynzel nang magkita kami sa airport nung paalis na ako. Madalian akong pumasok nang makita na ung lima na patakbo palapit.
Naiiyak ako habang sigaw nang sigaw si dynzel habang nandun sa labas.
"Don't leave without a word!"
Huli kong narinig na sigaw niya kaya mas naiyak ako. Ilang araw akong nawala. Hindi nagpakita. Hindi kumausap kahit kanino.
It breaks my heart leaving them but it shatters my whole self not being able to think straight.
I don't want to leave..
Sabi ko at patayo na sana ngunit sinabi na nung Flight attendant na umupo na nang maayos at mag seat belt.
I'll come back
Lahat un ay naalala ko sa isang iglap. Halos maiyak ulit ako nang makita silang sakit na sakit na dahil sakin.
"Hello?"
Taka nitong tanong nang buksan ang pinto. She became pale right away. Para siyang nakakita nang multo.
"Hi-
"B-bakit k-ka nandit-to?"
Garagal at paiyak nitong sabi kaya bigla akong na-guilty.
"I'm sorry."
Sabi ko nang bigla akong mapaluhod at mapahalukipkip sa sarili. I hate seeing her so hurt. But it pains me to be the reason of it.
"Your so selfish."
Sabi ko at napatingala sakanya. Tumango ako nang sunod sunod.
"I know."
Inako kong sabi. Nakaluhod parin ako dahil 10 years.. 10 years kong iniwan ang bestfriend kong mag-isa.
"You didn't want us to worry. You wanted us to forget you. Wala lang ba sayo lahat na nangyari?"
I never wanted to hurt you guys nor leave you guys nor make you forget me. I was lost. I hated myself. I hated my whole being. I treasured you all truly.
I won't leave again.
Present..
"Panindigan mo yan ah! Masama ang Australia! Sobrang sama niya!"
Sabi niya nang makita akong nalulungkot narin kaya pinasaya niya ako onte dahil sa joke.
"Oo masama siya kaya bibisita lang ako sa kasamaang palad!"
Sabi ko kaya napangiti siya. Kinawayan ko siya at umalis na.
I will never leave again.
10 years ago..
"Wooh!!!!"
Masayang tinig nang mga ka school mates namin habang nanonood kami nang play sa auditorium.
Buwan na nang wika at lahat ay nagawa namin. Iprepresenta namin mamayang after school ang power point.
Pang ika-limang araw na ito kaya wala kaming classes dahil hiningi namin ang araw na toh para magamit nang buo ang booths at makanood kami nang 3hr play.
Nandito kami ni hazel sa may likod nang kurtina tinitingnan ang galaw nung play.
"Ang galing natin lahat."
Sabi nito na pabulong habang nakayakap sa braso ko. Ngumiti ako nang matamis at tumango.
Tapos na ang exams namin at kuhanan ata nang card next week. Dahil sa study group namin ay lahat kami mataas ang scores.
Kaka-distribute palang kahapon. Si misaki at hazel inaayos ang boses at mga damit nung mga actors and actresses.
Habang si jareh ay inaayos na ang booths kasama ang club presidents.
Si dynzel at parker naman ay bahala sa audio and background effects. Sila rin ang may bahala sa lightings.
Napatingin ako sa audience at lahat sila masasaya. Masaya rin ako at naging successful ang unang event.
Masaya ako na natupad ang gusto naming lahat.
"Hoy mabilaukan kang babae ka! Dahan dahan nga!"
Sabi ni misaki habang nagaalala kay nadeya. Nagutom ata ang daming kinuhang pang meryenda.
Natapos na ung play at sobrang natuwa ung mga tao.
"Hi! Ang galing niyo po!"
Sabi nung mga dumadaan samin. Kanina kasi ay pinakilala ang bawat isa sa kasali sa gumawa nung play.
Everyone liked it. It was a musical about a girl who's dream is to be a musician.
Lahat nang puntahan niya ay kumakanta siya at napapakendeng niya ang mga tao sa paligid niya.
Lahat ay na-amuse sa talent niya kaya kinuha siya nang isang talent manager.
Pero pera ang habol nito. Kaya nang makita niya lahat nang nagagalak sakanya dati ay hindi na siya kinasisindakan. Sinunog niya ang kontrata.
Ang huli ay sumakay siya nang jeep at narinig ang paborito niyang kanta kaya sinabayan niya ito.
Bumalik ang kasiyahan tuwing nakanta siya. Hindi na tuwing nakanta siya ay sinasabihan siyang mukhang pera at pasikat.
Nalaman niya na ang totoong kasiyahan ay nasa simple at sa maganda at tamang paraan.
Kinuha siya nang mabuting record label at tinuloy ang pangarap niyang musika.
Lahat nang maiipon niya ay binigay niya sa charity at hindi na kinurakot nung manager niya katulad dati.
Lahat ay napapasaya niya nang sobra sa simpleng kanta at indak.
Ang huling kinanta niya ay ang kanta nang abba na "Thank you for the music." Pero tinagalog dahil buwan ng wika nga.
Lahat lahat na nang tauhan ay nagsipuntahan sa unahan at sabay sabay na kumanta nang masigla.
Un ang pagtatapos nun. 3hrs siya dahil mahaba ung sa part na sumikat siya at nalaos. Pinakita rito ang hirap nang buhay at mga obstacles na kailangan mong matawiran.
"Diba ikaw rina nakaisip niyan?"
Tanong sakin ni jareh habang naglalakad kaming pito sa kung saan saan at naghahanap nang booth na di pa napupuntahan.
"Yup!"
Masaya kong sabi kasi natutuwa talaga ako dahil unang beses ko gumawa nang play.
"You just represented the whole value of simple things, life and happiness."
Sabi ni parker habang nakangiti. Natuwa tuloy ako lalo.
"Mmm. I don't like plays that much but, I can say the one you wrote was super cool."
Sabi ni dynzel habang nakaabay si parker sakanya.
"Parang annie datingan!"
Sabi ni nadeya na kina-isip ko. Hala! Hindi ko sadya kopyahin! Well hindi naman kopyang kopya pero.. parang ganun na nga? Alam ko iba ang annie eh.
"They just have the similar lessons is what I mean."
Sabi niya kaya napatango ako. Uhm! They do have the same lessons.
"Pero di un magiging maganda kundi nag-compose si misaki nang kanta."
Sabi ko kaya napatingin lahat kay misaki. Siya ang namahala sa music. She has a wonderful voice and a gift for music.
"Wala rin ung pagiging makulay at maganda nung disenyo nung props at damit kung wala si nadeya."
Sabi ni hazel kaya napatango ako. Ngumiti si nadeya na nahihiya.
"Naku kung wala si hazel na tumayo bilang boss mommy natin wala tayong lahat!"
Sabi ni misaki na ikinatawa naming lahat. Napatigil kami sa isang booth.
"Gusto niyo jan?"
Tanong ni jareh. Napatango kaming lahat. It was the booth na may pictures nung mga pinuntahan namin. Nandun din ang stories and articles.
Bali ito ang booth nang journalism. Next week nila ilalabas ang news paper namin about dito sa lahat nang naririto sa event.
"Parker mylabs!"
Tinig ni alena kay parker na akmang yakapin ito nang patalon.
Kagad ginawa ni parker na human shield ung isang nagaayos nung gamit sa booth. Inistorbo pa nga. Hahaha!
"Yuck!"
Parehas nitong bulalas nang muntikan na kaghalikan. Kagad napalalaki si bakeks. Hahaha!
"Dala mo ung rose petal na keychain?"
Nagulat ako sa tanong ni dynzel! Bigla nalang magtatanong. Napaisip ako kung dala ko.
"Ahh oo."
Kinuha ko toh sa bulsa ko at kinuha niya ito. Napakunot ako. Sira ulo toh ah!
Pumunta siya sa lugar na hindi ko alam. Naging crowded ung booth dahil marami ang naintriga sa mga nakalagay dito.
Gumawa rin kasi sila nang replica nang mga maliliit na istraktura na kagaya sa museo. Ang cute!
Lumapit ako kay jareh na nakatitig sa painting. Ginulat ko toh. Napatalon siya eh. Ganto pala pakiramdam na mang gulat nang tao. Gulatin ko nga si zel mamaya.
"Wait. Tabi ka nga sa painting."
Pakiusap niya sakin kaya taka akong tumabi roon. Nakita ko nang lumapit ung tres marias dito.
"Kamukha mo ung painting."
Sabi ni misaki kaya napatingin ako sa painting. Nanlaki mata ko sa nakita ko.
"Buang!"
Sabi ko nung makita na abstract art ung painting at ung description ay ginaya daw sa babaeng halimaw na kaya gumaya si ibang mukha.
Kinurot ko beywang niya habang tawang tawa na ung tatlo.
"Hindi naman kasi yan ung painting na tiningnan ko eh.."
Halos di masabi nang buo ni rehn dahil tawang tawa. Kaya napanguso ako.
Tingnan ko ung tinuro yun at nakita kong kamukha ata ni nina.
"Hala hawig mo teh!"
Sabi ni hazel kaya napatango ako na gulat na gulat.
"Pero mas kahawig ata nung kapatid mo?"
Sabi ni nadeya kaya um-oo ako. Tinignan ko pangalan. Dati pa kasi nakatira dad namin dito sa cressencio.
Mas kamukha ni azenina si dad keysa sakin na kamukha.. nung mama ko.
"Oh! Gregorio oh!"
Sabi ni jareh nang lumapit at binasa ang pangalan sa description.
Kung kamag-anak ko yan ay sinabi na ni dad nung huli kaming pumunta rito.
Pero panong masasabi kung ngayon ko lang din toh nakita.
Lumapit narin si parker at dynzel na tiningnan rin ang painting.
Inabot narin sakin ni zel ung keychain at wala nang sinabi.
"San naman nakuha yan? Wala naman akong nakitang ganyan sa tour eh."
Sabi ni parker na lahat kami napaamang. Wala kaming nakitang ganyan!
"Bakla! San niyo toh nakita?!"
Tawag at tanong kagad ni saki kay alena kaya napatingin ito samin.
"Ahh yan ba mamsh? Wala nakita ni ryan yan sa baba nung museo. Wala pangalan lang meron jan eh. Kahit ako na-curious. Kamukha ni lola rina naten eh."
Paliwanag nito na ikaka-offend ko sana ung pagtawag niya na lola pero mas na-focus ako sa bakit naman meron nyan dun.
"Hala weh?!"
Kagad na tinig ni bakeks kaya napatingin kami sakanya.
"Bakit?"
Tanong ni hazel kaya binalingan siya ni bakeks.
"Kailangan na lumabas nung iba. Over flow na daw kasi dito mamsh. Alis na rin kayo kanina pa kayo dito at kabisado niyo naman na toh!"
Sabi nito kaya aangal na sana si nadeya pero umalis nalang kami. Kawawa naman ung ibang hindi makikita. Nakita narin namin toh nang harap harapan kaya ok lang.
Dumeretso kami sa ibang booth.
"Dito tayo oh!"
Sabi ni nadeya kaya napatingin ako sa itinuturo niyang booth.
Kakaibang nilalang sa mga pangyayari. Un ung pangalan nung booth.
Mukha atang horror booth toh eh. Andilim. Okay!
"Arat halika na!"
Yaya ko dahil na-excite ako. Siguro hindi naman nakakatakot tong booth na toh.
"WAHH!"
Sigaw ni hazel sabay sipa dun sa taong walang ulo. Siya kasi unang pumasok. Nakahawak kasi ung lalaki sa paa niya.
Umaray ung lakaki dahil ulo pala ang natamaan. Ako na ang nagsorry dahil tumakbo si hazel papunta kay jareh na sumabit ni sa parang puno.
Style gubat kasi ung pasukan kaya may parang puno. Nang maglakad pa kami onte ay haunted room naman.
Ilang kwarto ba ang pinagdugtong dito?
Habang nasa haunted room ay nay babaeng nakabigti dun na kala mong walang lamesa na tinatayuan. Mukha lang din nakasabit ang rope sakanya pero nakalawlaw ito.
"AHH!!"
Sigaw ni misaki at bigla akong pinisil kaya umaray ako. Sakit!
Bigla kasing gumalaw ung babae kaya natakot siya.
Nakasampa na rin sa likod ni dynzel si parker dahil sa takot. Halata ring nanginginig tong si rafiki sa takot.
Si nadeya ay pa happy happy lang ang vibes. Kala ko matatakot siya hindi pala.
Pumunta kami sa susunod na kwarto at dala ko na ang limang bata.
Ito naman ay kwarto nang bata na may rocking chair. Gumagalaw ito nang kusa.
Kala namin ang pintuan ay ung sa wardrobe pero biglang may lumabas na teddy bear na may kasamang dugo na nag-skwirt.
Di sadyang nasuntok ito ni parker kaya nakatulog ung bear.
Tinignan ko siya nang masama. Kanina pa kami gumagawa nang kalokohan dito!
"Pag tayo pinaalis dahil nauubusan na sila nang cosplayer, lagot kayo sakin."
Sabi ko kaya napatango sila. Masaya si nadeya na tinitignan lang ang mga nasa kwarto eh. Basta happy siya ok lang.
Napagod rin ata siya sa pag gawa nang damit at ibang props kasama ang iba eh. Deserve niya na toh.
Nang padpad kami sa isang clinic ay panay chainsaw, martilyo, kutsilyo at mga pang injection ang gamit dito.
Ang galing nung gumawa nito ahh. Alam ko binanggit ni jareh na ang gumawa nito ay ung film club. Magaling din sila sa paggawa nang scenes eh.
"PUCHA DRE!"
Sabi ni jareh nang makita na biglang may lumabas na nurse na may dalang pasyente na duguan at balak i-chainsaw ang leeg.
Kumaripas sila parker, misaki at jareh nang takbo habang si hazel ay napayakap kay nadeya at si zel ay nakahawak na sa pulsuhan ko.
"Wag kang matakot r-rina."
Sabi nito kaya kinotongan ko. Baliw ako pa nga ang sinabihan na ganun.
Nang dumeretso pa kami ay mukhang normal nang kwarto. Baka dito na magtatapos. Wala normal lang.
"AHH!!!!"
Sigaw ni hazel nang may lumipad na ulo sabay nasalo ni nadeya. Napatili si nadeya kaya kinuha ko ung ulo at binato pa punta dun sa pinto.
Tinignan ko si dynzel na naestatwa ata sa takot.
Kinalad-lad ko tuloy ito at nakita nang nakaupo ung tatlo habang nanginginig.
May dugo rin sila sa mukha. May dugo ung ulo eh, Baka nahagisan sila.
"Wag na tayong babalik dun."
Matigas na sabi ni misaki. Talagang ayaw na talagang bumalik. Umupo na ung dalawa kaya kami ni Nadeya anb nakatayo parin.
May mga pictures nung mga nakasalamuha namin. Tingnan ko ito isa isa.
"Ah.. So ung ulo ay finishing nila dahil may isang normal na kwarto na maghahalusinasyon ka dahil sa mga namatay sa loob nito na puro pugot ulo."
Basa ko kaya hinawakan ni hazel kamay ko at sinamaan ako nang tingin.
"Wag mo na basahin ung iba jan."
Sabi niya kaya napatango ako. Lalo atang natakot.
Nagyaya nalang si jareh sa isang photo booth na alam niya.
Nang pumunta kami roon ay andami nang nakikipagkuha nang litrato.
Pwede kang magkunwaring nasa jeep habang meron naman ay nasa bahay kubo. Meron din ay nasa isa kang palayan. Meron din nasa isa kang water falls.
Lahat nang iyon ay nagpakuha kami nang picture. For memories.
Kahit dun sa museo. Andami naming pictures dun.
Ang saya namin nung nasa jeep dahil may tugtog pa ng "pare ko".
Andami tuloy naki kanta. Kahit kami nakikanta narin.
Ang saya saya namin habang nagiikot. May mga mini games tulad nang mga darts at mga spin the wheel.
Napad pad kami sa isang food booth kung san meron mga classic meryenda tulad nang turon, bananaque, halo-halo.
Umorder nalang kami nang halo halo at nagpahinga muna saglit sa paglalakad.
Masaya kami nagkwentuhan habang nakain. Meron ding banda na tumutugtog sa likuran namin kaya ang saya.
Hanggang 6 o'clock lang ang event dito sa school. Pero kami 7 pa uuwi.
May presentation pa kami dun sa office na ipapakita kay ma'am at bibidyohan daw para isama sa graduation video.
"Sa lahat!"
Pagsabay namin sa pagkanta nang "ikaw lamang" na kanta ng silent sanctuary.
Pababa na ang araw kaya tumayo na kami at nagplano pumunta sa isang booth pa ulit.
Napadpad kami sa isang booth na pwede kang maglagay nang messages para at ipopost nila sa school wall.
Lahat kami nagsulat. Hindi namin sinabi ung mga isusulat namin para secret daw. Lahat din ay anonymous ung nilagay naming pangalan. Para kung siya lang ang nakakaalam nung sinulat niya.
Bago magsi-uwian ay nag last regards na kami. Nagpakilala lahat nang kasama rito. Binanggit lahat nang tumulong at syempre si madam principal.
"Lahat ay naging masaya sa araw na ito, sana ay patuloy nating aalahanin ang ating pinagmulan at sana ay ating pahalagahan ito. Lahat ay nagsisimula sa maliit na bagay kaya magtulong tulong tayo para sa pagbalik nang ating mga tradisyon. Muli salamat sa lahat nang naririto at nakikinig at sinubaybayan ang bawat araw nang palaganapin rito sa ating eskwelahan. Paalam."
Sabi nang mc namin. Kaya lahat nagpalakpakan dahil dito na nagtatapos ang event.
Nang makaalis na ang marami ay nag-ayos na rin kami nang gamit.
Tinulungan namin ang iba sa paglilinis at pagliligpit nang nga gamit.
Marami pa naman kami oras bago simulan ung presentation kaya nung nag 6:30 na ay pumunta na kami sa office para mag present na.
"Hi ma'am!"
Masayang bati naman habang papasok sa office. Nakangiti na ito nang sobrang lawak kaya napangiti rin kami.
"Ang galing ninyo!"
Gigil na gigil sa tuwa nitong sabi kaya napangiti kami dahil ibig sabihin worth it ung pagod namin.
Nagkwentuhan kami saglit. Pinanood niya pala lahat na nangyari ngayon kaya alam niya na andaming natuwa.
Marami rin ang nagkwekwentuhan tungkol sa natutunan nitong araw nang madaanan niya ang iba kaya talagang galak na galak siya.
Nang matapos ang kwentuhan ay nag presinta na kami.
Mula sa pag gagawa namin nang ideya hanggang sa pag punta sa museo at hanggang sa matapos ang araw na ito.
Sinabi namin ang natutunan namin at mga pinasasalamatan namin pati ang nagawa naming tulong sa mga kapwa namin.
Lahat nang bayad na nakuha nung sa mga booths ay idederetso namin sa charity.
Lahat din nang mga kaya pang gamitin ay ipinapamigay para magamit ulit.
"Lahat kami ay ginawa ito na lubusang inintindi ang historidad at ang pagmamahal nang mga tao natin sa ating bayan. Ito ay isa lamang sa mga naging kinalabasan nang ating pinaghirapan."
Sabi ni nadeya nang itapos namin ang presentation. In-off narin ni ma'am ung cam.
"That was super great!"
Pagpuri nito kaya nagpasalamat kami. Lahat kami ay pina-uwi na dahil pagod narin kami.
Babalik nalang kami bukas upang maglinis nang nga kalat.
"Hay! Kapagod noh?"
Sabi ni misaki na nag-uunat. Nandito siya sa kwarto ko. Makikitulog daw muna siya dito.
Nakita niya ung picture naming pito na ilalagay ko na sana sa isang photo book.
"Hmm.. ang saya!"
Sabi niya at tumabi sakin para pagmasdan ang mga pictures.
We all shared a smile that was wide and full of happiness. Smiles that was so precious it contained my world.