"Oh my gosh! Ackkkk!"
Patiling sabi ni nina na kinatawa ko habang tumutulong kina myka at nang.
Nagbabalot kasi kami nang lumpiang shanghai habang si nina ay pagulong- gulong lang sa sopa.
"Ate!!!"
Sigaw nito habang palapit samin. Napa-taka naman ako. Ano ba ung kinakabaliwan niya?
Nang ipakita niya sakin phone niya ay nanlaki mata ko sa nakita ko.
Halos mabilaukan ako dahil sa biglang pagtawa.
CCU DAILY: DYNZEL RIGGENS RIVERA AND PARKER VON VELASQUEZ
SPOTTED DATING?!
Ansakit na nang tiyan ko nang makita ung picture nila mula last week na magkasama! Nagka ship page pa sila! Hahahaha!
"Diba teh! Pero di naman yan true diba? Ang gwapo nila eh!!! Crush ko sila both! Tapos kaibigan mo pa!"
Sunod sunod nitong sabi kaya tawa lang talaga nabubulwas ko.
Masyado silang maiissue. Best bros lang talaga ung dalawang un pero di narin ako magtataka kung maging sila. Hahaha!
Totoo na parehas silang gwapo pero beh! Crush mo?! Omieee!
"Sino ba un pinagtitilian niyang kapatid mo?"
Natatawang tanong ni nang dahil kanina pa nababaliw si nina. Well, baliw naman talaga siya.
"Kaibigan ko ho."
Sabi ko habang nakangiti at taas noo na para bang kailangan talagang ipagyabang.
Napatango si nang habang si myka ay na-curious kaya kinuha ung selpon.
Napatingin ito sa larawan nang maigi kaya napa-taka ako ba't ang tagal niyang titigan.
"Magkapatid ba sila? Magkamukha eh? Tapos parang nakikita ko na sila dati pa."
Lito at naguguluhan nitong tanong kaya tinignan ko nang maigi ung picture.
Magkahawig sila pero iba ang balat at iba ang buhok nila. Iba rin ang height at iba rin ang galaw at personalidad.
Pero magkahawig nga sila. Baka dahil parati na silang magkasama naghahalo na mukha nila.
Pero kung titingnan mo nga. Ba't parang familiar silang dalawa. O baka dahil parati ko silang kasama at dati pa nandito si parker. Guni-guni lang ba?
"Wala po siya my, bago lang si dynzel at si parker naman ay dati pang naroon sa school."
Sabi ko kaya napatango siya na ikinawala na nang taka niya kanina.
"Okie! Imbitahin mo sila minsan dito oh! Para makilala naman namin barkada mo!"
Masayang suhestiyon ni myka kaya napaisip rin ako.
"Para hindi lang si misaki kilala namin!"
Dagdag niya kaya napangiti ako nang malawak at puno nang saya. Swerte ko naman na approve kagad mga kaibigan ko kahit di pa nila kilala.
"Ngayon mo na imbitahin teh! Habang sunday pa!"
Sabi nang kapatid ko kaya napatango ako. Oo nga naman. Oo nga pala day check: Sunday! Family day!
"Sige tapusin ko muna tong pagbalot sabay icha-chat ko na sila pumunta."
Sabi ko sabay umiling si nina. Pinatabi ako kaya napatayo ako.
"Ako na bahala teh! Bili chat mo na sabay sunduin mo sa bus stop!"
Sabi nang kapatid ko kaya pinitik ni nang ung noo niya.
"Ang dumi nang kamay mo maghugas ka muna! Puro ka lalaki."
Sabi ni nang, kaya biglang nahiya kapatid ko at tumayo para maghugas.
"Sige na nak' chat mo na at papuntahin mo na rito para bago mag tanghalian."
Sabi ni my, kaya tumango na ako at naghugas bago kunin ang selpon ko.
Kinuha ko un at pumunta na sa gc namin na kami lang pito. Nag-tipa na ako dun na..
Morning!
Bati ko muna para makita kung isi-seen ba nila.
Hala himala nag-chat!
Hala totoo ba toh?!
Ano kailangan mo?! May emergency?!
Uy rina! May nangyari ba?!
Wow! first time pumba! Something happened?
Gaga! Ako muna chat mo bago sila! Me always first!
Mabilis nilang chat matapos ko i-send ung bati. Hala mga baliw.
Kilala niyo naman na ata ang nga nag-chat. Lalo na ung dalawang nasa huli.
Lunch kayo dito. Gusto kayo makilala nang pamilya ko.
Pag-type ko kaya kagad na sila nagsi-tipahan din.
G!
Arat!
Kay!
Sure!
Okie!
Lezzgo!
K.
Kanyang kanya na tipa kaya napangiti ako.
"Ok daw po my, nang, nina!"
Sabi ko kaya tuwang tuwa na tumili kapatid ko. Pinagsabihan ito dahil muntikan na matapon ung tubig dahil nasagi niya ung lamesa.
Nag tipa ulit ako.
Sige kita kits tayo sa bus stop.
Sabi ko kaya lahat sila um-oo habang si misaki ay umangal na pupunta raw siya sa bahay para sabay na daw kami pumunta sa bus stop.
Nagulat nalang ako habang tumutulong sa pagbalat nang lumpia ay bigla may nag doorbell. Edi sino pa ba?
"Lezzgo na!"
Excited nitong sabi nang buksan ang pinto.
Naghugas na ako nang kamay habang siya nakipag-chikahan kagad. Ang bibig talaga!
"Eh?! Crush mo yun?! Naku! Torpe ung mga un! Baka nga sila na magkatuluyan eh!"
Sabi ni misaki nang ipakita ni nina ang picture ni zel at von. Umiling kapatid ko dahil ayaw niya sa sinabi ni saki.
"Sabi ni ate di daw totoo. Diba teh?"
Sabi nito sabay bigla akong tinanong. Lumapit na ako sakanila at umiling.
"Wag kang makinig jan. Baka nga yan pa pasimuno nung ship eh. Halika na."
Paliwanag ko. Piling ko siya kasi nak' nang tokwa! Palagi niya inaasar ung dalawa na kyut daw nila magkasama.
Wala tipong trip at kabaliwan lang. Pero mukhang hindi rin siya. Baka si alena. Ewan.
Nagpaalam na kami na saglit lang kami at umalis na.
Habang naglalakad ay may ninga-ngatngat na kaming chichirya habang nagkwekwentuhan.
"Sino sa tingin mo gumawa nung post na un?"
Tanong ni misaki kaya napaisip ako kung sino lead suspeks charot! Sino lang sa tingin ko.
"Uhm.. piling ko gusto magpapansin o talagang shipper lang or baka may gusto sa kanila. Basta nalang nakita ni nina eh siguro kilala siya."
Paliwanag ko kaya napatango siya at mukhang kilala na ata niya.
"Edi si chaka! Crush niya si parker! Sabay sakanya nang galing ung balita na may new student. Mahilig rin siya sa BL so bali, siya?"
Nung una kala mo sure na sure na siya kaso nung huli ay bigla nalang siya napaisip rin. Natawa nalang ako.
"Rina!"
Tawag sakin ni nadeya kaya lumapit na kami sakanila.
"Hala ang ganda mo naman mamsh kahit naka pambahay! Patok na patok!"
Puri nito kaya ningitian ko siya at sinabihan na..
"Ikaw nga mukhang manika eh! Pambahay ba yan o pang party!"
Sabi ko dahil naka-dress siya na kala mo panlakad. Si hazel naman ay simple lang pati narin ung tatlo.
"Hay!!! Bukas diba sainyo tayo jareh? Gagawa nang plano?"
Tanong ni misaki kaya napatango ito. Nakuha na namin card namin. Lahat kami tuwang tuwa sa mga achievements nang isa't isa.
Foundation week naman sa makahuli nang september kaya kailangan ulit namin gumawa nang plano.
"Ano kaya pwede?"
Paisip na tanong ni hazel habang nagiisip kung ano pwede naming gawin na event.
"Sunday ngayon. Magpahinga muna tayo bago magisip."
Sabi ni dynzel kaya napatango kami. Sa end of the month pa naman. Ang kailangan namin ay oras dahil para maihanda namin ung event.
Nagkwentuhan nalang kami nang kung ano-ano dahil an-layo pa nito. Ngayon ko lang din na realize na an-lapit nga pala nang bahay ni von at zel. Pumunta pa sila sa bus stop. Alam din nila bahay ko.
Naglakad lang kami papunta sa bahay at eksakto ay oras na nang tanghalian.
Nakaluto na sila nang at my, habang si nina ay nasa taas.
"Nakabalik na po kami! Kasama ko na po kaibigan ko!"
Pasigaw kong sabi dahil parang nawala at silang lahat. Nakahain na eh. Baka umakyat rin si my.
Nakita ko nang palakad na papunta samin si nang habang may dalang sabaw.
"Nako ito na ba mga kaibigan niyo?! Ang gwagwapo at ang gaganda naman!"
Puri ni nang, sakanila kaya bahagya pa silang nahiya.
"Sus! Wag na kayong mahiya! Welcome na welcome kayo rito! Basta kaibigan ni rina, sige lang! Ay teka lang mga iha at iho ah, ibababa ko lang tong sabaw."
Sabi nito kaya naging komportable na sila onte. Ningitian ko rin sila para naman gumaan ung mood.
"Tulungan ko po kayo."
Sabi ni hazel na na-akma nang tulungan si nang kaso nilapag na un ni nang, ng mabilis at sinenyasan siya na wag na.
"Oh ito na kayo! Hali' na kumain na tayo at baka gutom na kayo."
Masayang bati ni my, habang pababa nang hagdan at palapit na samin.
"Ahh si nang nga pala un, yaya namin at ito naman ay si myka. My nalang for short."
Pagpapakilala ko sakanila kaya napatango sila.
"Hello po."
Bati nila at eksakto na lumapit muli samin si nang. Si nina nalang wala. Nasan na ba ang bruha.
"Ah.. wait lang mauna na po kayo. Aakyatin ko lang si nina-
"Hello!"
Sabihin ko sana kaso nag grand entrance ang bruha. Nababaliw ba siya!
Naka-floral dress siya na off shoulder tapos maiksi lang. Nag-sandals din ang bruha.
Nilapitan ko na siya bago pa siya makalapit samin.
"Gaga ka! Kumakareng-keng ka kagad! Bakit ganyan naman suot mo?! Di ka naman lalabas?!"
Pabulong kong angal nang hatakin ko siya paakyat onte.
Narinig ko ring lumapit samin si misaki na natatawa.
"Sure ka bhie? Sure ka na magpapa-goody goody ka kina zel at parker? Hahahaha."
Tanong ni misaki na sunod sunod kaya taas noo ung kapatid kong naglakad papunta kina zel.
Nagkatinginan kami ni saki kaya napasapo ako nang makita na kumakareng-keng na itong bruha na ito.
"Hi! Azenina I believe we met? I'm Azriena's sister. Nice to meet you in the flesh."
Pagpapakilala kagad nito habang nakaabot ang kamay.
Napatingin dito si nang at myka na kala mo natatae. Nandidiri kumbaga.
Bumuntong hinga nalang ako at bumalik na sakanila.
"Hali na kayo kain na tayo."
Sabi ko na nakangiti. Hinila ko na si nadeya at hazel paupo.
Katabi ko si myka at misaki, habang katabi ni hazel ay si jareh at si nadeya.
Si nina ay nasa gitna ni parker at dynzel. Talaga dun pa umupo eh.
Katabi ni misaki si nang na katabi naman ni mang eddie. Sabay sabay kami kumakain.
"So pano niyo naging kaibigan si rina?"
Pag-open ni myka nang topik. Sinabi ko kasi sakanya ung ibang problems ko. Kaya may alam siya onte.
"Nag-reach out po kami sakanya. Habang may hinihiling pong tulong sakanya. Siya naman po ang nag-reach out kay dynzel tapos lahat po ay kami na."
Sagot ni hazel kaya napatingin ako kay myka na parang tuta habang nakasubo sa bibig ko ang kutsara.
"Mabait po siya! Acquaintance po kami nung una pero onte onte na po kami naging close. May atraso daw po kasi siya samin dati kahit kami po ang meron sakanya, pinayagan niya po kami pumasok sa buhay niya."
Sagot naman ni nadeya na ikinakaba at lambot nang puso ko. Tinignan ko ulit si myka at pinangliitan ako nang mata.
Kinurot naman ni saki beywang ko kaya kagad ako napalingon. Tinaas baba niya kilay niya na para bang sinasabi na achievement un. Well achievement nga siya.
"Uhmm! Nagsisimula po siya sa sorry kahit hindi naman po niya sadya, ay naging malaking impact po sakanya ung mga nagawa niya."
Sabi naman ni jareh kaya lalo akong kinakabahan. Alam ni myka nga nangyari nung 1st year pero diko nilinaw un!
"Sakin po walang siyang atraso kaya di niya po kailangan magsorry."
Sabi naman ni parker kaya napatitig ako sakanya. Kaya ba hindi ako makapag-sorry sakanya?
Nginitian niya nalang ako kaya lalo akong nanlumo dahil ang bait niya.
"Kinulit niya po ako. Nauwi nalang po ako sa pagiging kaibigan niya dahil sobra po kulit niya. Pero worth it naman ang maging kaibigan niya po. Mapanakit lang dahil kung magsalita."
Sabi niya na hindi ko alam kung ikakatuwa niya. Totoo lahat nang sinabi niya! Pero parang kinakabahan ako na ewan dahil masyadong madetalye!
Tinignan ko si myka na nakangiti kaya mas lalo ako kinabahan. Ba't siya nakangiti? Nahawa ba siya kay nina na kanina pa nakangiti.
"I'm sorry for what she did, she had issued that even I couldn't help her. Thank you for being there for her. Puro kasi si misaki lang ang bukambibig niya dati eh, un lang kaibigan niya. Pero ngayon lahat kayo palagi niyang binabanggit. Madaldal siya pag-komportable siya sa tao. It's good to know that you see her jolly side too."
Paliwanag niya kaya napalunok nalang ako at napatungo. Nakakaiyak naman un. Alam ko na masakit na magkaproblema pero..
Mas masakit pala pag wala kang magawang tulong para dun sa tao.
Lalo na pagmahal mo, masyadong mapanakit.
"Tenchu.."
Bulong ko kay myka kaya napatingin siya sakin nang emosyonal at ngumiti nang matamis.
Nag-thank you rin ako sakanila nang pabulong kaya ngumiti sila.
"Naku si ate paiyak na! Paiyakin niyo nga yan! Hindi nga ata marunong umiyak yan eh!"
Pang-uulok ni nina kaya simaan ko siya nang tingin.
"Oo paiyakin niyo yan! Bilis!"
Pag sang-ayon naman ni timon kaya halos umusok na ilong ko sa inis.
Ahh ganun!
Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at nilagay ang plato sa lababo.
Lumapit ako sa likod ni nina kaya umaatras na siya pa-onte-onte.
Tumayo siya bigla nang kikilitiin ko na siya.
"Ate wag! Ang ganda na ng ayos ko eh!"
Angal niya pero hinahabol ko parin siya.
"Pwes! Pumangit ka sana lalo!"
Sabi ko kaya nagtago siya sa likod ni myka. Kala mo titigil ako.
Hinabol ko parin siya kaya para na kaming tom and jerry kung maghabulan.
Narinig ko nalang sila natawa habang si nang at si myka ay nakasapo na sa noo.
"Nako mga bata talaga hahahaha!"
Patawang sabi ni mang eddie na ikinasama nang pagtingin sakanya ni nang na muntikan na siyang tusukin.
Aguy!
"Hay pasensya na mga isip bata pa yang dalawang yan. Di naman masaway."
Kwento ni myka kaya umiling sila. Hindi naman kami pasaway.
"Minsan lang po namin makitang ganyan si rina, ok lang po."
Sabi ni hazel kaya tumango sila kaya napangiti nalang si myka.
"Sasama ako sainyong dalawa sige."
Banta ni myka kaya umupo kami kagad at pumirmi. Yaw ko nga makiliti to death.
"Yan harutan pa kayo! Takot lang kayo kay my my na malakas mangiliti! Hahaha! Weak!"
Mayabang at taas noong sabi ni saki kaya kinurot ko pisngi niya. Inalog-alog ko un para sumakit nang sobra.
"Yan ikaw ang weak!"
Sabi niya nang magtap-down siya sa lamesa na ibig sabihin ay tigil na.
Nang matapos kami kumain ay nagprisinta na maghugas si nina.
Gusto talaga mapansin eh. Hinayaan ko nalang siya kasi, gusto niya eh.
Depende kina parker at kay dynzel kung papansinin nila si nina.
"Diba rina may crush kapatid mo dito sa dalawang toh na may scandal."
Sabi ni jareh na ikinatawa namin. Nasa living room lang kami nakaupo.
Naglalaro kami nang monopoly. Kampihan daw. Si jareh ang tumayong banker na hindi naglalaro kasi walang kakampi.
Tumango ako.
"Pano?"
Tanong niya kaya nagkibit balikat ako. Malay ko dun. Pero sure ako dahil gwapo.
"Mali tanong mo rehn. Ganto un.. ehem.."
Sabat ni misaki kaya tinaasan siya nang kilay. Ano na naman ba tong kalokohan na toh.
"Ano? Saan? Sino? Bakit? Sa paanong paraan?"
Pagkanta ni hazel habang natawa kaya humalakhak si parker. Napatawa na rin kami. Expected siya sa true lang haha!
"Hahaha! Ano ka! Bulok na yang ganyan saki! Pati si hazel alam na balak mo!"
Sabi ni parker na tawang tawa na talaga kaya nung na-roll ni parker ung dice ay napadpad ito sa bahay namin ni saki.
Boom! Bayad!
"Tsk! Mabuti sana kung sayo lang karma mo eh! Sama tuloy ako!"
Angal ni dynzel kaya natawa kaming lahat.
"Ang bilis! Ganyan talaga pag pangit."
Sabi naman ni nadeya kaya ni-wave ni parker ung daliri niya.
"Nuh-uh-uh. Karma ka rin buddy."
Sabi ni parker nang turn na ni hazel at nadeya kaya nag make-face si nadeya
"Karma your face!"
Sabi ni nadeya nung tumigil ito sa start na makakakuha ka nang 500. Muntikan na mahulog ung dice sa bahay nina parker kaso mo hindi eh. Hahaha!
Tinignan siya ni dynzel nang masama kaya naman ay hinawakan na ni parker batok nito kasi baka batukan ito.
"Karma karma ka pa kasing nalalaman!"
Inis nang sabi ni dynzel dahil nababaon na sila. Mahal bayad nung samin eh. Sabay hindi nila kayang ibenta bahay nila.
So for short ang nanalo ay si hazel at nadz habang kami ni saki ay second at sila ni zel ay last.
Tawa nalang ang nabigay ni jareh dahil dun.
"Alam niyo ang saya niyong panoorin hahaha! Lalo na si parker! Kawawa ka naman tol!"
Tawang tawa na sabi ni jareh well totoo naman kasi hindi nga siya naglaro, banker lang nakita niya kaming anim na nagtatalo tas siya chill lang.
"Tapos na ako!"
Sabi ni nina. Antagal niya maghugas nakatapos kami nang isang round.
Umakyat na kanina pa si myka dahil may report pa daw siya na kailangan gawin.
Sinama namin si nina kaya naging kakampi siya ni nads. Dapat si dynzel kasi gusto niya na mag-switch kaso ayaw ni hazel at ni jareh.
Ayaw naman ni dynzel kay nina. Ayaw rin ni parker. Iniiwasan ata. Nagusap nalang ung dalawa kaya okay na daw si parker sabi ni zel.
Si hazel at si jareh naman ang nagkasama. Kaya walo kami ang naglalaro.
Tumabi pa si nina kay parker kaya napaurong din si nadeya.
Halatang pinagbibigyan dahil nagpustahan ung apat na, kung uubra ba si nina dun sa dalawa. Eh pareho silang iwas sa babae.
"Hala!"
Tinig ni nina kaya binelatan ko siya. Nakabili na naman kami ni saki nang bahay eh.
"Yun!"
Masayang tinig ni parker nang i-roll ni zel ang dice at napadpad sa start.
"Hala daya!"
Angal ni saki nang mabili ni jareh bahay namin dahil wala na kami money.
Sa huli ang nanalo ay kami. Dahil binenta namin lahat kahit may pera pa kami. Habang ang huli ay si parker at si zel ulit dahil sa karma ni parker.
"Hahahaha! Dude talo ka na naman!"
Tawang tawa na sabi ni jareh kaya binelatan nalang siya ni parker.
Nang tinamad na kami ay nanood nalang kami nang movie. Hindi na kumareng-keng tong si nina dahil hindi naman siya manlang tinignan nung dalawa.
Nagpaalam rin ito matapos kumain nang meryenda na matutulog daw siya kina tracie kaya um-okay si my my.
Umorder siya pizza nung nag-meryenda kami kaya salo salo kaming kumain dun habang nagkwekwentuhan.
Umalis narin sila nung dumapo na ang alas-siyete nang gabi. Matapos kumain nang hapunan.
"Ay rina binalik ba sayo ni dynzel keychain mo?"
Tanong misaki. Natulog na naman dito ang gaga. Porket may damit siya dito. Dito na matutulog.
"Oo. Bakit?"
Sagot ko. Binalik niya naman kagad eh. Napa-taka tuloy ako kaya tinanong ko siya.
"Tignan mo nga ano nakalagay na pangalan."
Sabi niya kaya napakunot ako. Kinuha ko bag ko at tinignan ung keychain dun.
"Wala naman-
Sagot ko sana nang makita na may maliit na nakalagay dun na "azriena geniva".
Resin nga pala ung keychain na may rose petals. So pinagawa niya pala?
Ang bilis naman kung ganun. Diba dapat matagal un.
"Meron."
Pagbago ko nang sagot kaya tinignan niya ung sulat.
"Ganyan! Ganyan din nakita kong style nang font sa keychain niya. San kaya na pagawa ganda eh. Pareho din kayo na rose petal."
Kala ko iba meaning eh buset. But why did I expected something else.
Napatingin nalang ako sa selpon ko nang may magchat. Binasa ko ito.
Goodnight.