"Ate ang aga mo ah!"
Dinig kong sabi nang kapatid ko habang nahikab at pababa sa hagdan.
Ngumiti ako at tumango. Nagsusuot na kasi ako nang sapatos dahil tuloy ung punta namin sa museo nang cressencio de pilipino.
"Maaga kami aalis 2 hours kasi papunta at maraming tao ata pag ganitong araw."
Paliwanag ko. Sabado na naman kasi. Last week kami kinausap at lahat kami nagpramis.
Sobrang saya ko tuwing maaalala un dahil talagang meron na akong mga kaibigan na nan jan para sakin at pwede ko ring masuportahan. I can also trust them.
I felt like I took a step forward because of them. Laki talaga ang pagpapasalamat ko sakanila na nag-reach out ulit sila.
Pero hindi ako mapirmi nang kada kakausapin ko si parker tungkol sa nangyari dati ay nilalayuan niya ako. Or pinipigilan niya ako, o may ibang pipigil dun.
It's just such a pain in the a*s to have wrong timing. Pero patience lang masasabi ko rin un.
August na nga pala mga mare! Sa kahulihan nang buwan namin gagawin ung ala theater na show.
Kinausap ni misaki at nadeya ung mga nasa music and arts club for the singing actors and sa props. Sagot narin nang nag-donate un.
Habang kami ni hazel ay abala sa schedule. Ung tatlong lalaki ay magtulungan sa booths at sa gagawin naming presentation. Pwede daw both so gagawin namin best namin.
Kasama namin actually yung journalism club dahil kailangan namin nang taga picture and mga pang story or article.
Sasama rin nila ito sa daily news paper. Ang shala namin dahil lahat nang club president approve.
"Rina dala mo ung folder at ung usb?"
Tanong ni hazel nang makalapit na ako sakanila. Naghihintay nalang kami nang bus. Tumango ako.
Nilabas ko sa bag ko ang spiral folder na may sections at ang usb para ma-copy and ma-edit ung power point na ginawa namin tuwing uwian sa bahay nila.
Tinulungan rin kami ni parker dahil techy siya. Siya narin ang nag-advice samin na dalawang copies ang dapat at kung maaari itago ito nang maigi. Baka daw mawala.
Binigay ko to sa kanya at sinara na ulit bag ko. Napatingin pa siya dun.
"Ang dami mong pagkain!"
Sabi niya kaya narinig kong tumawa ung apat na taga journ at limang mukhang ewan. Ang bulwak kasi nung bag ko, panay pagkain lang laman.
"Kasi matagal biyahe, andami naming chichirya sa bahay at mga iba pang snacks.. Dinala ko nalang."
Sabi ko kaya nagsi-kuhanan na sila sa bag ko nang gusto nila. Para akong tindera buset!
"Yan kumuha na kami mamsh para hindi na mabigat dala mo! Dapat girl, nilagay mo sa hiwalay na bag para hindi puro pagkain nasa likuran mo! Kaloka!"
Sabi nung president nang journ na si aljur, alena pala. At hindi he ah.. she siya so respect it.
Napanguso ako at tumango. Kaya pala andami nilang pinagsikuhaan dahil kala nila nabibigatan ako. So sweet.
Nang magpakilala kami sa isa't isa ay tsaka ko lang nalaman na andami namin.
Nang makasakay kasi kami sa bus ay, halos kami ang pumuno sa kalahati.
Hindi lang kasi apat ung sa journ, 8 sila. Lahat sila officers.
Nahuli kasi ung apat dahil biglang may nabangga sa may dinaanan nila. Un din ung dadaanan namin at un nga, kawawa ung nag-kabunguan.
Katabi ko si saki at ayos na kami, bumalik na kaming pito sa dati na parating masaya, actually mas masaya na dahil ok na rin ako kay parker.
Habang si dynzel.. Best bros na ata sila eh. Haha! Sila rin magkatabi habang si jareh ay dun sa isang journ na kakilala niya at si hazel at si nadeya ay magkatabi.
"Hmm!!! Ito ung masarap ah! Sa talk of breads ba toh?"
Tanong ni saki kaya napatingin ako sa kinakain niya. Oo na kain na kami. Sabi na nga ba kailangan nang foods eh.
Tinignan ko ung tinapay at sunod sunod na tumango. Kinagatan ko rin toh at tumango ulit. Nagulat ako nang paluin ako.
"Gaga! pwede naman um-oo ba't kailangan kagatin ung kalahati?!"
Inis nitong angal kay binigyan ko nalang siya nang kapareho nung kinakain niya.
"Sorry naman! may ibang store rin kasi na ganyan itsura kaya tinikman ko! Ito naman!"
Paliwanag ko kaya napairap siya tumawa nalang ako. Nilingon ko rin sila parker at dynzel sa likod.
"Gusto niyo?"
Tanong ko rito kaya napatingin sila sakin. Nagkwekwento ata kasi kanina si parker kaya nakangiti sila parehas habang nagkakarinigan.
"Sige! Ano ba meron diyan? Ano gusto mo pards?"
Tanong ni parker at bumaling kay dynzel. Napatingin ito sa mga pagkain na pinakita ko.
"Itong mukhang panda. Oh ito sayo gusto mo nang malambot eh."
Sabi niya at kumuha nung panda cookies at chocolate bread na may mocha feeling at ibinigay toh kay parker.
"Sus ambait ni zel! Ako rin penge! Usto ko ung parang pretzel!"
Sabat nito kaya natawa kami. Binalingan nito ang kausap kanina at sinabi isa ring choco chips. Kaya pinaabot ko kay misaki na hinagis naman. Kinurot ko siya.
"Buang! Edi sana hinagis ko nalang din."
Sabi ko kaya natawa siya. Humingi rin ung ibang taga journ nung cookies. Kaya inabot ko. Inubos na nga pala namin ung kinuha nila dahil sa pag intay nung bus.
Humingi rin si hazel at nadeya kaya ako na ang naghagis. Nasa kabilang aisle sila nadeya, jareh at ung dalawa pang taga journ. Nasa side namin si pres at si zel at parker.
Nang naging trapik ay dinapuan na ako nang antok. Pero itong katabi ko kanina pa tulog. Ganun din si nadeya at ung 3 unggoy.
Kawawa tuloy ung mga nasa journ. Nang makita ako ni hazel na humihikab na at si misaki ay humihilik na...
"Matulog ka na rin. Bantayan ko kayo."
Bulong niya kaya umiling ako kahit sobra na antok ko. Kawawa naman siya kung halos lahat babantayan niya. Ngumiti nalang ako sakanya kaya napatango siya.
Habang pinapanood ang daan mas napako tingin ko sa ulap na sobrang ganda.
Merong ulap na mukhang aso at meron namang mukhang isda napangiti ako dahil dun.
Present..
"Alam mo ang ganda nung ulap oh!"
Masaya kong sabi nang pauwi na kami nang Cressencio.
"Haha! Pati ba naman ulap kina tutuwa mo. Well it is really beautiful."
Sabi niya kaya napatango ako. Hapon na kasi at papunta na kami nang bahay ko.
Niyaya ko siyang kumain dun pero ayaw niya. Napanguso tuloy ako.
Nasa manila parin si saki. Umalis na rin kasi tatay niya dito at tumira na nang tuluyan sa japan. Ganun din ang kapatid at nanay niya.
Plano niya ring pumunta nang japan pero baka daw ma-lonely ako. Hindi naman ako malo-lonely siya nga yun eh.
"The museum didn't changed."
Sabi niya kaya napatingin ako sa side ng bintana niya.
Napangiti ako. We're almost home.
10 years ago...
"Rina.."
Gising sakin ni zel kaya napatingin ako sa paligid. Malapit na kami.
Tinignan ko si saki na nahilik parin. Binalingan ko ulit siya at tinaasan nang kilay.
"Pwede bang paki gising si misaki.. kinagat kasi si parker eh."
Sabi nito kaya napatingin ako kay parker na tinatakpan ni zel ang bibig dahil sa sakit nung kagat ni saki sa daliri niya.
Napatango ako nang mabilis at kagad ginising nang marahan si misaki. Baliw!
Napatingin ito nang dahan dahan sakin habang nakapikit at binuksan na ang mata.
Pinalo ko kagad braso niya nang di gaano kalakas pero umaray parin siya. Tinakpan ni zel bibig niya.
"Shush....."
Parehas naming sabi kaya napatingin siya sa paligid at nakitang tulog lahat. Nakatulog din si hazel.
Napatalon toh nang nakitang namumula si parker. Tinignan niya daliri nito na may dugo.
"Hala anyare sayo?"
Alala nitong tanong kaya natawa kami ni rafiki nang mahina.
"Baliw ka ba kinagat moko!"
Pasigaw nitong bulong nang tanggalin ni dynzel kamay nito sa bunganga nito.
Tumaas kilay ni misaki at tinignan si dynzel. Tumango ito.
"Nagulat ako nang bigla niyang pisilin kamay ko. Aayusin niya sana ulo mo kasi malapit na ito mahulog. Sabay kinagat mo siya na sobrang diin."
Kwento ni dynzel kaya gulat na gulat si misaki dahil hindi niya akalaing magagawa niya un habang tulog.
Nang tumingin kami kay parker ay tango lang toh nang tango. Nagamit narin ni dynzel kanina pa siguro pero masakit parin daw. Muntikan daw ata mabali.
Nang malapit na talaga kami makarating ginising na namin ung iba kaya antok silang nagsi-ayos nang upo at naghanda na nang gamit.
Nang tumigil ang bus biglang tayo si misaki at jareh at nag-unahan palabas.
Parang mga bata. Nilapitan ko si parker nang tumayo.
"Ok na ba daliri mo?"
Tanong ko kaya napailing siya at ngumiti. Magsasalita na sana siya nang lumapit si hazel.
"Bakit anyare?"
Alala nitong tanong kaya nagkwento na naman si dynzel nang makalapit ito.
Tapos lumapit si nadeya, hangang sa may lumapit ulit at tinanong, at nang-
"Bababa pa ba kayo?"
Tanong ni manong driver na naiirita na kasi kanina pa paulit ulit nang kwento. Nagmadali kaming bumaba habang natatawa tawa.
Nang malapitan ni hazel si jareh at misaki ay piningot niya parehas sa parang ewang ngayon lang nakapunta.
Nag split kami into 5 groups. Tatlo kami sa isang grupo.
Ang kasama ko ay ung president at si hazel dahil kami ang bahala sa presentation.
Naghiwalay din kaming tatlo saglit nang pagkapasok at nagplanong magkita sa garden of eve fountain.
Habang nakikinig ako nang onteng information sa mga tour guides at sa pag hanap nang mga souvenirs para pwede naming ipakita sa school ay may nadapuan ang mga mata ko na ikinatawa ko.
"Hoy ayusin mo nga ang pag-pose!"
Utos pa ni misaki habang nagpo-pose si parker at ung isang taga journ kasama ang statwa.
"Pshtt!! Bawal yan!"
Sabi nung guard nang may flash na umilaw na abot sakanya. Takbuhan silang tatlo dahil dun.
Napailing iling nalang ako habang may dalang basket na may pamphlets at keychains pati narin ang isang brochure at postcards.
Tumuloy ako sa isang parang garden. Ito na ata ung simula garden of eve.
Malawak kasi un at ang napasukan ko ay hindi ang mismong entrance.
Napa-taka ako nang dumeretso pa ako ay pababa na ito. Naligaw ba ako?
Habang pababa na nang pababa ay nakakita ako nang parang catacombs.
Napatingin ako sa paligid dahil sa makalumang ganda nito at para pang may natulong tubig kahit wax lang un.
May parang prisinto din at labasan kaya lumabas na ako dun. Paakyat naman ito.
Pag-akyat ko ay lalo akong namangha. Wow!!!
"Ito ba ang lumang garden of eve?"
Tanong ko pero nag-echo lang ang sinabi ko. Bigla akong kinilabutan dahil sa lamig at mukhang walang tao.
Habang lakad ako nang lakad ay nakakita ako nang fountain. Baka ito nga ang luma. Umupo ako dito.
Tinawagan ko si hazel at sinabi na nandun ako sa lumang garden of eve kaya napa-taka siya na ano daw lumang garden of eve.
"Huh?"
Taka kong sabi. Kaya para na siyang kinakabahan.
Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko at umupo sa tabi ko. Parehas kami napatalon sa isa't isa.
"Baliw ka! Maglakad ka naman nang may tunog! Nagawa mo pang magulat!"
Inis kong sabi kay dynzel kaya natawa siya sakin. Sinabi ko kay hazel na babalik ako mamaya kaya parang um-okay na paghinga niya.
"Achoo-"
Bigla kong pagbahing kaya inabot niya sakin ang panyo niya.
"Sorry I'll be more noisy next time."
Sarkastiko niyang joke kaya nag make face ako sakanya. Nyeh nyeh!
Natawa lang siya at napatingin sa lumang fountain kaya napatingin din ako.
"You know that, this was made before the founder of cressencio married his wife."
Sabi niya kaya napailing ako. Wala nga akong alam sa founder un pa kayang kasal nila.
"This is where they were married and buried. Just at the bottom of this."
Kwento niya kaya napatalon ako dahil sa kilabot. Natawa siya nang malakas kaya tinulak ko siya. Gago!
Pero onte onte siyang tumigil sa pagtawa at ngumiti.
"He let them made this. This whole building for their wedding. For long everlasting love."
Pagpatuloy niya kaya umupo na ako ulit at tumango.
"So anong tawag dito?"
Tanong ko. Kung hindi ito garden of eve edi ano pangalan.
"It's name is Montenegro ala Fuentes. Meaning the Fountain of Montenegro."
Sabi niya kaya mas kinilabutan. Tumayo ako at dinuro siya.
"So! Multo ka! Ikaw ung founder! Ikaw ung!-"
Tinig ko kaya tinakpan niya bibig ko sabay halakhak nang halakhak. Anong nakakatawa! Masamang espiritu!
Parehas sila nang apilyedo well rivera siya pero montenegro ang middle name niya. So baka reincarnation siya?!
"I'm not anything you said!"
Tawang tawa niya paring sabi kaya kumalma nalang ako.
"Magkapareho lang pero di ko siya ka-ano-ano. Let's go. Baka kung ano pa mangyari sayo."
Sabi niya na tinitigan ako habang tawang tawa. Kala ata masyado akong na-praning.
Inunahan ko nalang siya maglakad dahil sa inis.
"It's this way."
Sabi niya na kinahiya ko pero tuwid parin ung mukha ko para di ako lalo mahiya. Buset!
Nauna parin ako at hindi ko siya pinansin. Kinuha narin niya ang basket.
Bigla akong nataka na bakit nandito nga pala siya. Kasama niya sina jareh at nadeya ah.
"Oo nga pala ba't ka nga pala humiwalay?"
Tanong ko nang biglaan kaya para pa siyang nagulat. Napatango siya.
"Ahh.. Nagtago-taguan ung dalawa sa catacombs, tas bigla akong napadpad dun. Wait- Hala nakalimutan ko sila!"
Bulalas niya nang maalala ang nangyari kanina na dahilan ba't kami nagtagpo.
Natawa nalang ako buti nalang dahil nang makaakyat na kami ay napad pad kami sa bayani nang ating bayan section nung museo.
Nandun din sina nadeya at jareh na kanina pa ata nag-aalala sakanya dahil nahiwalay siya.
"Nahanap ko na aso niyo!"
Pabiro kong sabi kaya hinila ni zel ang buhok ko kaya napaatras ako at umaray.
Tinignan ko siya nang masama kaya binelatan nalang niya ako at naglakad na papunta kina jareh. Binigay narin sakin ang basket.
Tinawagan ko narin si hazel at sinabi na papunta na ako dun sa garden.
Nang makarating ako dun ay umupo muna ako sa fountain at napatingin sa paligid.
Kung ang kanina ay parang makalumang abandonadong lugar na may vines at lumot na sa paligid pero maaliwalas parin, dito ay punong puno nang magagandang bulaklak at puno na nakapaligid.
Pero kung tatanungin sakin ano ang mas magandang lugar o itsura nung fountain, sasabihin ko ung Montenegro ala Fuentes. Kahit luma mukhang bagong nag grassy style lang.
Ito mukhang meadow kasi na dilawan. Habang nag mumuni muni ako dito nakita ko ang isang maliit na chapel.
Ang cute nito at ang ganda nang disenyo. Kahoy siya na kala mong bagong barnis at maaliwalas tignan na parang makaluma kagaya nung museo.
Bagong gawa lang ata ung chapel dahil nung pumunta ako rati dito ay bakanteng lupa lamang iyon.
"Mas gwapo ako jan sa tinititigan mo noh."
Dinig kong sabi ni parker. Kahit nagulat sobra laman loob ko dahil alam ko mag-isa lang ako dito sabay may biglang nag salita! Buang!
Binalingan ko siya at nakita ko na siyanh nakaupo nang maayos.
"Nasan sina misaki?"
Tanong ko dahil nagtataka ako ba't siya nandito. Ngumuso siya. Hinahabol parin ba sila?
"Sinaktan ako ulit!"
Sabi niya at pinakita ang pasa. Narinig ko naman may sumigaw na..
"Hindi ah!"
Dinig kong tinig ni misaki habang galit na papunta dito. Pinagaalog alog niya si parker kaya natawa ito.
Baliw! Mga sinama pa ako sa kalokohan. Tawang tawa na ako dahil angal nang angal si misaki na nadapa lang ito sa pagkakatakbo dahil dun sa guard.
Dumating din isa nilang kasama na hingal na hingal na. Hinahabol parin sila nung guard!
Buti nalang at lahat na kami ay nandun na. In-explain nung guard kay hazel ung mga violation nung tatlo kaya pati si alena nagalit sa officer niya.
Napaka-chaotic nang araw na ito. Hindi pa namin tapos ang buong tasks namin ay dinala na kami sa head nung museo.
Tahimik lang kaming nakaupo dahil nireklamo talaga kami. Tapos di pala pwede bumaba dun sa fuentes dahil under construction daw.
So parang mas malala ginawa namin ni dynzel dahil trespassing pala un. Huhu pano na toh...
"Come in."
Dinig namin sabi nung isang lalaki kaya pumasok na kami.
Pinaupo kaming lahat sa harapan niya at para kaming tuta na nagsi-ayos matapos malaman na may kasalanan.
"I called your school."
Sabi nito kaya halos mangiyak na si nadeya sa takot. Hinimas ko nalang likod niya habang si hazel masamang nakatitig sa lalaki.
Tahimik at seryoso lahat. Hindi maganda ang mood kaya nanghina kami nung nagsalita siya muli.
"I told your principal that I want to give you the best tour around here and help you with the project and presentation."
Sabi nito habang nakangiti. Napalabas kami nang hininga dahil sa kaba talaga.
We didn't want to disappoint and fail the project at the first day ror.
Tuluyang umiyak si nadeya kaya alalang alalang tumayo ung lalaki at nilapitan siya. Nagso-sorry.
Tumango lang nang paulit-ulit si nadeya pero nalulungkot talaga un lalaki. Gumaan na rin ung mood kaya ok na talaga. Halos sumabog puso ko sa kaba.
Tinawanan ko si dynzel at parker na pawis na pawis na. Parehas silang lumapit kay jareh kanina eh. Haha!
Si misaki naman halos manlambot ang tuhod. Si hazel nakatunganga lang habang lahat ay nakahawak sa dibdib.
Horror toh sir?
Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina at tumingin samin habang nakangiti nang matamis.
"Dati akong estudyante dun at naranasan ko ung saya nang ipinaranas samin ung events sa project. Kaso mo nung grumaduate kami ay hindi sumulpot ung magsasalita nung last message kaya marami ang nalito at nadismaya."
Kwento nito kaya napatango kami. Ganun kalaki ang impact sakanila nun.
"Un ang pinakamasayang taon ko roon. Dati kasi puro bully at pag-aaral lang ngunit nang maigawa un ay lahat naging masaya at mabuti sa isa't isa."
Halatang nalulungkot siya dahil nakatungo na siya ngayon.
"Kaya hangga't sa maaari ay gusto kong makatulong na maging successful ang proyekto niyo ngayon."
Sabi niya na nakangiti na ikinagalak namin kaya nagsi sagutan siya nang masaya.
"Pero please.. Don't violate rules anymore."
Sabi nito na natatawa kaya may onteng hiya na dumapo saming lahat.
Matapos namin magsi-usap ay siya mismo ang nag-tour samin sa buong museo. May mga lugar na di namin alam na itinuro niya.
Dati ayaw niya daw nung AP at Filipino pero simula nang event sa school nila na ginawa nang project ay bigla nagiba ang tingin niya rito.
Masaya kami nagkakaintindihan habang nilalakad ang buong museo.
Pumunta rin kami sa chapel at kwinento niya kung bakit ito ginawa.
"Ito ay para sa isang mahalagang pari na ginusto na mabuo itong chapel para sa kanyang bininyagan na dalawang bata na nakita niya lumaki at naging mag nobyo. Natigil ang paggawa nito dahil umalis ito parehas. Bago namatay ang pari ay hiniling niyang maipagawa parin ito. Mahal na mahal niya ang dalawang batang iyon at ginusto niya na ikasal sila rito. Ngunit may nangyari daw na trahedya kaya ito'y hindi na ibinanggit."
Pagkwento rito habang nasa likod kami nang chapel. Nan dun nga ang puntod nung pari.
Naging familiar ito sakin ngunit hindi ko alam kung bakit. Kilala daw siya rati kaya talagang magiging familiar.
Nagdasal rin kami habang naririto kami at pumunta sa souvenir shop para sa mga kagamitan na kakailanganin namin.
Nang maghapon na ay nagyaya na kaming kumain sa malapit na karinderya dito.
Nagorder nalang kami nang mga tapsi, longgsi, tosi, sisig at iba pa. Lahat kami ay nagkwentuhan tungkol sa mga pangyayaring masasaya ngayon.
"Paabot nga!"
Tinig ni misaki dun sa isang taga journ. Mukhang type niya ata toh. Ito ung nakasama nila kanina.
Maitsura siya onte. Kanina pa kinekwento ni misaki ang mga "kilig moments" daw nila. Tinawanan at tinanguan ko nalang siya.
Nang matapos kumain ay nagsi antayan kami nang bus dahil pihado dalawang oras na naman ang biyahe nag dala ulit kami snacks.
"Oh mamsh! Ito na! Nakasupot na!"
Sabi ni alena kaya natawa ako. Tumango ako.
"Oo na!"
Patawa kong sagot kaya nagkangitian kami. Binuhat namin ang halos isang sako nang pagkain para sa biyahe na pinauwi samin nung may ari nung karinderya.
Baka daw kasi magutom kami kaya't binigyan niya kami neto.
Nang makasakay na kami ay sila jareh at dynzel ang nagbuhat. Masakit daw braso ni parker eh. Ginamot narin siya nang tama sa clinic. Kanina pang umaga tumigil ung pagdugo pero maga daw ito at muntikan na mabali.
"Dahil ito sayo misaki tandaan mo tong araw na toh!"
Siga niyang sabi kay misaki na parang gusto makipag away. Tinawanan lang siya nito at nagsorry sabay niyakap.
Ngumiti naman si parker at niyakap toh pabalik.
"Sama ako!"
Sabi ni bakeks na kinatawanan ko dahil biglang kumalas at lumayo si parker.
Pero niyakap parin siya ni alena nang matagal. Magkatabi sila eh. Nag switch seats kami eh.
Ang magkatabi ngayon ay ako at si nadeya, si misaki at hazel, si zel at jareh, si parker at si alena. Ung crush ni saki at kaibigan ni jareh at ung naiba pang lima.
Lahat kami pagod kaya mas inaantok kami ngayon keysa sa kanina.
Habang nasa biyahe ung iba ay nanood dun sa tv.
"Hoy gago! Nasagasaan!"
Bulalas nung taga journ nang manood sila nang action movie. Tutok na tutok ang mga lalaki. Except kay parker na ginugulo parin ni alena.
Kami namin ni nadeya ay naglalaro nang uno at si misaki at si nadeya ay pinoy henyo.
"Uno!"
Sabi ni nadeya nang matalo ako habang si Hazel ay nasayaw nang victory dance dahil nahulaan niya ang kanina pang hindi niya mahulaan.
Nung nagkatinginan kaming apat ay pare parehas lang kami natawa.
Nang iba na ang palabas ay nanood na kami dahil isa un sa magandang teleserye ng Kathniel!
"She's dating the gangster!!!"
Tili ni nadeya nang nakita niyang sabihin ni athena na "I can't breathe."
Nakain kami habang nanonood. Napanood din ang mga lalaki. Pero sa lahat nang tili kay alena ang sobrang sakit.
Nang makababa kami sa school ay nagkanya kanya na kami nang daan.
Parehas kami nang daan apat kaya sabay sabay na kaming nagsiuwian.
Naglakad nalang kami lara matatag ung kinain namin. Masakit din p***t namin sa dalawang oras na nakaupo.
Nang maghihiwalay na kami nang daan ay napatigil si dynzel.
"I'll walk you home."
Yaya nito kaya iiling sana ako dahil iba na daan namin. Pero di na ako nakaangal nang nagpaalam na ito kina misaki.
"Sige dre una na kami. Saki bye."
Paalam nito kaya napabuntong hinga ako.
"Bye! Ingat."
Sabi ko habang na kaway at nauna na nga kami maglakad parehas papunta samin.
Present
"Dito na tayo."
Malambing niyang sabi habang ginigising ako. Nakatulog pala ako.
"Thank you. Pasok ka."
Pagpapasalamat ko at yaya ngunit umiling siya.
"Hindi na. Gusto ko na rin makauwi eh."
Sabi niya at tipid na ngumiti. Kaya napatango ako. Lumabas na ako nang kotse at naglakad na papasok.
Pumasok na ako sa bahay at kagad akong napangiti na para bang naiiyak.
"I'm home!"
10 years ago..
Napahiga ako sa kama ko dahil pagod na ako.
Napatingin ako sa kamay ko na may hawak na keychain.
Keychain ito na may rose petal na may nakalagay na "Garden of eve."
Binigay sakin toh ni dynzel nang ihatid niya ako sa bahay.
Napangiti nalang ako nang sabihin niya na..
"Do you know that a rose is such a beautiful flower but can cause you pain?"
Tanong niya kaya tinaas ko kilay ko habang natango at natatawa.
"Here. A rose for a rose."
Sabi niya kaya napaamang ako. Tinignan ko inabot niya sakin at napangiti nang rose petal keychain ito.
Magpapasalamat sana ako pero umalis na siya.
Beautiful yet painful... beautiful..