HINDI kaagad nakagalaw si Katharina sa kaniyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa sinabi sa kaniya ni Zach at bigla rin ay tila wala rin siyang ibang nakikita sa kaniyang paligid kundi ito lang. Domuble rin ang pintig ng kaniyang puso. Zach loves her! How and when? Mga katanungang hindi niya kayang isatinig dahil napaka-imposible. Napakurap siya nang matauhan siya. Kasabay rin ng pagkurap niya ay tumulo ang masaganang luha sa mga mata niya. Umiling-iling na agad siyang napaatras. Imposible! Sa ganoon lang kadali? Mahal na siya nito? “W-Wala ka na bang ibang diskarte para mapaamo ako at makuha mo ang gusto mo?” Puno ng hinanakit ang boses na tanong niya at marahas na pinahiran ng braso niya ang mga luhang tumulo sa pisngi niya. “Katharina, I mean it! Mahal kita, matagal n

